Chapter 49: Least I Can Do

126 8 0
                                    

Josef

                Don’t hurt me. Isa pa 'yan sa mga salitang kanina pa sinasabi ni Ate Faye sa tuwing may hahawak sa kanyang lalaki. Kinailangan ding palitan ang doctor na may hawak sa kanya dahil lalaki iyon. Tanging ang Mama lang ni Ate Faye ang kasama niya sa kanyang kwarto habang inoobserbahan pa siya.

                Hindi ako makapaniwalang mangyayari ang ganito kay Ate Faye. Ang hirap magkaroon ng trauma sa isang bagay. Lalo na kung mahirap iwasan. Hindi ko maipaliwanag ang naging reaksyon ni Kuya nang magwala si Ate Faye habang yakap-yakap niya ito. 'Yung pagwawala na parang may masama kaming balak sa kanya. Nakakatakot. Nakakapanghina. Lalo lang nanlumo ang kapatid ko.

                Nalaman na rin ni Cheska ang tungkol sa kalagayan ng best friend niya, pero hindi pa rin niya ito pinupuntahan. Hindi ko nga alam kung bakit siya natatakot na harapin si Ate Faye. Wala naman siyang ginawang kasalanan kaya hindi ko ma-gets kung bakit guilty na guilty siya. Eh, boyfriend niya lang naman ang may kasalanan. May sapak talaga si Kaizer sa utak, eh.

                Nakausap ko na rin si Karl tungkol kay Fraye. Alam kong nabanggit na rin iyon ni Kuya sa pamilya ni Ate Faye. Hindi ko lang alam kung ano ang naging reaksyon nila. Hindi ko pa kasi sila nakakausap. Medyo nagpa-panic pa sila ngayon. Siguro, p’wede na kaming mag-usap-usap kapag kumalma na si Ate Faye. Si Kuya Froi? Nasa isang kwarto na rin siya katulad ni Cheska. Tinurukan siya ng pampatulog dahil ayaw niya talagang tumigil sa pagwawala kanina. At least, nakakapagpahinga na siya kahit ayaw niya. Kailangan niyang lumakas at magpalakas para sa girlfriend niya. Kung magpapatuloy lang siya sa pagwawala, wala ring magyayari. Kailangan lang namin na tulungan si Ate Faye na ma-overcome ang trauma niya.

                Dahil wala akong mapuntahan, pumasok muna ako sa kwarto ni Cheska. Tinatawagan kasi ni Karl si Kuya Ian kaya wala akong kasama. Nahihiya naman akong tabihan ang Papa ni Ate Faye. Close kami, pero hindi sa ganitong sitwasyon. Alam ko naman kung ano ang nararamdaman nilang lahat ngayon.

                Magkapasok ko sa kwarto ay nakita ko kaagad si Cheska na may kausap sa phone. Naupo lang ako sa isang tabi dahil mukhang parents niya ang kausap niya. Hindi naman niya ako pinalabas kaya mukhang okay sa kanya ang pag-stay ko dito. Nagpaalam na siya sa kausap niya at saka niya ako tiningnan. 'Yung tingin na hindi ko alam kung naaawa ba siya sa akin o nandidiri.

                “Bangag kung bangag, Josef?” tanong niya.

                Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Wow. Parang ang fresh-fresh mo, ha,” sagot ko. Kung makapagsalita naman siya, eh, pareho lang naman kaming hindi pa naliligo at wala pang tulog.

                “Bakit hindi ka muna matulog?” Ngayon, mahinahon na ang pananalita niya. “I’ll let you sleep here.” Sabay turo niya sa kama niya.

                “Hindi na. Baka mamaya, may panis na laway mo pa d’yan.” Hindi ako nagmamaasim. Nagpapapilit lang. Baka mamaya kasi ay hindi naman bukal sa loob niya ang pagpapatulog niya sa akin.

                “Hindi nga ako natulog. Paano ako mapapanisan ng laway?”

                “Naks. Naisip mo pa 'yon?” natatawang sabi ko. “Ikaw ang matulog. Mukha ka ng Walker.”

                Inirapan na naman niya ako. “Just sleep, Josef.” Umalis siya sa kama niya. “Pagbigyan mo na ako. Minsan lang ako maging mabait,” sabi niya.

                “Oo nga, eh. Nakakatakot.”

                “Sleep. Now,” utos pa niya na parang hindi na ako p’wedeng tumanggi.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon