Cheska
“Are you serious?”
“Yes, K, I’m serious,” mahinahong sagot ko dahil kanina pa namin pinagtatalunan ang pag-uwi ko.
Ayaw niyang pumayag na umuwi na ako kaagad dahil iniisip niya na magkakahiwalay lang kami kapag nalaman ni Karl ang tungkol sa amin. Pinaliwanag ko naman sa kanya na hindi mangyayari iyon. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ayaw niyang maniwala sa akin na kaya ko na siyang ipaglaban sa kapatid ko. Wala naman nang magagawa si Karl dahil kami na. Saka, iisipin ni Karl na kapag pinaghiwalay niya pa kami ni Kaizer ay aalis ako ulit.
“And I think Topher needs me for the School Fair’s preparation,” sabi ko pa. Gusto ko lang na mapapayag siya sa gusto kong mangyari. Alam kong mabilis itong naging desisyon ko, pero it’s now or never.
“You know he can handle all that.”
“Kaizer, just try to understand me. Matagal na akong hindi umuuwi. Alam kong nag-aalala na ang mga kaibigan ko. Ayaw kong malaman ng parents namin ang tungkol dito. It’ll hurt them,” paliwanag ko.
“Sasabihin mo rin ba sa kanila na ako ang kasama mo all this time?”
“If that’s what you want. Sasabihin ko sa kanila na ikaw ang nag-stay sa tabi ko no’ng mga panahong kailangan ko ng masasandalan.” Nilapitan ko siya para yakapin. “Will you trust me with this one?”
“I’d love to. Pero, nagsisimula palang tayo, Ches.”
“I know. Kung hindi natin sila haharapin ngayon, kailan pa?”
“You’re really such a pain in the ass, aren’t you?” Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti. “I love you. Just remember that.”
“Of course.”
Pagkatapos naming mag-usap nagpaalam na rin siyang umuwi. Kakagaling niya lang sa practice at alam kong pagod siya. Pinapunta ko kaagad siya dito para makapag-usap kami. Buti na lang talaga at pinakinggan niya ako. Gusto ko pa sanang mag-stay ng matagal para magkaroon pa kami ng quality time together. But my father’s call was kinda alarming.
Hindi ko na rin ipapaalam sa mga kaibigan ko na uuwi na ako. Bahala na kung ma-surprise sila o madismaya sa pagbabalik ko. Hindi naman siguro ako gano’ng kasama para hindi ma-miss. Nakaka-hurt naman ng feelings ko malalaman ko na okay lang sila no’ng mga panahong wala ako. Pero, wala naman sigurong masama kung nagpakasaya sila kahit kaunti. Hindi ko rin naman gugustuhin ang mahinto ang buhay nila nang dahil lang sa akin.
Binuksan ko ulit ang laptop ko para mag-Facebook. Magbabasa-basa lang ako sa News Feed para naman updated ako bago ako umuwi. Tiningnan ko ang notifications ko at pangalan ni Karl ang bumungad sa akin dahil nag-comment nga rin siya sa status ni Josef. Hindi na ako nakatiis, tiningnan ko na ang comment niya.
Prince Karl Jimenez: Josef, we have practice today, don’t we? Get your ass here. Now.
I didn’t just read that. Yes, kapatid ko nga siya. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Mag-alala siya sa akin? Asa naman ako. Nagmumukhang lang siguro akong tanga dito sa ginawa ko. Knowing na hindi naman pala na-apektuhan si Karl. Nakakainis. Bakit siya gano’n? Gano’n na ba talaga katigas ang puso niya para sa akin?
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...