Josef
Bakit ba ang dudumi ng utak ng mga tao ngayon? Nakita lang na naghahabol ng hininga, iba na kaagad ang pumasok sa isip. Buti na lang talaga at mabilis akong makaisip ng palusot. No’ng tinanong ni Karl kung bakit kami hinihingal ni Cheska ay sinabi ko na lang na naghahabulan kami sa loob ng bahay nila. Wala namang ibang p’wedeng isagot sa kanya, eh. Inakala tuloy niyang super close na kami ng kapatid niya. No way.
Dahil sa kaba ko na baka hindi bumenta kay Karl 'yung palusot ko, nagpaalam na kaagad ako. Wala na akong reason pa para mag-stay. Bahala na si Cheska. Kung magtatanong man ulit si Karl, siya na ang bahala. Aminado naman akong may nagawa rin akong mali, pero kung may makakaalam man no’ng nangyari kanina, kaya ko namang i-explain ang side ko. Alam ko namang marami ang makakaintindi sa akin.
Bakit ba kasi napakakitid ng pag-iisip ni Cheska? Sabihan ba naman ako na 'wag siyang respetuhin. Pasalamat siya na-gets ko kaagad ang gusto niyang sabihin. Eh, paano kung iba pala ang pagkakaintindi ko? Nganga siya ngayon. Tinatawag ko lang naman siyang ‘Ate’ for fun and to show respect 'cause she’s older than me. Si Ate Faye nga, hindi nagrereklamo, eh. To think na parang amo ko si Cheska, kailangan ko talaga siyang galangin, kahit pa hindi naman siya kagalang-galang. Joke.
Bago ako umuwi sa bahay ay naisipan ko munang kumain sa labas. Mayaman ako ngayon dahil binigyan ako ng bonus ni Karl. Buti nga’t binigyan pa niya ako. Pasalamat na lang talaga ako’t may tiwala siya sa akin. Mukhang kay Cheska kasi siya walang tiwala, eh. Ano ba ang nangyari sa dalawang 'yun at parang hindi magkasundo? Magkamukha naman sila kaya alam kong magkapatid talaga sila. Whatever. Ano ba ang pakialam ko sa issues nila?
Napapangiti pa ako habang kumakain dahil naaalala ko 'yung nangyari kanina. Hindi ko talaga mapigilang alalahanin 'yung naging reaksyon ni Cheska. Bakit ba feeling niya lagi ay hahalikan ko siya? 'Yung totoo, sabik lang? Nagka-boyfriend na kaya siya? Sobrang istrikto kasi ni Karl, eh. Kaya siguro hindi sila magkasundo dahil nasasakal si Cheska sa kapatid niya. Pero, kung para sa ikabubuti naman ni Chesk ang ginagawa ni Karl, okay lang na sakalin niya ang kapatid niya. Tutulungan ko pa siya. JK.
Napatingin ako sa phone ko at nakita kong alas-dos na pala ng hapon. Maglalaba pa ako dahil wala na akong gagamitin sa mga susunod pang araw. Buti pa si Kuya Froi, maraming damit. Ang dami kasi niyang sponsor, eh. Kahit ilang buwan siyang hindi maglaba, okay lang. Bihira naman akong manghiram sa kanya, dahil alam kaagad ng mga nakakasalubong ko kung kanino ang suot ko. Kaunti palang ang nakakaalam na kapatid ko siya. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Minsan kasi iba ang naiisip ng mga tao. Tulad na lang no’ng nangyari sa try-out. Akala nila may connection ako sa team kaya nagkaroon ako ng slot. Totoo naman 'yun, pero hindi gano’n 'yun.
Hindi na nga ako ulit nagkaroon ng balita sa Red Cool. Sabi kasi ni Karl, magpapatawag na lang siya ng meeting or practice kapag kailangan. Pasukan palang naman kaya siguro wala pang game. Mag-fo-focus muna siguro ako sa pag-aaral. Mahirap pa namang humabol sa lessons kapag nagkaroon na ng games. Buti nga’t hindi na kasali sa team si Kuya Froi. Ayaw ko kasing nakakalaro 'yun, eh. Sobrang galing. Suave siyang maglaro, kaya lagi akong natatalo kapag kaming dalawa ang magkalaban.
Dahil malapit lang naman sa bahay ang pinagkainan ko, naisipan kong maglakad na lang. Exercise na rin 'yon at para magpababa ng kinain. Kumusta naman 'yung abs kong malapit nang maging fats. Kawawa naman 'yung mga kaklase kong babae na hindi sinasadyang banggain ako para madikit sa katawan ko. Minsan nga, pinagbibigyan ko na lang.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...