Chapter 26: Brothers

176 7 2
                                    

Josef

                Maya-maya lang ay mag-i-start na ang game. Nag-propose si Topher sa AE-U na kung p’wede dito na lang sa AC gawin ang game para sakto na rin sa opening ng School Fair. At least, mababawasan ang kaba namin habang naglalaro dahil alam namin kung nasaang court kami. Hindi pa kasi ako nakakapaglaro outside St. Claire. Mas pamilyar ako sa sariling court namin. Wala pa rin kaming balita kung sinu-sino ang maglalaro sa Hot Shots. At hindi ko pa rin alam ang sinabi ni Kuya Froi na alam ko na ang gagawin. Hindi ko naman kasi siya nakausap dahil nagkaroon siya ng photoshoot. Hindi na rin natuloy ang dinner namin. Siguro after na lang nitong game, saka ko siya kakausapin.

                Sandali lang kami nakapag-practice, pero sabi naman ni Karl kung hindi maglalaro si Chaunce, malamang sa magkaroon kami ng chance manalo. Chaunce for chance. Buti na lang at sinabi ng coach namin na hindi official itong game na ito kaya okay lang kahit hindi kami manalo. Pero, mas maganda pa rin kung maipapanalo namin. Opening ng School Fair, hindi maganda kung malalaman ng mga visitor na natalo kami sa sariling court namin.

                Naglalakad na ako ngayon papunta sa AC nang biglang may bumangga sa akin. Hindi ko alam kung sadya o hindi, pero tinawag ko siya... sila. Una kong napansin ang jersey short na suot nilang dalawa. They’re from Hot Shots. Tiningnan nila ako at parang natawa pa sila, saka sila tumalikod uli para maglakad.

                “Manners, Jans. Manners.” Napatingin ako sa likod ko para tingnan kung sino ang nagsalita. “I’m sorry about them,” sabi ni Chaunce. Hindi siya naka-uniform. Ibig-sabihin ba nito hindi siya maglalaro? WTF.

                “Okay lang,” mahinang sabi ko. “Akala ko maglalaro ka.” Gusto ko lang naman malaman kung sino ba talaga ang makakalaban namin.

                “I’m still thinking about it. 'Wag kang mag-alala, may dala akong uniform,” sagot niya. Mukhang may power siyang mag-decide para sa sarili niya kung maglalaro siya o hindi. “Jans are my brothers. Pasensya ka na sa kanila. They’re exhausted, jetlag.”

                Jetlag? Bakit saang lugar ba nagpa-practice ang Hot Shots para ma-jetlag? “Mukhang malayo pa ang pinagpa-practice-an niyo, ha,” nakangiting sabi ko.

                “Practice? Uh. No. Galing sila sa bakasyon. Too bad, hindi sila nakapag-practice para sa game na 'to.”

                “Oh. I see.” Tumango-tango na lang ako. “See you around,” paalam ko.

                “Josef!” Nahinto ako sa paglalakad nang tawagin niya ako. “Take it easy on my brothers, okay?” Tinapik niya lang ako sa balikat at saka siya naglakad.

                Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Hindi ko naman naintindihan, eh. English kasi. Joke. Ano ba ang gusto niya? 'Wag kong galingan para sa mga kapatid niya? Bakit wala ba siyang tiwala sa kambal na 'yon? Teka, kambal nga ba? Magkamukha kasi silang dalawa, eh. Anyways, bahala na mamaya sa court.

                Hindi pa man din ako nakakapasok sa AC ay rinig ko na kaagad ang hiyawan ng mga tao. Hindi na ako magtataka kung puno na kaagad ang bleachers sa dami ng supporters ng Red Cool, pati na rin ng Hot Shots. Alam ko namang nagbitbit sila ng cheerers nila. Hindi naman ako gano’n ka-outdated para hindi ko malaman na sikat ang school nila. Elite school nga raw, eh. Sila na ang rich kid.

                Papunta na sana ako sa p’westo namin nang makita ko si Pris An. Kikiligin na sana ako kaya lang nakita kong kasama niya si Frank. Mukhang maglalaro nga si Frank. Iniisip ko palang na ichi-cheer mamaya ni Pris An ang lalaking 'yon ay naiinis na ako. Kailangan kong galingan para ma-impress naman siya sa akin. Minsan niya lang ako makikitang maglaro kaya kailangan kong magpakitang-gilas.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon