Josef
Kung makatakbo naman siya parang nakakita siya ng gwapong multo. Ang OA, ha. Sabagay, si Cheska nga pala siya. Lahat naman yata ng bagay ay ginagawa niyang big deal. Hindi ba nasabi ng kapatid niya na nandito ako? Halata naman kasing gulat na gulat siya nang makita niya ako. Mukhang natakot pa siya sa muscles ko. Yes, muscles. I do work out thrice a week to maintain my gorgeous body.
Huling kotse na nila 'tong nililinis ko, pero hindi pa rin lumalabas si Cheska. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Hindi naman siguro siya inatake sa sobrang kagwapuhan ko? Wala pa namang gamot para do’n. Anyways, I really envy these rich kids. Mayro’n silang tatlong kotse dito sa kanila. Sabi ni Karl 'yung dalawang sportscar ay sa kanilang dalawa ni Cheska at 'yung Range Rover ay pang family use nila. Parang tatlo-dos lang ang bili nila sa mga sasakyang nilinis ko. Sila na talaga ang rich kid. Ako kasi may rich dad lang.
Nililigpit ko na ang mga ginamit ko nang biglang bumukas ang pinto ng malaking bahay. Kaagad ko namang nilingon ang taong nagbukas ng pinto. Nakatingin lang siya sa akin kaya hinayaan ko na lang siyang titigan ako, pati ang katawan ko. Pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ko. Nakakapagod din ang ginawa ko kaya mas gugustuhin ko na lang umuwi at magpahinga kaysa makipag-asaran sa may-ari ng bahay na 'to.
Pagkatapos kong magligpit, nagpunas lang ako ng katawan para matuyo ang basang parte. Aabutin ko na sana ang t-shirt ko nang biglang sumigaw ng “Wait!” si Cheska.
“Ay, 'di ka pa pala tapos,” nakangiting sabi ko at parang nagtaka siya sa sinabi ko. “Na pagpantasyahan ako.”
“Do you want your face to get smashed?” At saka niya ako inirapan. “Hinintay lang kitang matapos sa paglilinis. I just want to make sure na maayos mong ginawa ang trabaho mo,” sabi pa niya.
“This is not my job. Actually, parang add-ons lang ito sa pinaka trabaho ko. I am your keeper and that’s my job... Ate Cheska,” sagot ko. Tuluyan ko nang sinuot ang damit ko dahil quota na siya sa pagtitig sa katawan ko.
“Stop calling me that way.”
“Why? I respect people. I respect people who are older than me.” Binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti. Alam ko namang maiinis siya kapag sinabi kong matanda na siya. Not in the looks, though.
“Then, don’t respect me!”
Natigilan ako sa sinabi niya. Kaagad ko siyang nilapitan nang mag-sink-in sa utak ko 'yung sinabi niya. Mabilis siyang napaatras nang malaman niyang malapit na ako sa kanya. Halos patalikod na siyang nakapasok sa bahay nila at tuloy pa rin ako sa paglapit sa kanya. Napahinto lang siya sa pag-atras nang pader na ang nasa likod niya.
Napapikit siya nang mabilis kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Kung hindi siguro ako huminto ay nahalikan ko na siya. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya dahil sa pagpipigil ko ng tawa. Hindi nagtagal ay lumakas na ang pagtawa ko at dahil do’n tinulak niya ako, pero hindi manlang ako natinag sa ginawa niya.
“Ano ba’ng problema mo?!” galit na sigaw niya, sabay hampas sa dibdib ko.
Tuloy lang ako sa pagtawa. “Ang baho mo,” pang-aasar ko. Naramdaman ko na lang ang malalakas na hampas niya sa dibdib ko. Nakakaramdam na ako ng sakit kaya naman mabilis kong hinuli ang kamay niya bago pa man din niya ako masaktan ulit. Napatitig na lang siya sa mga mata ko. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para makasigurado akong hindi na niya ako mahahampas.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...