To my dear friends out there who turn out to be my readers

229 5 4
                                    

First of all, HELLO! :)

As you all know and as you can see, shotgun kung shotgun na ang update na ginawa ko. Ewan ko ba, pero basta, nakakatamad kasi ang mag-post araw-araw kaya pinagsabay-sabay ko na. Gano'n din naman iyon, 'di ba? :) Anyways, wala mang nag-co-comment sa inyo sa updates ko (tampo much. joke) alam ko namang kahit papaano ay napagtitiyagaan niyo ang gawa ko. Hahaha! Maraming salamat sa mga sumubaybay nitong book two. Maraming salamat sa mga sumubaybay mula book one until now. Salamat din sa  mga nag-vo-vote! Grabe. You make me feel na may nagbabasa ng gawa ko. :D

Sana p'wede akong humiling na kahit isa sa inyo ang bigyan ako ng review o feedback sa gawa ko, para naman magkaroon ako ng motivation at para na rin malaman ko kung ano pa ang dapat kong baguhin o i-improve. Kailangan naming mga writer iyon. Hindi lang ako nag-de-demand dahil hindi ako sanay. Haha! 

Epilogue nitong book two? Of course mayro'ng epilogue ito. Papakipot muna ako, syempre. Charot. Ipo-post ko iyon kapag buo na ang desisyon ko. Hahaha. Nako. Alam kong mas maganda ang book one kaysa dito sa book two. Honestly, sinulat ko itong kina Josef nang hindi pa nakaka-move on kina Froi. Alam niyo 'yung feeling? Pero, sana kahit gano'n ay ma-enjoy niyo itong By Your Side. Alam ko namang kahit papaano ay napangiti kayo ni Josef at Cheska. Kung may mga hindi na justify sa kwento, abang-abang na lang. Kung mga mga tanong ko kayo, sabihin niyo lang sa akin, baka masagot ko. :D

Book Three? Of course, again, my book three ang Love Hate Series. Sinisimulan ko na siya kaya 'wag niyo munang asahan na ipo-post ko siya kaagad. Dahil katulad no'ng sa Her Shaken Heart at By Your Side, p-in-ost ko lang sila no'ng malapit ko na silang matapos. Magpapahinga muna ako, pero sa pagpapahinga kong iyon, syempre, uunti-untiin ko ang pagsusulat ng Keep Loving Me. Hulaan niyo na lang kung sino ang susuno na main character. SIgurado akong maraming makaka-relate sa book na iyon. Medyo tapos na kasi siya sa isip ko. Isusulat na lang talaga. Hahaha! :D

Anyways, ang haba na nito. Dinaig pa ang final chapter. Hahaha. Maraming salamat sa inyong lahat. Tagos sa puso, liver, lungs, kidney ang pasasalamat ko sa pagsuporta niyo sa gawa ko. Sa susunod na book po ulit! God bless us all! :D

-bearwithmeplease

Note: If you have questions regarding sa books ko, feel free to comment here, post on my message board or add me on Facebook.

http://www.facebook.com/bwmpwattpad


You can also join my group. :)

http://www.facebook.com/groups/BWMPKerBears

Pahabol lang po.

Magkakaroon po pala ng Grand Meet-Up ang Trobang Barubal na gaganapin sa Rizal / Luneta Park sa February 8, 2015, Sunday, 1-6pm. Magkakaroon po kayo ng chance na makilala pa kami ng lubos. Haha. Ang deep. May mga palaro po kami ng sure kaming ikatutuwa ninyo. :D

Ang mga member po ng Tropang Barubal ay sina:

EmPriel, Kuya_Soju, NTLDLVFRHM, getonmybck, Azulan10, EvanLee24, lady_phoenix16, XerunSalmirro, Ckaichen, WackyMervin, Bearwithmeplease, Cassandra Grace, Xavier John Ford, Wolf Aldrei, and bLeeds (Cat Lee)

Aasahan po namin ang inyong pagdalo. :D

SALAMAT<3

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon