Josef
Kung hindi lang ngayon ang basketball try-out, mas pipiliin ko pang um-absent na lang kaysa mapag-initan na naman ako ng prof namin every Monday morning. Baka mamaya tanungin na naman niya ako nang tanungin. Duduguin lang ang utak ko sa kanya, although kaya ko namang sagutin 'yung mga tanong niya. Nakakawalang-gana lang kasi kapag alam mong crush ka ng prof mo. Alam ko namang na-mesmerized siya sa akin no’ng unang beses niya akong makita, pero hindi valid reason 'yon para pag-initan niya ako sa klase.
Kakababa ko lang ng jeep habang bitbit ko ang varsity bag ni Kuya Froi. Feeling ko tuloy official player na ako ng Red Cool dahil sa suot kong jersey uniform ni Kuya. Panay pa ang tingin sa akin ng mga estudyante. Hindi nga pala nila alam na kapatid ko si Dwight Santillian. Baka sabihin pa nila sumali ako sa isang auction para mabili ko itong uniform niya. Bigla tuloy akong na-conscious sa suot ko. Makapagpalit na lang mamaya.
Saan nga ulit makikita 'yung gym? Bakit ba kasi ang laki nitong St. Claire? Hindi manlang sila nagpamigay ng campus map para sa aming mga freshman. Pero, sabi nga nila, matalino ang taong nagtatanong kaya maglalakas-loob na lang akong magtanong kung saan ko mahahanap 'yung nawawalang gym.
Kakalakad ko, may nakita akong nakatayong babae malapit sa parking lot. Hindi naman siguro ako makukulong kung sa kanya ako magtatanong. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko siya kinalabit ang balikat niya dahil nakatalikod siya. “Miss,” sabi ko at saka ako napatingin sa paligid dahil medyo nakaramdam ako ng hiya. “Saan ko ba p’wedeng makita 'yung gym?” tanong ko sa kanya. Napanganga at napamura na lang ako sa isip ko nang harapin niya ako.
“Mukha ba akong hanapan ng nawawalang gym?” Nakataas pa ang kilay niya nang sagutin niya ako. Ang taray-taray talaga nitong babaeng 'to. Sasapakin ko na 'to, eh.
“Oo. Mukha ka kasing Google map,” natatawang sabi ko at saka ako kumaripas ng takbo.
“Josef Danniele!” inis na sigaw niya sa akin.
Bakit ba kasi laging inis sa akin si Cheska? Dahil pa rin ba do’n sa kotse niya? Eh, nag-sorry naman na ako. Hindi pa rin siya nakaka-move on. Bilhan ko pa siya ng bagong kotse, eh. JK. In fairness, tama ang pagkakasabi niya ng pangalan ko.
Dahil hindi naman sinagot ni Cheska ang tanong ko, sa ibang tao na lang ako nakapagtanong. Malapit lang pala 'yung gym, hindi pa tinuro ni Cheska. Maituturo nga niya sa akin kahit hindi siya magsalita, eh. Bakit kaya gano’n 'yon? Mukhang mabait naman si Karl. Magkapatid nga kaya silang dalawa?
Nang makarating ako sa gym, nagulat na lang ako sa dami ng tao. Napaisip tuloy ako kung try-out o actual game ang mangyayari. Napansin kong nagsisimula nang mag-warm up 'yung ibang player. Hinanap muna ng mata ko si Karl para humingi ng pasensya dahil late na nga ako. Naglakad-lakad ako dahil mukhang wala sa court si Karl. Kakalakad ko, may nakabangga pa akong isang lalaki, pero hindi ko siya pinansin dahil hindi naman kami close.
“Hey.” Napalingon na lang ako dahil parang ako 'yung tinawag niya.
“Hey, too,” sagot ko. Siya yata 'yung nakabangga ko. “Sorry pala.” Baka mapaaway pa ako dahil hindi ako sanay humingi ng sorry.
“Late ka na nga, late pa 'yang paghingi mo ng sorry.” May inis sa tono na pananalita niya. “How about 50 push-ups?” sabi niya.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...