Josef
“What? No,” pagtanggi ko. “I don’t like her. I mean, not in that way.” Baka kasi isipin niyang hate na hate ko si Cheska. Hindi naman. Slight lang.
“Why are you getting mad at me?” nakangiting sabi pa niya na parang gusto niya akong asarin. “Sinasabi ko lang kung ano ang tingin ko ay nararamdaman mo.”
“Believe me. I don’t like her. She’s the most annoying and frustrating girl I know. Tell me how could I like a girl like her?”
“Because you think she’s annoying and frustrating.”
Shit. Pinapasakit ni Pris An ang ulo ko. Paano ba pumasok sa isip niyang may gusto ako kay Cheska? Eh, halatang-halata naman na wala. Hindi ba obvious na sa kanya ako may gusto? Hindi pa ba pansin ni Pris An ang pagpapa-cute ko sa kanya? Ayaw ko nang ma-misunderstood niya ang sa amin ni Cheska kaya sasabihin ko na sa kanya ang totoo.
“You’re the one I like, Pris An,” mabilis na sabi ko at napansin kong natigilan siya. “I like you.”
“W-what?”
“Ikaw ang gusto ko. Hindi ba obvious? Hindi mo ba napapansin na sinusubukan ko ang lahat para makuha ang atensyon mo?” Iyon kasi ang totoo. Gusto ko na ngang mag-tumbling para lang mapansin niya ako. Naghubad na nga ako sa harap ng mga AE-U students para lang makuha ko ang atensyon niya.
“I thought I’m just a distraction,” hindi makapaniwalang sabi niya.
“Distraction? For what? I don’t have to be distracted.”
“I don’t know. I reallly thought you are hanging out with me just to escape from something you don’t want to do.”
“You’re right. I’m escaping from Cheska. Kasi nga wala akong choice, kung hindi ang batayan siya. Nakakasawa na kayang magbantay sa taong ayaw magpabantay. I needed a job kaya pumayag ako sa offer ni Karl. Ayaw kong maging pabigat sa kapatid ko kaya pinasok ko ang trabahong 'to.” Hindi ko alam kung ano pang pagpapaliwanag ang gagawin ko para lang ma-gets ako ni Pris An. Hindi ko alam kung paano niya nasabing ginagawa ko lang siyang distraction. Bakit niya naisip 'yon?
“Okay. Okay. Easy. We’re not arguing, right?” tanong niya.
Umiling ako. Nagiging OA na naman ako. “Sorry. Sorry if I acted weird. Hindi lang kasi ako makapaniwalang hindi mo alam na may gusto ako sayo. All this time I thought you’re seeing the signs.” Akala ko lang pala. Medyo nanghinayang naman ako do’n.
“Wow. You like me. I can’t believe it.”
Yeah. Ang swerte niya talaga dahil siya ang gusto ko. “It’s not Cheska, okay? It’s you, Pris An,” sabi ko pa. Kung kailangan ko pang ipa-print sa malaking tarpaulin ang mga salitang ‘I like you, Pris An’, gagawin ko. Malaman lang niyang gusto ko siya.
“So, you really don’t like her, do you?” Hindi naman siya makulit, 'no? Umamin na ako lahat-lahat, nagtatanong pa rin siya. “I want to know,” sabi niya.
“I... I d-don’t like h-her, okay.” Hindi ko alam kung bakit nahirapan akong sagutin siya. “We’re just friends. Friends lang.”
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...