Chapter 47: Haters Gonna Hate

206 8 0
                                    

Josef

                Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin kay Cheska ang totoo. Natatakot ako na baka hindi ko ma-handle ang magiging reaksyon niya. At saka, wala naman ako sa lugar para magsabi sa kanya. Si Kuya Froi na ang bahala. Na sa kanya naman ang desisyon kung ipapaalam pa ba niya kay Cheska. Pero, sa nakita ko kanina, isa si Cheska sa mga sinisisi ni Kuya Froi. Alam kong hindi niya dapat ibuhos kay Cheska ang galit niya, pero hindi naman kasi isang bagay lang 'yung nawala. Buhay, eh. Buhay na hindi na maibabalik pa kahit anong tumbling pa ang gawin namin.

                Nakakapang-hina pa rin talaga. Akala ko magiging okay na ang lahat. Puro, akala lang pala talaga. Punyetang maling akala na 'yan. Sinisisi ko na rin ang sarili ko dahil sa mga nangyari kay Ate Faye. Kung kinutuban na ako no’ng hindi pagsagot ni Cheska sa tawag at text ni Ate Faye, eh 'di sana hindi nangyari ang lahat ng ito. Sana naisip ko kaagad na pinaalam pala sa akin ni Ate Faye kung saan siya pupunta. Sana sinabihan ko na lang siya na 'wag nang umalis at mag-stay na lang sa tabi ng kapatid ko. Sana nare-rewind ang oras.

Sa sobrang gutom ko, iniya ko na si Cheska na kumain sa isang lugawan. Alam ko namang hindi na siya makakatanggi kung saan ko man siya gustong dalhin. Alam ko rin namang gutom na siya. Baka pareho na kaming mahimatay dahil sa gutom at walang tulog. Iniwan ko muna siya sa table namin para maka-order na ako ng makakain namin.

Pabalik na ako sa table namin nang mapansin kong may tinitingnan si Cheska. Napatingin na lang din ako sa grupo ng mga babae at mukhang hindi ko gusto ang mga tingin nila sa kasama ko. Nagsimula na rin silang magtawanan. Ang lakas naman ng loob nilang pag-usapan at pagtawanan si Cheska. Nagagawa nila iyon dahil alam nilang mahina si Cheska ngayon. Wala silang karapatang pag-chismisan si Cheska dahil hindi naman nila alam ang totoong nangyari.

Naglakad na ako pabalik sa table namin, pero do’n pa rin sa mga babae ako nakatingin. Sa paglapit kong iyon, parang naging pamilyar sa akin 'yung mga babae. Parang nakita ko na sila dati. Oo, halatang sa St. Claire din sila nag-aaral. Dahil sa pagtawa nila, naalala ko na kung sino sila. Sila 'yung nagkulong kay Cheska sa isang kwarto. Stalker ba sila ni Cheska at hanggang dito ay umaabot sila?

Hindi alam no’ng mga babae na kasama ko si Cheska kaya nakaisip ako ng paraan para maiba ang topic nilang magkakaibigan. Hindi ako sa table namin nagpunta, kung 'di sa table no’ng mga feeling chix na babae. Nagulat sila nang makita nila ako, pero kaagad ko naman silang nginitan kaya parang na-realize nila na wala akong binabalak na masama sa kanila.

“Hi, girls,” nakangiting bati ko sa kanila. Tama, sila nga 'yung mga babae. Buti na lang at malinaw ang memorya ko. “P’wede ba akong makiupo sa inyo?” tanong ko.

“Hindi mo ba kasama si Cheska?” tanong ni Girl One.

“Uh. No,” walang alin-langan kong sagot. Baka kasi paalisin nila ako o umalis sila kaagad kapag nalaman nilang kasama ko si Cheska. Good thing is ang alam nila ay hindi kami close ni Cheska. Close nga ba kami? Kung oo, kailan pa?

“Kawawa naman. Mag-isa lang pala siya,” naka-pout namang sabi ni Girl Two. Kung sa tingin niya, cute siya, p’wes, nakakasira siya ng Ozone Layer.

“Kumusta na si Millicent?” tanong ni Girl One. Kunwari pang nag-alala siya, pero obvious naman na wala siyang pakialam sa mga kaibigan ko. Pare-pareho silang plastic ng mga kaibigan niya.

“I can’t talk about it right now and let’s not talk about it,” sagot ko. Pinakita ko sa kanila na parang gusto ko lang magpakasaya. Pero ang totoo, ayaw ko lang magkwento sa kanila. Wala silang karapatan para marinig ang kwento ko.

Pinap’westo na nila ako sa gitna nila. Pakiramdam siguro nila ay dapat pantay-pantay sila sa atensyon ko. Hindi nila alam, kahit sa kanila ako nakatingin ay na kay Cheska pa rin ang atensyon ko. Alam ko namang nagtataka na siya ngayon kung bakit ako nandito. Alam kong naiinis na rin siya ngayon dahil iniisip niyang mas pinili ko pang samahan ang mga ito kaysa sa kanya.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon