Chapter 54: Red Velvet Cupcakes

184 9 1
                                    

Cheska

                Pagkadilat nang mga mata ko, wala na si Josef. Hindi ko sinabing hinanap ko kaagad siya, wala lang talaga siya dito sa kwarto. Nakabukas kasi ang pinto ng CR kaya malamang sa wala nga talaga siya dito. Tumayo na ako at saka nag-inat-inat. Medyo masakit ang katawan ko. Hindi ko na kasi matandaan kung anong posisyon na ang ginawa namin, makatulog lang nang maayos.

                Pupunta na sana ako sa CR nang may napansin akong note na nakadikit sa isang maliit na table, katabi ng kama. Muntik ko nang hindi makita dahil sa sobrang liit ng papel. Parang pinilas lang kung saan. Dinampot ko iyon at saka inilapit sa mukha ko para mabasa ko kung ano ang nakasulat. Sobrang liit kasi, eh.

                PCJ,

                Good morning, sunshine! I hope you’ve read this before brushing your teeth. Go to the receptionist. Don’t talk. He’ll pass out. JK :)

                Gwapong-gwapo,

                JDV

                Okay na sana, eh. GGSS lang. Gwapong-gwapo sa sarili. Bakit naman kaya niya ako pinapunta sa receptionist nang hindi pa nagsisipilyo? Bigla ko tuloy ch-in-eck ang hininga ko. Hindi naman ako bad breath. Slight lang naman. Wait. Hindi kaya inamoy niya ang bibig ko kanina? OMG. He’s so disgusting! Magpapauto ba ako sa kanya? Baka mamaya kung ano pa ang mayro’n sa labas. Puro kalokohan at kabastuhan pa naman ang alam no’ng lalaking 'yon.

                Pero, dahil uto-uto ako, lumabas na rin ako at dumiretso sa receptionist. Ang lakas makasosya ng receptionist. Basta, 'yung bantay dito sa motel. Naglalakad palang ako palapit sa kanya nang makita niya ako. Nagulat na lang ako nang bigla siyang naglabas ng isang tray na may lamang cup of coffee and red velvet cupcakes. Tinuro ko na lang ang sarili ko para itanong kung para sa akin ba 'yon. 'Wag daw akong magsalita, eh. Tumango naman 'yung bantay kaya kinuha ko na 'yung tray at saka ako naglakad pabalik sa kwarto.

                Don’t tell me, he prepared this? Saan naman kaya siya nakabili ng red velvet cupcakes? Paano niya nalamang isa ito sa mga favorite ko? Teka, ang assuming ko naman. Baka nga mamaya bumili lang siya nang basta-basta. Whatever. If he did buy this for me, I’ll thank him later. Thanking somebody won’t kill me anyway. It’s time to make a change. I have to be mabait na from now on.

                Pagkabalik ko sa kwarto namin ay sinimulan ko nang kainin ang cupcakes. Masarap. Saktong-sakto ang tamis. Saan kaya niya binili 'to? Bibili ko nang marami para kay Mommy, Millicent at sa Mama niya. Sinubukan ko naman 'yung kape. Nagsalubong na lang ang kilay ko nang malaman ko kung ano ang lasa. Halatang three-in-one. Akala ko pa naman sobrang nag-effort siya ngayon. Medyo lang pala. Pero, sige, pasado na siya.

                “Baka gusto mo akong bigyan.” Napahinto ako sa pagkagat sa cupcake dahil sa kanya. “Balak mo pa yata akong ubusan,” sabi niya at saka siya naupo sa tabi ko.

                “Para sa akin naman 'to, 'di ba?” tanong ko. Akmang kakagat na ulit ako, pero hindi natuloy dahil inagaw niya sa akin ang hawak kong cupcake. Last cupcake.

                “Hindi, ha.” Sabay kagat niya. “Para sa ating dalawa 'to. May free breakfast daw talaga dito. Wala na raw three-in-one kaya isa na lang ang binigay sa atin,” paliwanag niya habang kinakain niya ang huling cupcake.

                Ano raw? Bigay talaga no’ng bantay 'yung breakfast na 'to? Puro akala lang pala lahat nang naisip ko. Ano ba naman 'to? Buti na lang at hindi na ako nagsalita pa , kung 'di pahiya na naman ako. Bakit kasi inisip kong si Josef ang may handa nito? Bakit hindi ko kaagad naisip na may free breakfast? Nakakainis naman kasi 'yung note niya. Paasa. Parang siya talaga ang nag-effort. Hindi pala talaga.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon