Josef
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Lenard na magkapatid kami ni Kuya Froi. Halos ilang minuto rin niya akong tinitigan at saka niya lang na-realize na may pagkakahawig nga kami ng kapatid ko. At dahil siya lang naman ang kaibigan ko, nag-decide na akong ikwento sa kanya ang history ng pamilya namin. No'ng una ay hindi siya makapaniwala na may gano'ng klaseng Tatay pala. Pinaliwanag ko naman sa kanya na hindi naman gano'ng kasamang tao si Mr. Zacarias. Siguro nga't sabik lang siya sa atensyon namin. Lalo na sa atensyon ni Kuya Froi.
Naiinggit sa akin si Lenard hindi dahil may Kuya akong sikat na model, kung 'di dahil nakakalapit ako kay Ate Faye at, unfortunately, kay Cheska. Hindi pa raw siya pamilyar kila Ate Faye, pero parang iba nga ang impact ng grupo nila sa ibang estudyante dito. Tinanong pa ako ng mokong kung iiwanan ko na ba siya dahil may mga cool naman akong kaibigan. Pinaintindi ko naman sa kanya na hindi gano'n iyon. Kaibigan ni Kuya 'yung mga cool, hindi sa akin.
Pagkatapos naming kumain, iniwan na ako ni Lenard dahil alam niyang mag-uusap pa kaming dalawa ni Kuya. Gustuhin ko mang mag-stay lang siya, hindi p'wede dahil baka hindi rin ako kausapin ni Kuya habang nakaharap ang kaibigan ko.
Tatayo na sana ako nang biglang dumating si Kuya kaya naman naupo na ako ulit. “Do you still have a class to attend?” tanong niya kaagad nang makaupo siya sa inupuan ni Lenard.
“I planned to go home early,” sagot ko.
“Then?”
“You want to talk, right?” Paano pa ako makakauwi ng maaga kung gusto niya akong kausapin. Balak ko sanang umuwi after ng try-out kaya lang na-badtrip na ako, nagutom pa ako.
Napansin kong may tiningnan siya kaya napalingon din ako. Nakita kong nakatingin sa amin si Ate Faye, pero kaagad niyang binawi ang tingin niya nang magtama ang mga mata namin. “Just because they told you to talk to me, doesn’t mean you really have to.” Sabay balik ng tingin ko kay Kuya. Hindi naman talaga niya ako kailangang kausapin kung iyon ang sinabi ng mga kaibigan niya. Wala akong pakialam kung ako ang sinisisi nila sa nangyari. Paniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan.
“Josef, hindi kita nilapitan para sermunan. I just want to know what happened there. Ako ang tumatayong guardian mo dito kaya every time na involve ka sa isang insidente, sagutin kita,” paliwanag niya. "Just tell me what happened.”
Dahil persistent itong si Kuya, sinabi ko na ang buong pangyayari. Hindi ko na sinabi sa kanya na may nanghipo kanina sa akin habang naglalaro kami. Hindi ko rin naman natandaan kung sino 'yon, pero alam ko namang hindi siya kinuha ni Karl. Napansin din siguro niyang alanganin.
“Thanks for telling me everything. Hayaan mo, kakausapin ko si Karl para masabihan niya 'yung ibang players,” sabi ni Kuya.
“'Wag na. Palipasin na lang natin 'yung nangyari. Baka kapag kinausap sila ni Karl, lalabas pang nagsumbong ako. Baka lumaki lang lalo ang gulo. Gusto ko lang ng tahimik na college-life,” sagot ko. Ang gusto ko lang naman kasi ay makatapos ng pag-aaral at balak ko rin ngang maghanap ng part-time job nang hindi nalalaman ni Kuya. Para kahit papaano naman ay nakakatulong ako sa kanya.
“Okay. If that’s want you want.” Sabay tayo niya. “Isa lang ang gusto kong gawin mo habang magkasama pa tayo dito sa St. Claire. Don’t deny about me being your brother. Kahit sabihin mo pa sa lahat ang tungkol sa pamilya natin. Ang mahalaga, wala tayong tinatago sa kanila. Pero, hindi pa rin ibig-sabihin no’n na may karapatan na silang manghimasok sa buhay natin.”
“Okay,” maikling sagot ko. Pinanood ko na lang siyang maglakad papunta sa table nila ni Ate Faye. “Parang gano’n kadali 'yon, ha,” bulong ko.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Hài hước[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...