Chapter 38: Need You There

155 6 0
                                    

Josef

                “Ah. Aray. A-aray,” daing ko. “Ah! God! Cheska!”

                “Shut up! Baka marinig ka nila.” Sabay palo niya sa legs ko. “Ipasok mo pa kasi,” pilit niya.

                “Sagad na nga, eh!” sigaw ko sa kanya dahil kanina pa niya ako pinipilit.

                “Bakit kasi ang laki? Kaya mo 'yan, Josef.”

                “Ahhh! Shit. Shit. Shit!”

                “Shh!”

                “'Di ko na kayang tiisin. Ah! Tama na. Tama na! Ahhh. SHIIIIT!”

                At bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ni Cheska. Hindi makapaniwalang nakatingin sa amin si Karl at Lenard. Tumayo ako kaagad at saka inayos ang sarili. Si Cheska naman ay tumayo rin sa tabi ko at ramdam kong nagpipigil siya ng tawa.

                “What the fuck?” kunot-noong tanong ni Karl. “What did you do?” At iling lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot sa kanya.

                “Dude.” Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Lenard. “You’re rocking those stilettos!”

                “Fuck,” bulong ko. Napatingin na lang ako kay Cheska dahil bigla na siyang tumawa nang malakas. Alam ko naman kung gaano niya nae-enjoy ang mga oras na ito.

                “I thought you were having sex,” natatawang sabi ni Karl.

                “Yeah. A different kind,” nakasimangot na sagot ko. Lalo pang nag-init ang dugo ko nang simulan na akong kunan ng pictures ni Lenard. “Hoy! Tigilan mo 'yan!” Hindi ko siya malapitan dahil hindi ako makalakad. Masikip ang suot kong heels at hindi ko kayang maglakad.

                “This is so cool!” Halatang nae-enjoy ni Lenard ang ginagawa niya. Hindi niya alam, pagkatapos nito, pati mata niya ay may latay.

                Oo. Nag-open sa akin si Cheska ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang magkapatid. Muntik na akong madamay sa pag-iyak niya dahil halos ikwento na niya ang buong buhay nila. Halos lumaki nga silang hindi masyadong nakakasama ang kanilang parents dahil sa concerts and tours ng Daddy niya. Si Karl naman ay mula palang noong mga bata sila ay overprotective na sa kapatid dahil madalas silang ma-bully sa school. Ang dami kong nalaman. Nakwento rin sa akin ni Cheska kung paano siya nawalan ng mga kaibigang babae dahil sa kapatid niya. Naintindihan ko naman ang ginagawa ni Karl. Ginawa lang naman niya ang lahat nang makakabuti kay Cheska. Kung ako si Karl, baka pareho lang kami ng ginawa. Kaya siguro nagagalit si Cheska ngayon ay dahil nasasakal siya sa kapatid niya. Wala akong na-advice sa kanya dahil hindi ko naman naranasan ang nararanasan niya.

                Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit napapayag ako sa gusto ni Cheska. Ginawa lang naman niya akong Barbie. Okay, mas maganda ako kay Barbie. Kung anu-anong dress, skirts at mga damit niya ang pinasuot niya sa akin hanggang ma-satisfied siya. Kung anu-ano rin ang nilagay niya sa mukha ko. Pulang-pula ang mga labi ko dahil sa lipstick. Humaba ang eyelashes ko dahil sa kung anong dinikit niya dito. Hirap na hirap akong isuot ang heels niya dahil sobrang liit ng size. Pinipilit niyang isuot sa akin kahit na naiiyak na ako sa sobrang sakit. Napatunayan ko na talaga na hindi pusong bato si Cheska dahil wala siyang puso. Walang puso si Cheska.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon