Chapter 19: I Like Him

175 15 1
                                    

Josef

                Halos kalahating oras na kaming nagpa-practice nang dumating si Cheska. Alam kong nakita rin ni Karl ang pagdating na kapatid niya. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at ngayon lang siya nagpunta dito. Akala ko ba manonood siya ng practice? May iba pa ba siyang agenda ngayon? Ano nga ba’ng pakialam ko?

                Mukhang hindi na ako makakapasok sa klase ko mamaya dahil in-extend ni Karl ang practice. Hindi ko alam, pero parang tinatamad maglaro ang mga ka-teammate ko. Matawagan na lang si Lenard. Shit. Wala nga pala sa akin ang phone ko. Mamaya ko pa rin makukuha sa kotse ni Cheska 'yon. Sana lang talaga ay hindi niya nakuha 'yon.

                Muntik na akong matumba nang biglang tumama sa likod ko ang bola. Alam kong sinadya iyon dahil masyadong malakas ang impact. Tiningnan ko kung sino 'yung hinayupak na naghagis ng bola. Si Kaizer pala. Ano ba ang problema niya? Kinuha ko 'yung bola at hinagis ko rin sa kanya. Tatanga-tanga, tinamaan sa ulo. Tiningnan niya lang ako nang masama at saka siya nagpatuloy sa pagpa-practice.

                Hindi nagtagal, may tumama na namang bola sa likod ko. Bago ko pa man din magantihan kung sino man ang may gawa no’n ay binaba ko na ang bola. Ayaw ko naman kasing gantihan si Karl. Bakit kasi kailangang mambato ng bola? Hindi ba nila alam na masakit?

                “Hey,” tawag niya sa akin. Gustuhin ko mang umiwas ay parang hindi ko naman magagawa. Kanina pa ako umiiwas dahil ayaw ko nang magsinungaling pa sa kanya.

                Siya na mismo ang lumapit sa akin. “Bakit?” mahinang tanong ko.

                “Ano’ng ginagawa niya dito?” tanong niya at alam kong si Cheska ang tinutukoy niya.

                Pareho kaming napalingon kung saan nakap’westo si Cheska. “Dunno. Watching you practice?” tanong ko rin.

                “Hell, she never watched me practice,” sabi niya at saka siya naglakad papunta kay Cheska.

                Damn. I’m dead. Mali yata ang sagot ko. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit maaga siyang pumasok. Hindi ko nga alam kung bakit gusto niyang manood ng practice. Wala talaga akong alam. Inosente ako. Promise.

                Pinaglalaruan ko ang bola nang biglang lumapit sa akin si Kaizer. Ang sama ng tingin niya sa akin. 'Yung totoo? Gusto na naman ba niyang masapak? Kasi nasa mood ako. I want to hit something badly. Kung willing siyang masaktan, sabihin niya lang.

                “What’s your relationship with her?” tanong niya.

                “Her?” Bigla akong napaisip. “Cheska?” Siya lang naman ang p’wedeng tinutukoy niya.

                “Just answer me,” plain na sabi niya.

                “Why should I?” Bakit ba required sagutin ang mga tanong nila? Napaka-big deal ba sa kanila kapag hindi sinagot ang mga walang kwenta nilang tanong?

                “Because I found your phone in her car.”

                My phone? He saw my phone. Shit. He’s that guy. Why would Cheska stick with this man? Wala ba siyang taste? Ito ba 'yung reason kung bakit gusto niyang manood ng practice ngayon? Right. Naalala ko na. Si Kaizer 'yung crush ni Cheska. Si Kaizer 'yung dahilan kung bakit ako nakatanggap ng sampal kay Cheska.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon