Chapter 36: I'm Scared

158 6 0
                                    

Cheska

                I never liked girls who like throwing themselves to every gorgeous men they meet. I didn’t say Josef is gorgeous and never said he isn’t. Madalas ko na kasing maranasan kila Karl iyon. No’ng highschool palang kami ay sikat na sila sa mga babae. Hindi ko alam kung bakit may mga gano’ng babae. Hindi ba sila nahihiya sa ginagawa nila? I mean, bakit kailangan nilang ipagsigawan na type nila ang isang lalaki? Nagpapapansin o nagpapapansin? Well, hindi ko alam ang pinagdaraanan nila dahil lumaki akong napapalibutan ng mga lalaki. Simulan natin sa Daddy ko, kay Karl at sa mga kaibigan niya.

                I had plenty of crushes before meeting Kaizer. Marami-rami rin kasi ang may mga itsura no’n sa school na pinasukan namin. Kahit ang mga naging crush ko ay gumawa ng way para mapansin ko, pero na-turn off lang ako. Ayaw ko kasi no’ng mga lalaking kapag nalaman nilang may gusto sa kanila ang isang babae ay bigla-bigla na lang din silang magkakagusto dito. That’s why I had a crush on Kaizer. Kumbaga sa babae, hindi siya easy to get. Maraming nagkakagusto sa kanya, pero never kong nakitang nag-take advantage siya sa mga babae.

                Anyways, tumila na ang ulan at ang sakit na ng paa ko kakalakad. Alam kong malapit lang ang cafè sa St. Claire. Hindi kasi ako sanay maglakad nang malayo kaya mabilis sumasakit ang paa ko. Inabutan pa kami ng ulan. Bakit kasi naisipan ko pang sundan si Josef? Oo nga pala. Medyo nakunsensya nga pala ako sa sinabi niya. Pusong bato? Gano’n ba ako kasama? Parang hindi naman. Totoo naman kasi 'yung sinabi kong p’wede kong tawagan si Kaizer para sunduin ako. Wala naman akong sinabing iiwan ko si Josef. Nag-assume lang siya na iyon ang gagawin ko. Kung hindi lang na-low-bat ang phone ko, eh 'di sana hindi ako basang-basa sa ulan at hindi nakahubad si Josef ngayon. Alam ko naman kung bakit pinasuot sa akin ni Josef ang damit niya. Hindi ko nga lang alam kung paano ko siya papasalamatan dahil alam kong babarahin niya lang ako.

                “Finally!” sigaw ni Josef nang makatuntong na kami sa harap ng St. Claire. In-stretch-stretch niya ang binti niya at nakita ko na naman kung paano siya tingnan ng mga babae nasa paligid.

                Napangiti na lang din ako dahil nga narating na namin ang dapat naming marating. Actually, na-enjoy ko naman ang paglalakad habang umuulan. Alam kong p’wede akong magkasakit, pero kasi bago sa akin ang paglalakad kaya siguro hindi ko na naisip ang p’wedeng mangyari. Hindi naman ako nainip dahil bulong nang bulong si Josef. Hindi niya alam na naririnig ko siya. Hindi ko na lang pinapatulan dahil baka mag-away lang kami ng bongga. Naawa ako sa kanya dahil nabasa ang phone niya. Alam ko namang ako ang dahilan kung bakit siya naglakad kaya kahit papaano kay guilty ako.

                Lalapitan ko na sana si Josef para magpasalamat nang biglang may humarang na kotse. Nasa kabilang side kasi ng gate si Josef dahil kausap niya 'yung guard. Pagkaalis ng kotse ay nakita ko na lang si Josef na salubong ang kilay. Natakot ako dahil bigla siyang napatingin sa akin. Naglakad na siya papunta sa akin. Hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko dahil mukhang may sasabihin siya sa akin.

                Wala pala siyang sasabihin dahil inabot niya lang sa akin ang phone na hiniram niya sa guard kanina. “Call your boyfriend and ask him to pick you up,” sabi niya, pero magkasalubong pa rin ang kilay niya.

                “Okay.” Sabay kuha ko ng phone sa kamay niya. D-in-ial ko na kaagad ang number ni Kaizer. Nakatingin lang sa akin si Josef habang hinihintay kong sumagot si Kaizer. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang dahilan ng salubong na kilay ni Josef. May ginawa na naman ba akong mali? Parang wala naman.

                “Yes, babe?” sagot ni Kaizer sa tawag ko.

                Napangiti na lang ako nang marinig ko ang boses niya. “Hi. Busy ka pa ba? Tatanong ko lang sana kung p’wede mo akong sunduin dito sa St. Claire. I’m stranded,” sabi ko.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon