Chapter 51: I Need You

167 10 0
                                    

Josef

                Pagkahatid ko kay Cheska sa St. Claire ay bumalik muna ako sa hospital para malaman kung bumalik na ba ang kapatid ko. Kailangan ko kasi ang kotse ko mamaya. Nahihiya naman akong manghiram kay Cheska o Karl dahil nandito na nga ang parents nila. Baka hindi naman ako pahiramin ni Kuya Ian dahil umaalis-alis din siya. Hindi ko naman alam kung mahihiram ko 'yung kay Ate Faye. Binalik ko na kasi sa Papa niya 'yung susi. Mahiyain nga kasi ako.

                Nakakagulat ang magulang nila Karl. Hindi ko alam na mali ang pagkakakilala ko sa kanila. Akala ko kasi ay seryoso silang tao. Hindi pala. May kalokohan din pala sa katawan. Lalo na si Tito Shawn. Parang bata siya kung mag-isip. Sabagay, mukhang hindi naman siya tumatanda, eh. Tita Leigh naman ay nakakatuwa dahil tuwang-tuwa siya sa akin. Parang na-amaze talaga siya no’ng nalaman niyang kapatid ko si Kuya Froi. Obvious naman na close sila sa kapatid ko.

                Speaking of Tito Shawn and Tita Leigh. Bakit naka-park dito sa hospital ang kotse nila? Baka magkakape sila, Josef. Gamitin ang common sense. Malamang sa nandito sila para dalawin si Ate Faye. Wala naman kasi silang nabanggit kanina bago kami umalis ni Cheska. And speaking of Cheska naman, alam pala talaga ng magulang nila na keeper niya ako. Naging reason na rin 'yon para hindi na nila ako kulitin kung girlfriend o nililigawan ko ba si Cheska. Because my answer was none of the above. Sinabi ko naman sa kanila na 'wag na lang magsalita sa kapatid ko dahil wala nga siyang alam. 'Di ko pa alam kung kailan ko sasabihin.

                Pagkababang-pagkababa ko ng kotse ni Cheska ay saka ko napansin ang pag-park ng kotse ko sa kabilang side ng parking lot. Babalik sana ako sa loob ng kotse, pero huli na ang lahat. Nakababa na ang kapatid ko at nakita na niya ako. Narinig ko na rin ang pagtawag niya sa akin kaya hinarap ko na lang siya at saka nginitian. Nakita ko na lang na palapit na siya sa akin. Isip ng palusot, Josef. Isip!

                “Bakit gamit mo ang kotse ni Cheska?” tanong niya kaagad nang makalapit siya sa akin.

                “Gamit mo kasi 'yung sa akin,” sagot ko. Totoo naman. Kahit ba nagsisinungaling ako, gamit pa rin niya ang kotse ko. Hindi ko naman ida-drive ang kotse ni Cheska kung nandito ang akin.

                “P’wede mo namang hiramin ang kotse ng Ate Faye mo o kaya kay Karl. Pero, kotse ni Cheska? Parang hindi naman ako makapaniwala.”

                Shit naman, oh. “Sige na. Sasabihin ko—”

                “Pinahatid ko sa kanya si Cheska.” At biglang dumating si Karl. “Kailangan ko kasing umalis kanina kaya sa kanya ko na lang binilin ang kapatid ko,” sabi pa niya sa kapatid ko. Si Karl na ang sumagot sa tanong niya. Sana naman maniwala na siya. Muntik na ako magsabi ng totoo. Muntik na.

                “Gano’n ba? Nakakapanibago lang. Alam mo namang parang aso’t pusa silang dalawa, pinagsasama mo pa. So, pumasok siya ngayon?” tanong pa ng kapatid ko. Ang kulit talaga, eh. 'Di ko tuloy alam kung naghihinala na ba siya o ano.

                “Oo. Gusto niya raw pumasok para kay Millicent,” sagot ni Karl. “Anyways, they’re waiting for you. Mas okay siguro kung papasok na tayo sa loob.”

                “Hindi man lang sila nagpasabi,” sabi ni Kuya. Alam kong ang mga magulang nila Karl ang tinutukoy nila kahit hindi pa sila magbanggit ng pangalan.

                “Oo nga, eh. Nagkagulo rin kasi sa airport kaya hindi na sila tumawag sa akin.” Tinapik ako sa balikat ni Karl nang magsimula kaming maglakad. “Na-meet na nila si Josef. Tuwang-tuwa sila no’ng nalaman nilang magkapatid kayo. Lalo na si Mommy. Kulang na lang yata ay ampunin na kayo,” kwento ni Karl.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon