Josef
Dapat talaga hindi na ako nakinig kay Lenard na bigyan ko ng peace-offering si Cheska. Nasayang lang ang pera at effort ko. Kung pinangkain ko iyon baka nabusog pa ako. Buti na lang din talaga at hindi siya kinulit nila Ate Faye para malaman kung kanino ba galing 'yung bulaklak at chocolate. Kung sinabi man niya na sa akin galing 'yon, baka itanggi ko pa at mapahiya siya. Ayaw kong paghinalaan ako ni Kuya Froi. Baka isipin pa niyang may gusto ako sa kaibigan niya. Asa naman. Saka, joke lang naman na pinapabenta ko kay Ate Faye 'yung bigay ko. Hindi naman ako gano'n kahirap. Makakaraos pa naman ako hanggang next week.
Hindi ko naman napilit si Cheska na mag-stay na lang sa table namin kaya naiwan akong mag-isa. Alam ko namang kinilig siya sa sinabi ko kaya hindi na lang siya nag-react. Kung humarap siya sa akin baka nakita ko pang namula ang mukha niya. Sa itsura palang ni Cheska, halatang madali siyang mauto ng mga lalaki. Kaya siguro overprotective si Karl sa kanya. Kung ako ang Kuya ni Cheska, baka mag-hire pa ako ng limang boydguards.
Naiwan na akong mag-isa dito kaya panay lang ang laro ko ng Piano Tiles. Ilang araw kong nang gustong i-beat 'yung high score ko, pero hindi ko magawa dahil naduduling na ako sa tiles. Sino ba kasing henyo ang nakaisip nito?
"Fuck!" Napatakip na lang ako nang bibig ko nang ma-realize kong napalakas pala ang sigaw ko. Napatingin din ako sa paligid at nakita kong marami na ang nakatingin sa akin. Nginitian ko na lang sila dahil hindi ko naman sinasadya 'yung pagmumurang ginawa ko.
Badtrip. Malapit ko nang ma-beat 'yung score ko nang biglang lumabas sa screen ko ang pangalang Cheska Maldita. Lalo pa tuloy akong nainis. Okay lang sana kung tawag, eh. Wala na akong nagawa, kung 'di basahin ang text niya.
Cheska Maldita: Brace yourself. Next to this message is my set of rules.
Cheska Maldita: Rules to be remembered and followed:
1. Do not / never interfere in my personal life. E.g. Lovelife, friends, family matters, etc.
2. Refrain from talking to me inside the campus premises. Except when it is badly needed or for emergency.
3. Must answer my calls and texts immediately.
4. Be there whenever and wherever needed.
5. Walang sumbungan. I will never tell your brother about you being my keeper. In the condition of, you will never tell Karl every bit of things I do.
These rules are subject to change without prior notice.
Aba, matindi. Parang nanakot pa siya sa rule number five. Ang dali-dali naman ng rules niya. Pinag-isipan niya ba talaga 'tong mga 'to? Subject to change pa? Ang daming arti sa katawan. Ang unfair naman kung siya lang ang may karapating magbigay ng rules. Hindi naman porke't kapatid niya nagpapasuweldo sa akin, eh dapat siya lang nang siya ang dapat masunod.
Me: Should I send mine too? Don't worry. This is just a rule and if you promise to remember this everytime, we will live happily ever after.
Cheska Maldita: Just send it.
Me: We must keep our employer-employee relationship. So, as long as you are under my protection...
Cheska Maldita: What...?
Me: You can't fall in love with this drop-dead-gorgeous creature.
Cheska Maldita: In your dreams!
Hindi ko na pinansin pa ang pag-iinarte ni Cheska. Mas pipiliin ko pang mag-aral kaysa makipag-text-text sa kanya. Parang sinabi ko lang naman na bawal siyang ma-in love sa akin, gano'n na kaagad ang naging reaksyon. Basta, walang sisihan kapag nahulog siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...