Chapter 25: They're Playing Us

215 7 1
                                    

Cheska

                Pinanood lang naming umalis ng AC si Josef. Ang lakas ng loob niyang magsalita ng gano’n sa harap ni Kaizer. Buti na lang at hindi napikon itong boyfriend ko. Standards? Baka mamaya kapag nalaman ko kung sino 'yung pinapantasya niya ngayon, eh matawa na lang ako. Standards... Standards his face. Ilang linggo na akong nawala, pero mukhang wala pa ring nagbago.

                Si Karl, yes, tinanggap na niya si Kaizer, but he still wants me under his nose. I got the point. Just bacause he let me date K, doesn’t mean he trusts him. Nag-suggest din kasi sila Daddy na mas mabuti kung mananatiling driver ko si Josef. Driver na lang, hindi na keeper. I got Kaizer to keep me safe all the time. Sa tingin ko naman, hindi ko lagi kakailanganin si Josef dahil may sariling sasakyan si Kaizer. Baka nga hindi ko na magamit ang kotse ko.

                Puro talaga kalokohan si Josef. Muntik na niya akong mapaniwalang umalis ng bansa ang kapatid ko. Well, naniwala ako. Pati ang itsura ni Froi at Millicent ay mapangloko. Hindi pa raw nila alam na 'yon ang sasabihin ni Josef sa lagay na 'yon. Akala ko talaga pinagplanuhan nila akong lokohin. It turned out na iyon ang lumabas sa bibig ni Josef. Hindi nga rin daw siya aware na nasabi niya iyon. Gusto lang daw niyang makita ang reaksyon ko kapag nalaman ko na si Karl naman ang nawala. Ano ang gusto niyang mangyari? Makaramdam din ako ng absence? When in fact, hindi naman kami nag-e-exist para sa isa’t isa.

                “Don’t mind him. Come on,” sabi ni Kaizer at saka niya ako inakbayan.

                “You didn’t do anything about it.”

                “What matter to me is he didn’t give a damn about you. I don’t want to get jealous over someone who’s not even worth it.”

                “You are now,” natatawang sabi ko. The way he speaks, alam kong nagseselos na siya. He’s too cute to handle.

                “Okay, you win.”

                Alam kong bihira sa lalaki ang umaamin kapag nagseselos sila, pero madali ko lang naman makita kay Kaizer iyon. Naalala ko no’ng naiwan ni Josef ang phone niya sa kotse ko, nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay ni Kaizer. Kaya nalaman na rin niyang keeper ko noon si Josef. Sinabi ko naman sa kanyang wala akong choice, kung 'di ang sundin si Karl.

                Buti nga’t pumayag si Kaizer sa gusto ni Karl. Like as if we have a choice. Kung hindi kami papayag, malamang sila Daddy na ang gumawa ng move para maghiwalay kami. I just need to be sure na may tiwala pa rin sa akin ang parents ko kaya pumayag akong maging driver si Josef. Driver lang naman, eh. At alam ko namang valid pa ang rules namin ni Josef.

                Pagkalabas namin ng AC ay nakatanggap ng tawag si Kaizer. Kailangan muna niyang pumunta sa gym para kunin ang ibang gamit niya. Sinabi na lang niyang ite-text na lang niya ako kapag p’wede na niya akong ihatid pauwi. Kailangan ko pa kasing asikasuhin 'yung letter of absence ko. Kailangan ko ng pirma nila Mommy kaya malamang sa magkakausap din kami tungkol sa pag-alis na ginawa ko.

                Papunta na sana ako sa parking lot nang makasalubong ko si Topher. Iiwas na sana ako, pero mukhang wala na akong magagawa. Na-corner na niya ako. Sayang at hindi niya naabutan si Kaizer, baka nagkaroon pa siya ng reason para hindi ako lapitan. Most of guys here are afraid of him. Dahil na rin siguro sa badboy look niya. At aware naman akong marami ang nagkakagusto sa kanya. Wala namang masama kung makikipagkaibigan siya sa mga babae, basta alam nila ang limitasyon nila, walang problema sa akin 'yon.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon