Josef
Nalintikan na.
Nandito ako ngayon sa bahay nila Cheska. Tahimik lang akong nakaupo sa sofa nila habang ang sama-sama naman ng tingin sa akin ni Cheska. Kanina pa siya walang imik at hindi rin ako makapagsalita dahil sa takot ang kaba. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ko at napag-trip-an kong tadtarin ng text si Cheska. Gusto ko lang naman siyang bwisitin dahil wala akong magawa. Hindi ko naman alam na nagbubukas pala siya ng phone sa oras ng klase.
Hindi ko naipag-drive si Cheska dahil isinabay siya ni Karl pauwi. Nagulat na lang ako kanina nang makatanggap ako ng text galing kay Karl. Binilin niya na magpunta ako sa kanila pagkatapos ng klase ko. Naiwan sa parking lot 'yung kotse ni Cheska kaya ako na ang nag-uwi dito sa kanila.
Kung nakakamatay lang ang pang-iirap, kanina pa ako na-murder ni Cheska. Alam at inaamin ko naman 'yung kasalanang ginawa ko. Itinanggi ko ba? Hindi naman. Sana ba kung hindi naka-save ang number ko sa kanya, eh. May kasalanan din naman siya. Ang hilig niya kasing mag-text sa oras ng klase.
Natahimik na lang ang isip ko nang makita kong pababa ng hagdan si Karl. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi pa niya ako p’wedeng tanggalin sa trabaho dahil hindi pa niya nabibigay ang sweldo ko. Malaki rin iyon.
“Josef.”
Automatic na napatayo ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Karl. Kaagad naman niya akong sinenyasahn na maupo ulit kaya sumunod na lang ako. Ayaw ko pa ring magsalita dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
“I know it wasn’t your fault. I just want to know why were you texting my sister?” tanong sa akin ni Karl nang makaupo na siya sa tabi ni Cheska.
“Honestly... it was just for fun. You know... to kill boredom?” sagot ko. Magsisinungaling pa ba ako? Eh, nandito na ako at malapit nang hatulan.
“Okay. Alam ko namang kasalanan din ni Ches—”
“Karl?!” hindi makapaniwalang sigaw ni Cheska. “It’s not my f—”
“Shut up. I’m not talking to you,” inis na sabi ni Karl sa kapatid niya.
Heto naman akong si pigil ng tawa dahil sa pambabara ni Karl kay Cheska. Mamaya ko na siya aasarin kapag wala na si Karl. Ang hilig niya kasing makisali sa pag-uusap na iba kaya lagi siyang napagsasabihan. Tsk.
“I’m so sorry. Hindi ko naman kasi alam na may klase na pala siya. Hindi ko naman kasi alam na talagang babasahin niya 'yung mga text kong wala namang kwenta,” paliwanag ko pa.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...