Josef
Pakiramdam ko ay pinagsisisihan ko na ang pagsali sa Red Cool. Hindi na naman ako makakapasok sa ibang klase ko dahil may practice kami. Malapit na kasi ang School Fair at malamang sa makatanggap kami ng tournament invitation galing sa ibang school. Buti na lang talaga at madaling kausap si Lenard. Sinabi ko sa kanyang 'wag niyang tatangkaing um-absent kapag wala ako dahil pareho kaming nganga pagdating ng exams.
Sana kasi hindi na lang muna nag-quit si Kuya Froi sa Red Cool para naman may reason ako para hindi ko galingan ang paglalaro. Okay, ang yabang ko na naman. But I’m just stating the truth. Hindi rin naman ako gagaling sa basketball kung hindi dahil kay Kuya. Siya kasi ang madalas kong panooring maglaro. Matagal ko na nga rin siyang hindi nakikitang humawak ng bola. Kapag inaaya ko siya, panay ang tanggi niya. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
Hindi pa man din ako nakakalabas ng bahay ay panay na ang text sa akin ni Cheska. Ang pagkakaalam ko ay mamaya pa ang pasok niya, pero bakit ang aga niyang nagpapasundo? Parang no’ng nakaraan, ang tamad-tamad niyang pumasok, pero ngayon, sipag-sipagan ang peg ng bruha.
At dahil hindi na nga matae si Cheska, nagmadali na ako. Kung p’wede ko lang talagang iuwi dito ang kotse niya para hindi na ako namamasahe papunta sa kanila. Sayang kasi, eh. Malaki sana ang matitipid ko kung hindi ako nag-co-commute sa tuwing susunduin ko siya sa kanila. Hihiramin ko na nga lang ang bike ni Kuya Froi. Iiwan ko na lang 'yun kila Cheska. Hindi naman nakapalag si Kuya nang sabihin kong hihiramin ko ang bike niya ngayon... baka hindi lang ngayon. Naiintindihan naman niya ako pagdating sa pagtitipid na 'yan.
Pasakay na ako ng bike nang maka-receive ako ulit ng text galing kay Cheska.
Cheska Maldita: Starbucks. Now.
Starbucks? So, hindi ako pupunta sa kanila? Ano ba? Ang gulo kausap nito, ha. Starbucks pa. Alam naman niyang hindi ko afford ang almusal do’n. Baka mamaya inggitin lang niya ako. Samain pa siya sa akin, eh. Ang sakit talaga sa ulo nitong si Cheska. Buti na lang talaga at hindi ako ang naging kapatid niya. Baka matagal ko na siyang pinatapon.
Binalik ko na lang ulit sa loob ng bahay 'yung bike ni Kuya nang hindi niya nalalaman. Baka mamaya magtanong pa siya nang magtanong. No’ng nakita niya ang mukha ko, kulang na lang magpahula na siya para lang malaman kung ano talaga ang nangyari. Sinabi ko na lang na napag-trip-an kami ni Lenard no’ng pauwi na ako. Buti na lang at medyo naniwala na siya sa kasinungalingan ko. May pasa pa ako sa mukha, pero gwapo pa rin naman ako tingnan.
Nag-jeep na ako hanggang sa makarating ako sa Starbucks. Naka-jersey uniform na kasi ako kaya alam ko kung bakit ako pinagtitinginan ng mga tao sa loob. Hindi ko mahanap si Cheska. Sigurado ba siyang nandito na siya? Baka mamaya, niloloko niya lang ako. Aba, tatamaan na talaga siya sa akin. Wala pa naman ako sa mood makipagbiruan sa kanya.
Napalingon ako sa likod nang may sumitsit. Hindi naman ako sigurado kung ako ba talaga ang tinatawag niya. Ginawa pa niya akong aso. Wala na akong nagawa, kung 'di ang lapitan siya. Sinenyasan niya akong maupo sa harap niya kaya ginawa ko naman. Utu-uto ako, eh. Nang makaupo ako, saka ko lang na-realize na si Cheska pala siya.
“What’s with the disguise?” tanong ko. Para kasing tanga. Nakasuot pa ng baseball cap and sunglasses. “Feeling artista?” biro ko pa.
“Duh,” sabi niya with matching gesture pa. “Baka mamaya may makakita pa sa akin na kasama ka.”
“Duh,” panggagaya ko sa kanya. “Kanino kayang idea 'to?” Sabay irap ko sa kanya. Parang ako pa ngayon ang sinisisi niya. Eh, idea niya kaya 'to. Hindi naman ako pupunta dito kung hindi niya sinabi. Duh. Duh lang talaga.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...