Chapter 57: Back To Your Date

147 9 1
                                    

Josef

                “Did she ask you why did you do that?” tanong sa akin ni Pris An.

                “Nope. She was stunned. Hindi nga niya ako kinausap after no’n, eh. Basta, lumabas na kami kaagad ng gym para maihatid ko siya sa klase niya,” paliwanag ko. “Wala naman talaga siyang balak pumasok. She thought we have a game today. Ewan ko kung saan niya nakuha ang chismis na 'yon.”

                Pinakiusapan ko si Pris An na makipagkita sa akin ngayon. Ang weird na kasi ng mga nangyayari sa akin kaya naisip ko na baka siya ang makasagot sa mga tanong ko. Kung okay lang si Ate Faye ngayon, baka siya ang kaharap ko ngayon. Buti nga’t may libreng oras itong si Pris An para makipagkita sa akin dito sa Starbucks. Oo, pa-Starbucks-Starbucks na lang ako ngayon. Nag-deposit na kasi si Karl sa account ko kaya feeling mayaman na naman ako.

                “Ano nga ulit 'yung nakita mong nakadikit sa likod niya kaya ka nagalit?”

                Inilabas ko 'yung tinanggal kong papel na nakadikit sa likod ni Cheska kanina. Iyon kasi ang reason kung bakit siya pinagtatawanan ng mga hinayupak naming schoolmate. Ang lalakas talaga ng trip nila. Hindi nila alam kung kailan titigil. Wala silang kunsensya. Hindi man lang nila naisip na baka may pinagdaraanan si Cheska. Lagot talaga sa akin 'yung mga babaeng 'yon, eh. Alam ko namang sila ang may kagagawan no’n. Pinaniwala ko lang sila na hindi ko gusto si Cheska para hindi nila pag-trip-an, pero mukhang ginawa lang nilang reason iyon para maituloy ang plano nila.

                “Laugh at me. I’m the dumbest girl on Earth,” pagbasa ni Pris An sa inabot kong papel sa kanya. “Sure those people are mean.”

                “Meanest I say.” Napailing-iling na lang ako dahil sa disappointment sa mga schoolmate namin. Paano nila nagawa iyon kay Cheska? To think na alam nila kung sino ang magulang niya. Hindi naman sa sinasabi kong p’wedeng gumamit ng power sila Cheska, pero hindi ba sila tinuruan sa bahay nila ng tamang pag-uugali?

                “Well, you did a great job. You saved her. Ginawa mo ba 'yon dahil keeper ka niya o may iba pang reason?”

                “Well,” panggagaya ko sa kanya. “Kaya nga ako nakipagkita sayo ngayon kasi gusto kong malaman kung bakit ko nga ba ginawa iyon. Ikaw naman kasi ang unang nagsabi na baka may gusto ako sa kanya.”

                “Baka nga lang ba?”

                “I don’t know. Ang weird ko na nga sa tuwing magkasama kami, eh. Pakiramdam ko parang gusto ko na lang siyang halikan lagi. Nabubwisit na nga ako sa sarili ko. Hindi ko nga alam, baka manyak na ang tingin sa akin ni Cheska.”

                Nasabi ko na rin kasi sa kanya 'yung nangyari no’ng hindi nakauwi si Cheska. Sinabi ko talaga kay Pris An ang lahat. Parang siya lang naman ang p’wede kong pagkatiwalaan ngayon. Hindi naman kasi siya close kay Kuya Froi at Karl kaya alam kong kapag nagsabi ako sa kanya, hindi makakalabas sa iba. Saka, willing naman kasi siyang makinig sa mga gusto kong sabihin. Ang awkward na nga para sa akin dahil umamin akong may gusto ako sa kanya, pero ngayon, nakikipag-usap ako sa kanya na ang topic namin ay ibang babae. Hindi ko na talaga alam kung ano na ang iniisip niya tungkol sa akin.

                “You definitely like her, Josef,” natatawang sabi niya.

                “Hindi naman sa in-denial ako, pero paano ko nga siya nagustuhan? Siya na yata ang pinaka-ayaw kong babae sa balat ng lupa, pero gusto ko siya? Ang gulo, ha.” Hindi ko kasi alam at hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Hindi pa naman kasi ako nai-in-love, eh. Ano’ng malay ko sa pag-ibig na 'yan? Teka, bakit ba love kaagad ang sinasabi ko? Hindi ba p’wedeng crush muna?

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon