Josef
Sa loob-loob ko, lintik na 'yung tawa ko dahil sa naging reaksyon ni Cheska sa pagtawag ko sa kanya ng Ate. Hindi ko naman alam na mabibigla siya dahil Ate rin naman ang tawag ko kay Ate Faye. At talaga namang mas matanda sila sa akin kaya dapat lang na galangin ko sila. Kahit wala na akong Mama, alam ko namang gusto niyang maging magalang ako sa mga taong nakikilala ko. Kahit masungit pa 'tong si Cheska sa akin, kailangan ko pa rin siyang galangin dahil tao rin naman siya.
“At talagang inulit mo pa, ha!” Halos sigawan na ako ni Cheska dahil sa pagkainis niya. “Do I really look older than you?” tanong pa niya.
“Nah. But it doesn’t change the fact that you’re literally older than me.” Kung sa itsura lang din naman titingnan, hindi naman talaga mukhang matanda si Cheska. Baby-faced nga siya, eh. Medyo may pagkamataray nga lang dahil laging nakataas ang kilay niya. Ganito talaga yata kapag rich kid.
“Gosh. I can’t believe Froi has a brother like you.” Narinig ko na lang ang pag-start ng engine. Ibinaling na niya ang atensyon niya sa kalsada. Gusto ko rin mag-drive. Nakakainggit lang talaga 'yung mga estudyanteng may sariling kotse.
“Why? Hindi man kami gaanong magkamukha ni Kuya Froi, masasabi ko naman na hindi nalalayo ang kagwapuhan ko sa kanya. Lamang lang naman siya ng dalawang ligo sa akin,” nakangiting sabi ko. Hindi na ako nagbibiro. Totoo na itong sinasabi ko. Confident naman kasi akong may mukha akong p’wedeng ipagmalaki. Kahit gano’n si Mr. Zacarias, nagpapasalamat pa rin ako dahil medyo malakas ang dugo niya. Maganda rin naman kasi ang Mama ko kaya may namana rin naman ako sa kanya. Hindi tulad ni Kuya Froi na mas maraming nakuha kay Tita Kat. Kulang na nga lang D’yosa na ang itawag ko do’n, eh.
“Just answer our question,” rinig kong sabi ni Millicent, pero sa daan na rin siya nakatingin habang nagda-drive si Cheska.
“Ano nga ulit 'yung tanong?” Ang daldal kasi ng driver namin, eh. Nakalimutan ko tuloy 'yung tanong ni Ate Faye. Tsk.
“Kung may alam kang bar. 'Yung maayos na bar.”
“Bar? Underrated,” mabilis na sagot ko dahil iyon lang naman ang alam kong bar. Sa tingin ko naman ay maayos na bar iyon. “Bakit ba?” Ano naman kaya ang naisip nila at sa akin sila nagtatanong ng bar?
“Wala lang. Baka may alam ka lang,” sagot pa ni Ate Faye.
“Mukha ba akong nagba-bar?” Last time I checked, disente pa akong tingnan. “May magbi-birthday ba at naghahanap kayo ng venue?”
“Wala. Nagtatanong lang talaga ako kung may alam ka. Malay ko ba kung nagba-bar ka na.” Sa tono ng pananalita ni Ate Faye, alam kong may binabalak sila. Hindi naman sila magtatanong sa akin ng gano’n kung gusto lang nilang alamin kung nagba-bar ako. Alam naman ni Ate Faye na hindi ako mahilig sa gano’n. Magpupunta lang ako sa bar kapag pupuntahan ko si Kuya Froi.
“Siguro maghahanap kayo ng boys, 'no?” Napalapit ako sa kanilang dalawa. As in kulang na lang dumikit na 'yung mukha ko sa windshield. JK.
“Hindi, ha,” defensive na sabi ni Ate Faye.
“Eh, ano naman kung maghahanap kami ng boys?” pagtataray na naman ni Cheska. Papasakan ko na ng papel bibig nito. Hindi ba niya maiiwasan ang pagtataray?
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...