Cheska
“Yes, babe. Give me a sec,” sabi ko kay Kaizer, over the phone.
Yes. It’s been two weeks since I left my house, friends, and brother. Wala silang idea kung nasaan ako dahil mas ginusto kong 'wag ipaalam sa kanila. Ano pa ang sense ng pag-alis ko kung alam din nila kung saan ako hahanapin. Good thing is hindi pa sinasabi ni Karl sa parents namin ang totoong nangyari dahil kung sinabi niya, baka nasa bahay na ako ngayon. Alam kong gagawin nila Daddy ang lahat para lang mahanap at maibalik ako sa bahay.
And it’s been a week since Kaizer and I decided to make it official. Kami na nga. Wala naman na kaming reason para pigilan ang nararamdaman namin. I like him, he likes me. Wala si Karl. Walang magbabawal sa aming dalawa. But it doesn’t mean na hindi na ako babalik. I’m still thinking kung babalik ako before School Fair. Kinukulit na kasi ako ni Topher. Hindi lang naman siya ang nagiging reason ng pagka-lowbat ng phone ko dahil pati ang mga kaibigan ko ay panay ang text at tawag sa akin. Ni isa do’n ay wala akong sinagot.
Sa isang hotel ako nag-i-stay ngayon. Kapag kasi sa condo ako nagpunta, malamang sa mahanap ako kaagad ni Karl. May ipon naman ako kaya alam kong kaya ko pa. Nami-miss ko na sila, pero kailangan kong magtiis. Ginagawa ko 'to hindi lang para sa akin, para rin sa kanila.
Pagbaba ko sa lobby ay ang nakangiting boyfriend ko ang sumalubong sa akin. Sinalubong niya ako ng yakap at halik sa pisngi. Siya ang madalas dumalaw sa akin dito. Siya lang din naman kasi ang nakakaalam kung nasaan ako. Buti nga at napakiusapan ko siya na 'wag sabihin kila Karl kung nasaan ako.
“I missed you,” bulong niya sa akin.
“Missed me? Parang kagabi lang tayo magkasama, ha.” Yes. Sweet na siya noon, lalo pa siyang naging sweet ngayon. Words can’t explain how happy I am at gusto kong maging masaya rin ang mga kaibigan ko para sa akin.
“Come on. May practice pa ako mamaya. I don’t want to be late. Your brother might suspect.”
Sumakay na kami sa kotse niya at saka siya nag-drive papunta sa isang malapit na restaurant. Ganito lang naman kami lagi. Kumakain sa labas. Nanood ng sine. Mga tipikal na gawain ng mga couple. Nag-iingat pa rin kami dahil kung nasaan ay hindi kalayuan sa St. Claire. Natatakot ako na baka may makakita sa amin at sabihin kay Karl.
Bumaba na ako ng kotse at sumunod naman siya. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay niya sa akin. Gustong-gusto niyang inaakbayan ako dahil iyon daw ang way niya para sabihin sa ibang lalaki na taken na ako at 'wag na silang magtangkang tingnan pa ako. Hindi ko masasabing romantic siyang lalaki, pero alam kong nasa kanya ang qualities ng isang ideal boyfriend.
I’m one of the lucky girls who date their ultimate crush. I’ve known Kaizer since highschool. Malakas ang dating niya sa mga babae at hindi na ako nagtaka kung isa ako sa kanila. Heartthrob? Yes. Second to my brother and his friends. No’n palang ay hindi na close si Karl at Kaizer and I don’t know why. Magka-team na rin sila sa basketball noon palang kaya nga nagtataka ako kung bakit never nagustuhan ni Karl si Kaizer.
“Want do you want to eat?” tanong niya habang tinitingnan niya ang menu.
“No carbs, please,” nakangiting sagot ko. Must take care of my body. Puro kain na kasi ang ginagawa ko kapag kasama ko si Millicent. God. I miss her. So much.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...