Josef
“Josef! Josef! Tanghali na!”
Ito na naman si Kuya. Lagi na lang istorbo sa pagtulog ko. Hindi ba niya alam na ang daming chiks sa panaginip ko? Palibhasa may girlfriend na siyang napakaganda kaya hindi niya alam 'yung nararamdaman ko. Sige, tanghali na, magdrama ka pa, Josef.
“Josef!” sigaw pa niya sa labas ng kwarto ko.
“Oo na!” Napabigwas na lang ako dahil sa inis. Nakakainis dahil pasukan at kailangan ko nang bumangon ng maaga araw-araw. Hindi ko alam, pero hindi ako excited. Kung dati, no’ng nagtatrabaho palang ako, atat na atat akong mag-aral ngayon namang enrolled na ako, tinamaan na ako ng katamaran.
Pagkatapos kong maligo, nagsuot lang ako ng isang matinong t-shirt at pants. Wala naman kasing uniform sa St. Claire University. Ang lakas makaubos ng damit. Buti na lang talaga at model ang Kuya ko. Marami siyang damit na p’wede kong hiramin. Makapag-model na nga lang din.
Bumaba na ako at kumain lang ng isang mabilis dahil kating-kati na si Kuya na pumasok dahil nami-miss na niya si Ate Faye. Ang landi lang. Nami-miss, eh kulang na lang magsama na sila dito sa bahay.
“Sasabay ka ba sa akin?” tanong sa akin ni Kuya habang nagsusuot siya ng sapatos.
“Nope. I’m not an elementary student. I can do it, bro,” nakangiting sabi ko. Inayos ko lang ang suot kong t-shirt at saka ako naglakad palabas ng bahay.
Dahil wala pa kaming sasakyan ni Kuya. Mamamasahe lang ako papapunta sa St. Claire. Medyo pamilyar naman na ako dito kasi dito na ako tumira mula no’ng umuwi si Kuya galing sa France. Tahimik lang akong naglakad sa loob ng campus habang panay naman ang pa-cute ko sa mga babaeng tumitingin sa akin. Ang gwapo ko talaga. Mukhang mag-e-enjoy ako dito sa St. Claire. Sana lang talaga ay katulad ni Ate Faye ang mga babae dito. Syempre, books before girls pa rin ako. Naks.
Kinuha ko na sa maliit kong bag 'yung schedule ko para malaman ko kung saang building pa ako dapat magpunta. Hindi ko pa kabisado ang St. Claire dahil ang unang punta ko dito ay 'yung nag-exam at in-interview ako. Si Kuya na kasi ang nag-enrol sa akin. Tourism Management ang kinuha kong course dahil balita ko, marami raw chiks sa department na 'yon. Saka mahilig din naman akong mag-travel, hindi lang halata kasi walang budget.
Kakalakad ko, nahanap ko na 'yung hinahanap kong building. Buti na lang at hindi ko na kanailangan pang magtanong dahil wala akong lakas ng loob. Mahiyain kaya ako. Slight. Bakit ba kasi hindi na lang ako sumabay kay Kuya? Baka nailibre pa niya ako ng pamasahe. Tsk. Sa sususnod nga, sasabay na ako sa kanya. Ay, hindi. Sa susunod, hihingi na ako ng kotse sa mayaman naming Tatay... 'yun ay kung papayag ang magaling kong Kuya.
Hinanap ko na 'yung room kung saan ko imi-meet ang mga classmate ko. Block-section kami kaya hindi ko kailangang makisama sa iba’t ibang estudyante. Hahanap na lang ako ng matinong kaibigan sa section namin. Napatingin ako sa relos ko habang naglalakad. Late na pala ako ng 20 minutes. Magandang simula ito. Nakikita ko ang magandang future ko kapag ipinagpatuloy ko ang pagiging late sa klase.
Nang makita ko na 'yung room, napansin kong may tao na sa loob kaya naman sumilip muna ako sandali. May napatingin sa aking isang babae kaya naman sinenyasan ko siya para itanong kung may prof na ba kami at walang anu-ano ay tumango siya. I’m dead. Sana lang talaga at mabait itong prof na 'to dahil ayaw kong ma-sample-an. First day pa naman baka sumikat kaagad ako.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...