Chapter 27: No Wonder

148 6 1
                                    

Josef

                Of all the people, he’s the least I expect to come to this kind of event. Hindi ko alam kung bakit sinabi pa ni Kuya ang tungkol sa game at sa School Fair. Unfortunately, we lost the game. Hindi ko inakalang gano’ng kagaling maglaro ang Two Jans. Mukhang hindi naman sila gano’ng ka-close, pero alam nila kung paano gagamitin ang isa’t isa. Nanghihinayang pa rin ako hanggang ngayon dahil unang game ko iyon dito sa St. Claire.

                Nahihiya pa rin ako dahil hindi ko lubos-maisip na nasaksihan pa ni Mr. Zacarias ang pagkatalo namin. Well, isa naman siya mga reason kung bakit ako na-distract sa paglalaro. Isa pa ang paglandi ni Frank kay Pris An. Alam ko namang sinadya niyang harutin si Pris An habang nasa break siya at ako naman ay nasa court. Alam kong alam niyang may gusto ako sa kaibigan niya. Swear to God, it’ll never happen again.

                Opening na ngayon ng School Fair. Hindi pa rin ako ready para sa performance. Hindi naman kasi ako masyadong nakapag-practice dahil mas inasikaso ko 'yung basketball. Akala ko kasi mananalo kami. Akala ko lang pala. I underestimated Hot Shots. Ngayon, alam ko na ang sinasabi ni Kuya Froi. My teammates were so eager to win the game that they never noticed the opponent’s strategy. Kung magaling ang Two Jans, hindi na ako magtataka kung sobrang galing ng Kuya Chaunce nila. Si Frank? Sakto lang siya maglaro. Hindi ko lang alam kung 'yun na ba ang the best niya o parang laro-laro lang talaga sa kanya ang game kahapon.

                Dahil ako nga ang front act ng opening, I’ve decided to invite Pris An. Nag-message ako sa kanya after ng game dahil alam ko namang umalis siya kaagad kahapon para sa victory party ng Hot Shots. Sana lang ay nabasa niya ang message ko.

                Hindi nagtagal ay tinawag na ako ni Topher para mag-ready. Bahala na. Bahala na kung magugustuhan nila ang gagawin ko. Dadaanin ko na lang sa pa-cute. Malamang naman sa mas marami ang populasyon ng babaeng manonood kaysa sa lalaki.

                “You’re on, Josef,” sabi ni Topher.

                Huminga ako ng malalim at saka ako lumabas sa stage. Shit. Nabingi ako sa katahimikan ng paligid. Seryoso. Parang hindi nila inaasahan na ako ang makikita nila. Shit again. Nakaramdam na ako ng kaba. Kung kanina, malakas ang loob ko, ngayon nahihiya na ako. P’wede pa ba akong umatras? Ganitong-ganito siguro 'yung naging pakiramdam ni Ate Faye no’ng nag-perform siya. Nagkwento kasi siya sa akin about sa naging performance niya at nasabi niya kung gaano siya kakaba. Nabawasan daw ang kaba niya nang makausap niya si Kuya Froi no’n.

                Eh, si Pris An kaya? Tiningnan ko ang lahat ng tao sa harap ko hanggang sa mag-landing ang mga mata ko sa nakangiting si Pris An at kasama niya ang mga kaibigan niya. Kapag sinabi kong mga kaibigan, si Frank and Klein brothers. Ang pagkakaalam ko ay si Pris An lang ang pinapunta ko. Bakit bitbit niya ang mga rich kid niyang kaibigan?

                Kung hindi pa ako sinenyasan ni Topher, hindi ko malalaman na nag-i-start na pala 'yong kanta. Inisip ko na lang na matatapos din ito. Kailangan ko lang ilabas ang kapal ng mukha ko.

                “Umiiyak ka na naman...” panimula ko. Wala na sigurong ibang kanta pa ang p’wede kong kantahin para kay Pris An dahil alam ko namang gusto niya si Frank, pero hindi pa rin siya napapansin nito.

                Alam ko namang marami pa rin ang nakaka-relate sa PnE kahit uso na ang K-Pop ngayon. Nabawasan ang kaba ko nang marinig kong sumasabay sa pagkanta ang crowd. At least, alam kong hindi nakakahiya itong ginagawa ko. Hinayaan ko na lang na ma-enjoy ng sarili ko ang ginagawa ko.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon