Chapter 8: Flowers and Chocolates

264 15 1
                                    

Josef

                Kung hindi lang siya cute baka dinukot ko na talaga 'yung mata niyang mahilig mang-irap. Paano nga kaya nagagawa ng mga babae 'yun? Okay na rin 'yung paghingi niya ng sorry sa akin kanina, pero hindi pa rin ibig-sabihin no’n na we’re in good terms na. Masakit kaya 'yung pagkakasampal niya sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit niya ginawa 'yon, eh. Crush niya ba si Kaizer kaya ginawa niya 'yon? Nalaman na niya 'yung totoong nangyari kaya pala todo tago siya sa akin. Para namang may pagtataguan siya.

                T-in-ext ko na si Lenard na magkita na lang kami sa baba ng building namin para maibigay niya sa akin 'yung notes at laptop niya. Sakto namang pagkarating ko sa harap ng building namin, sinalubong na ako ni Lenard. “Salamat, ha.” Sabay tapik ko sa balikat niya.

                “Ingatan mo na lang ulit. Hindi mo pa naman afford makabili ng ganyan,” biro pa niya.

                “Gago. Bilhan pa kita ng tatlo nito, eh.”

                “Ginagawa 'yan, dude. Hindi sinasabi,” pang-aasar pa niya. “Sige, bukas na lang.”

                “Sige.” Nilagay ko muna sa bag ko 'yung laptop niya bago ako naglakad palabas ng campus. Baka manakaw pa sa akin, eh. Tama naman siya. Hindi ko pa afford ang bumili ng laptop.

                Nagdalawang-isip tuloy ako kung uuwi na ba ako o hahanap muna ako ng p’wedeng tambayan? Magpunta na lang kaya ako sa SB. Alam ko naman na password ng wifi dahil naisama na ako ni Lenard do’n. Saka p’wede ko nang lakarin mula dito hanggang do’n. Sige. Ipu-push ko itong bright idea ko. Ang talino ko talaga. Air-conditioned pa do’n. Kapag umuwi ako, malamang sa mag-init lang ako. Mag-init.

                Dumiretso na ako papunta sa SB. Buti na lang at oras ng klase ngayon kaya wala masyadong nakatambay. Malamang sa mabilis ang internet dahil konti lang ang magiging kaagaw ko. Pagkapasok ko sa loob, naghanap ako ng magandang p’westo. Ibinaba ko muna 'yung gamit ko sa isang table at saka ako um-order ng Choco Latte. My forever favorite... kahit bihira lang ako sa SB.

                Pagkakuha ko ng order ko, bumalik na ako sa table ko at saka ko nilabas ang mahiwagang laptop ni Lenard. Ang una kong ginagawa tuwing hinihiram ko ang laptop niya ay i-check ang browser history niya. No’ng unang beses ko kasing hiniram ito, kung anu-ano ang nakita ko. Buti na lang at walang tao sa paligid ko no’n. Pero, mukhang malinis naman ang history niya ngayon. Hindi niya siguro nakalimutang mag-delete.

                Connect-connect din sa wifi kapag may time. Wala pang ilang segundo ay mga internet access na ako. Aayain ko nga lagi dito sa Lenard para hindi ko na kailangan pang load-an ang pocket wifi namin. Syempre, una kong binuksan ang Facebook ko. Hindi na ako nagtaka kung bakit marami akong friend requests. Peymus kaya ako. JK. Bakit nga ba ang daming nag-add sa akin? Mga hindi ko naman kilala.

                Makapaghanap na nga lang ng trabaho kaysa Facebook ang atupagin ko. Hindi naman ako yayaman kaka-Facebook. Search dito, search doon. Anong site pa ba ang p’wede kong puntahan para makahanap ng matinong work?

                “Hey.” Bigla kong na-click ang close button nang may narinig akong nagsalita sa likod ko. Kaagad ko ring binaba ang screen ng laptop dahil sa sobrang pagkagulat. “Tirik na tirik ang araw, nanonood ka ng porn?” natatawang sabi pa niya kaya naman nilingon ko na siya.

                “Karl,” mahinang sabi ko. Kung may sakit lang ako sa puso baka napatay na ako nitong tao na 'to.

                “Wala ka ng klase?” tanong niya at saka siya umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. “Mag-isa ka lang?”

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon