Chapter 62: My Decision

191 7 2
                                    

Cheska

                Nagpaalam na ako sa parents ko na may bibilhin lang kami ni Josef sa mall. Hindi naman na sila nagtanong pa dahil mas gusto nga nila na kahit papaano ay nakakalabas ako. Hindi ko na sinabi sa kanila kung saan talaga ang punta ko dahil alam ko namang mag-aalala lang sila. Tama nang si Karl na lang muna ang nakakaalam. At least, siya, naiintindihan niya kung bakit ko ito gagawin.

                Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko nang naka-park ang kotse ni Josef habang hinihintay ako. Hindi na nga siya bumaba dahil alam niyang matatagalan lang kami kapag nakita pa siya ni Mommy. Tuwang-tuwa pa naman ang parents ko sa kanya. Matuwa pa kaya sila kay Josef kapag nalaman na nila kung ano ang mayro’n sa amin?

                Bumaba ng kotse si Josef nang makalapit na ako. Binigyan niya ako ng isang nakakatunaw na ngiti bago siya naglakad papunta sa passenger side door para pagbuksan ako. He’s being a gentleman now. I like it. Nginitian ko lang siya at saka ko sumakay ng kotse. Pagkasakay niya ay kaagad na siyang nag-drive. Ni hindi man lang niya tinanong kung saan kami pupunta. Hindi kaya sinabi na ni Karl sa kanya? Pero, bakit parang good mood pa siya? Parang ayaw ko namang sirain ang mood niya.

                “So, where to go, Miss Cheska?” nakangiting tanong niya. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanya. Iba kasi 'yung saya na nakikita ko ngayon. He looks so excited. Unfortunately, it won’t lasts.

                “Just drive. I’ll tell you the direction,” sagot ko. Natatakot ako na baka kapag sinabi ko na kaagad, bigla na lang magbago ang isip niya. P’wede naman akong magpunta mag-isa, pero alam kong mas safe ako kung makakasama ko si Josef.

                “Really? Baka naman may surprise ka para sa akin. Malayo pa ang birthday ko,” pagbibiro niya.

                I hate this. Ngayon palang ay alam ko na ang mangyayari. Ayaw kong masira ang araw niya nang dahil lang sa kagustuhan kong makita at makausap si Kaizer. May oras pa naman ako para magbago ng isip. Pero, nakakahiya naman do’n sa lawyer na naghihintay sa akin. Ayaw ko namang masabihan na sinasayang ko ang oras nila. At saka, alam ko namang kailangan ko 'to. Kailangan kong masigurado na tapos na ang sa amin ni Kaizer. Ayaw kong dalhin pa ito ng matagal.

                Habang nagda-drive siya ay panay lang ang turo ko kung saan siya liliko. Hindi naman siya pamilyar sa mga lugar dito kaya alam kong matagal pa niyang mare-realize kung saan talaga kami papunta. Sana lang ay maging okay ang lahat. Maintindihan sana ni Josef kung bakit ko ito gagawin. Malapit na kami sa dapat naming puntahan kaya unti-unti na akong kinakabahan.

                Napansin kong bumagal ang pagda-drive niya at panay na rin ang tingin niya sa paligid. Para bang pinapamilyar niya ang sarili niya kung nasaan kami. Napahinga na lang ako nang malalim nang matanaw ko na ang lugar na gusto kong puntahan. Napayuko na lang din ako nang mapansin kong mukhang alam na ni Josef kung saan kami pupunta.

                “Cheska, is it... Tell me I’m wrong,” seryosong sabi niya. Ramdam ko ang tingin niya sa akin kahit hindi ko siya tingnan. I can’t even look at him.

                “Yes, Josef. It is what you think it is. Just drive,” mahinang sagot ko. Inangat ko na ang ulo ko, pero hindi ko siya tiningnan. Diretso lang ang tingin ko.

                “Shit,” rinig kong bulong niya. “I can’t do this, Cheska.” Hininto niya ang kotse sa isang tabi.

                “Yes, you can.” Hindi na ako nakatiis, tiningnan ko na siya. “You’re gonna do it because it is your job, Josef. You’re my driver, remember? So, you’re gonna take me wherever I ask you to take me.” Pinipilit kong magmatigas kahit na sobrang natatakot na ako kay Josef. Ayaw kong magalit siya sa akin nang dahil lang dito.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon