Josef
“What do you mean?” nagtatakang tanong ko. Alam ko namang sa mga oras na 'to ay alam na ni Kuya ang dahilan kung bakit naghiganti si Karl. Malamang naman sa nagsalita na si Karl bago pa man din lumapat ang kamao ng kapatid ko sa mukha ni Kaizer. Pero, ano 'yung sinasabi niyang hindi lang iyon tungkol sa paghihiganti?
“I decided not to talk about it. Kahit si Karl ay pinakiusapan kong 'wag na lang banggitin ang tungkol dito, pero mukhang wala naman akong kawala sayo. You’re my brother.”
Hindi ko pa rin ma-gets ang nais niyang iparating. “Cut the crop and get to the point,” atat na sabi ko dahil lalo lang ako naiintriga sa sinasabi niya.
“I want you to promise me that after you heard what I’m going to say, you’ll forget about it. Just think I said nothing. Hindi p’wedeng malaman ni Cheska ang tungkol dito. Lalo na si Ate Faye mo,” sabi pa niya. Napahinga siya nang malalim at parang napaisip kung dapat ba niyang ituloy ang sasabihin niya.
“Can we take a sit?” Dahil baka hindi ko kayanin ang bigat ng sasabihin at bigla na lang akong mag-collapse. Masakit sa katawan kapag sa sahig ako bumagsak. Pareho na kaming naupo sa sofa.
“No’n pa man ay may hint na ako sa kung ano ang nangyari between Karl and Kaizer. Napag-usapan na namin iyon ni Juan dati dahil mukhang pareho kami ng hinala. Lumabas si Karl no’n para gumimik at hindi niya pinaalam sa amin ang tungkol do’n. He wanted to have fun by himself. Next thing we knew, he was at the hospital. Recovering from his minor wounds,” kwento niya. “Ang mas ikinagulat na lang namin ay ang biglang pagkawala ng kapatid ni Kaizer, na siyang girlfriend no’n ni Karl. Kaya nagtaka na kaming dalawa ni Juan. Naisip namin na baka may nangyari sa dalawa, pero hindi namin iyon binanggit kay Karl dahil gusto namin na siya mismo ang magsabi sa amin.”
Lahat ng sinabi niya ay alam ko na dahil sinabi na nga sa akin ni Karl. Ang hindi ko lang alam ay may hint na pala si Kuya Froi, pero not until now ay hindi niya sinabi kay Karl. Silang dalawa ni Juan, ang kaibigan niyang never ko pang na-meet dahil nasa ibang bansa raw. Sa dami ng sinabi ng kapatid ko, alin do’n ang hindi kasama sa paghihiganti ni Kaizer? Parang wala naman siyang ibang sinabi.
“And then what?” iritadong tanong ko. Halata namang alam na niyang may alam ako tungkol sa nangyari dati kay Karl. Malamang sa nasabi na iyon sa kanya ni Karl. Hindi naman siguro siya magagalit sa akin. Hindi naman ako nagsinungaling sa kanya. Sinunod ko lang ang amo ko.
“Kaizer has a thing for my girlfriend.” Napayuko na lang siya pagkasabi niya no’n. “He likes her,” sabi pa niya.
Napakuno’t noo na lang ako. “Ano?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“I knew it. I just... I just ignored it. Akala ko kasi ay wala lang. Nakita ko kung paano niya tingnan si Faye. Not the look like he’s in love or what. It was as if he’s looking at his prey. I was about to confront him, but I learned that he was already dating Cheska. Kaya naisip ko na baka imagination ko lang 'yung mga nakita ko. Baka kung anu-ano lang ang pumapasok sa isip ko dahil natatakot akong mawala sa akin si Faye. Ayaw kong magkaroon ng misunderstanding between Faye at Cheska kaya mas pinili kong kalimutan na lang ang tungkol do’n. I regret doing so. I regret the minute I chose to ignore it. I regret letting him look at my girlfriend. If I have stopped him from the beginning, this would not have happened. I am the one to blame.”
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...