Cheska
“Nakatulog nga ako. Sorry na,” sabi ko. Paulit-ulit na akong nagso-sorry, pero parang hindi niya naririnig. Kanina pa niya kasi ako sinesermunan. Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo niya.
“Bakit kasi hindi mo na lang hinintay ang driver niyo?” tanong niya. “Bakit hindi mo ako hinintay?”
“Nahihiya nga ako magpasundo.” Paulit-ulit na rin itong sagot ko na 'to. “Sabi mo may date ka. Hindi ko naman alam na pupuntahan mo talaga ako. Nahiya na nga ako dahil baka naistorbo ko kayo.”
“Mukha ba akong galing sa date?”
“Oo. Bakit? Hindi ba?”
“Bakit naiinis ka?”
“Naiinis ba?”
“Oo kaya. Iniwan ko 'yung date ko dahil sayo. Kung saan-saan ka kasi nagpupunta. Hindi ka talaga sanay makinig kahit kailan. Sinabi ko naman sayo na darating ng seven-thirty ang driver niyo, hindi mo pa nahintay. Sa bus ka pa sumakay, p’wede ka namang mag-taxi, diretso sa inyo. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumapasok sa isip mo, eh.” Sermon niya.
Promise, sa mga oras na 'to, daig pa niya si Daddy at Karl kung magsermon sa akin. Hindi ko na nga alam kung dapat ko pa ba siyang kausapin, eh. Mag-aaway lang kami. Sinabi pa niyang naiinis ako, eh hindi naman. Sinabi ko lang naman ang katotohanang galing siya sa date. Malay ko ba kung joke lang 'yun. Kung alam ko lang na nasa date talaga siya, eh 'di sana ni isang text hindi ako nag-send sa kanya. At saka, bakit naman ako maiinis kung may date siya, buhay naman niya 'yan.
“Sinabi ko bang iwan mo ang ka-date mo? Balikan mo siya. Okay lang naman ako, eh. Naghahanap na nga ako ng way pauwi, eh.” Kasi naman, bakit ako ang sinisisi niya? “Alam kong nag-alala ka sa akin, sinabi mo naman, eh. Pero 'wag mo naman ako pagalitan. Hindi ko naman alam na nakatulog na ako, eh. Sorry, pagod at antok lang,” sabi ko.
Napansin kong napatitig siya sa akin. “Umiiyak ka ba?” tanong niya at saka niya ako nilapitan.
Umatras ako. Kinapa ko ang dalawang mata ko at may namumuo na ngang luha. Hindi ako aware. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak sa mga oras na 'to. “Napuwing lang ako,” palusot ko.
“Puwing? Ano’ng nakapuwing sayo? Bato?” Nilapitan pa niya ako para mas lalo niyang makita ang mukha ko. Madilim na kasi. “Umiiyak ka, eh,” sabi pa niya.
“Sinesermunan mo kasi ako.” At tuluyan nang tumulo ang luha ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Ano ba ang nangyayari? Bakit parang sumasakit ang dibdib ko? Ano ang dahilan?
“Shit,” bulong niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. “Sorry na. Hindi na ako sayo naiinis, eh. Do’n sa kotse ko. Ang malas kasi, na-flat pa. Hindi tuloy tayo makauwi.” Niyakap na naman niya ako.
“Dinadamay mo ako sa inis mo sa kotse mo.”
“Hindi. Nadagdagan lang ang inis ko sayo dahil sa kotse ko.” Siniko ko siya. “Joke lang,” sabi niya.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Huminto na rin sa pagtulo ang luha ko. Magaling talagang mag-comfort itong si Josef. Lagi na lang siyang nand’yan sa tuwing umiiyak ako kahit na hindi ko na alam kung ano ang reason ng pag-iyak ko. Kaya pala niya sinisipa kanina ang gulong ng sasakyan niya ay dahil na-flat iyon. Napilitan tuloy kaming itulak ang kotse niya hanggang sa bakanteng lote. Ibinilin na lang niya iyon sa may-ari ng lote. Babalikan na lang daw niya. Hindi ko alam kung kailan.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...