Chapter 9: Peace-offering

207 15 1
                                    

 

Josef

                Hindi ko naman talaga gagawin 'to kung hindi ako nakukunsensya. Natakot lang talaga ko sa nangyari kagabi at parang ayaw ko na nga talagang manggulat ulit. Paano na lang kung may sakit sa puso si Cheska, tapos inatake siya dahil sa akin? Baka hindi kayanin ng kunsensya ko iyon. Hindi naman nagalit ng sobra sa akin si Karl dahil alam naman niyang hindi ko pa masyadong kilala si Cheska. Ang alam ko lang naman sa kapatid niya ay maldita ito. Hindi ko maipaliwanag kung ano 'yung naramdaman ko no’ng makita kong umiiyak si Cheska. Grabe. Kumabog 'yung dibdib ko. Kinabahan ako.

                Naikwento ko kay Lenard 'yung nangyari at nagtanong ako sa kanya kung ano ba ang p’wede kong gawin para makabawi kay Cheska. Wala naman kasi akong alam sa mga peace-offering na 'yan. Kaya heto ako ngayon, may dalang flowers and chocolate. Mukha na akong manliligaw ni Cheska. Wala rin naman kasing nasabing matino si Lenard. Ang sabi lang niya mag-sorry ako nang maayos. Eh, nag-sorry na nga ako kagabi. Ang nakakainis pa do’n, nag-walkout si Cheska kaya hindi ko alam kung tinanggap niya ang sorry ko. Shit naman, oh.

                “Ano 'yan?” inis na tanong niya.

                “Bulag ka ba?” Shit. Hindi ko na naman napigilan ang traydor kong bibig. Ngumiti na lang ako. “Uh. Flowers and chocolate?” Obvious naman kasi kung ano 'tong hawak ko. Hindi pa ba niya gets kung bakit bibigyan ko siya ng ganito? Slow ba talaga siya?

                Naglakad na siya papunta sa kotse na nasa tabi ko. Akmang bubuksan na niya 'yung driver side door, pero hinarangan ko siya. “Tabi nga.” Sabay irap niya sa akin.

                “Ayaw ko nga,” nakangising sagot ko.

                Bigla akong nahiya nang biglang lumabas si Karl. “Ches,” tawag niya sa kapatid niya.

Kaagad naman siya nilingon ni Cheska. “What now?” iritadong sagot naman ni Cheska. “Late na ako. Wala na akong time para sa inyong dalawa.”

“I know,” sabi ni Karl. “Josef, take care of her.” At tinguan ko na lang siya.

Natigilan si Cheska nang marinig niya ang sinabi ni Karl. “What did you just say?” sabi niya habang nakataas ang kilay.

“I hired him as your keeper,” kalmadong sagot ni Karl.

“What?!” Muntik na akong mabingi dahil sa lakas ng sigaw ni Cheska. “Are you serious?”

“Of course. Kailangan ni Josef ng part-time job. Naisip kong kunin na lang siya as your driver and so on.”

“And you didn’t tell me about it? Hindi mo manlang tinanong kung payag ako?” Nilapitan siya ni Karl kaya naman lumayo muna ako. Baka magsasapakan sila. Ayaw kong madamay. Masakit pa ang mukha ko. “Karl...” inis na bulong pa ni Cheska.

“Ches, this is not for me, but for you. Sinabi ko na kila Mommy ang tungkol dito and they agreed with me, okay? Go, get your ass in the car dahil late ka na.” Sabay yakap ni Karl sa kapatid, pero tinulak din siya palayo ni Cheska. Napatingin sa akin si Karl at saka niya ako sinenyasan na ako na ang bahala. “Ingat kayo,” nakangiting paalam niya.

Dahil wala nang nagawa si Cheska, pinagbuksan ko na siya ng pinto sa backseat at kaagad naman siyang sumakay na nakasimangot. “How about these?” Sinubukan kong iabot sa kanya ang hawak kong flowers and chocolate. Padabog naman niya iyong inabot. Akala ko hihintayin pa niyang mangawit ako, eh.

                Pagkasara ko ng pinto ng backseat, nilapitan ko muna si Karl. “Sigurado ka bang safe ako sa kapatid mo?” seryosong tanong ko sa kanya at bigla siyang natawa. “Seryoso. Ang init ng ulo niya ngayon. Marami pa akong pangarap sa buhay.”

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon