Prologue:
Josef
Kung hindi pa ako ginising ni Kuya para mag-breakfast, mahimbing pa sana ang tulog ko hanggang ngayon. Madaling araw na ako nakarating dito sa bahay niya tapos ang galing-galing niyang manggising para lang makasabay ako sa pag-aalmusal niya. Talaga naman, oh. Bangag kung bangag akong nakadapa dito sa kama dahil antok na antok pa talaga ako. Nakabukas ang mga mata ko, pero alam kong malapit na naman akong makatulog.
Bago pa ako tuluyang pumikit at gumawa ng tulog, tumayo na ako at saka inalala na simula ngayong araw na ito ay dito na ako titira sa bahay ni Kuya Froi. Dumiretso na ako sa CR para makaligo ng isang mabilis. Tapos na ang summer, pero ang init-init pa rin. Kung nasa Green Grass lang ako, baka naglalalangoy ako ngayon sa pool. Kaya lang hindi, eh. Kailangan ko nang masanay dahil hindi na ako magtatrabaho, mag-aaral na ako.
Umalis na ako sa Green Grass dahil nagkaroon na ng sapat na pera si Kuya para mapag-aral ako. Ang bait-bait talaga no’n. Kaya mahal ko 'yun, eh. Si Mr. Zacarias? Sinabi niyang titigilan na niya ang panggugulo sa amin basta papayag kami na dadalaw-dalawin namin siya ni Kuya kapag may oras kami. Syempre, dahil mabait naman kami, pumayag na kami sa gusto niyang mangyari. Wala namang mawawala kung pupuntahan namin siya paminsan-minsan. Tatay pa rin namin siya kahit pagulungin pa ang mundo.
Pagkatapos kong maligo, bumaba na kaagad. Nasa hagdanan palang ako ay amoy na amoy ko ang pancake na ginagawa ni Kuya. Ang ganda siguro ni Kuya kung naging babae siya. Dahil bigla akong nakaramdam ng gutom, nagmadali na akong pumunta sa kusina. Nakita ko siyang nakalikod habang pini-flip 'yung pancake. Kalalaking tao, naka-apron. Sabagay, p’wede naman talaga 'yun.
“Oh. Bakit ngayon ka lang bumaba?” rinig kong tanong niya. Paano naman kaya niya nalaman na nandito na ako sa likod niya.
“Paano mo nalamang nandito ako?”
“Ang ingay kaya ng paa mo.”
Malaki kasi ang paa ko kaya medyo mabigat din. “'Sus. Pahingi na nga ako ng pancake. Makakain na at makalabas naman para makapag-basketball,” sabi ko habang kinukuha ko sa kamay niya ang isang plato ng pancake. Dahil sa sarap ng pancake na gawa ni Mother Froi, nakaubos kaagad ako ng lima. Busog-sarap.
Tumayo na kaagad ako at saka pumunta sa salas para kunin 'yung bola. “Kuya, tara na!” sigaw ko dahil busy pa siya sa paghuhugas ng pinagkainan ko.
“Hindi ako maglalaro. May gagawin pa ako,” sagot niya.
“'Kay,” mahinang sagot ko. Sino ngayon ang kalaro ko? Ang anino ko?
Lumabas na ako ng bahay. Buti na lang at malapit lang ang court dito. Ang aga pa kaya siguro wala pang nanglalaro. Sayang naman. Wala akong mapapakitaan ng galing ko sa pagba-basketball.
Puro basketball shoot at dribbling ang ginagawa ko dahil dakilang loner nga ako. Tanga-tanga ko. Naligo ako tapos nagpapawis lang ako. Halos kalahating oras na akong naglalarong mag-isa kaya naman basa na rin ako ng pawis. Basa na rin 'yung suot ko kaya naman hinubad ko na 'yung t-shirt ko at saka ko iyong nilagay sa balikat ko.
Mga sampung minuto ang lumipas, napagod na rin ako. Mahirap pala talagang makipaglaro ng bastketball sa sarili. Gumawa na lang ako ng isa pang shoot, pero hindi sinasadyang napalakas ang tira ko kaya naman tumama 'yung bola sa board at nag-bounce siya papunta sa... kotseng naka-park sa labas ng bahay namin. Napapikit na lang ako nang marinig ko ang pagtunog ng alarm.
Lalapitan ko sana, pero isang babaeng naka-taas ang kilay ang lumabas ng bahay ni Kuya Froi. Sino naman siya? Hindi naman siya si Ate Faye. Hala. 'Di kaya nambababae itong si Kuya? Napansin ko na lang na nakatitig na sa akin 'yung babae at parang alam na niya kaagad na ako ang may sala. Mukhang ang sungit-sungit niya kaya tumakbo na ako bago pa niya ako sugurin.
“Hey!” sigaw niya.
---
Here is the book two of Love Hate: Her Shaken Heart :)
Comment po. :D
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...