Chapter 64: They Love You

173 7 0
                                    

Josef

                Muntik na talagang lumabas ang puso ko dahil sa pagkagulat kila Karl. Hindi ko talaga lubos maisip kung paano nila nalaman ang tungkol sa amin ni Cheska. Paano nila nalaman ang feelings namin sa isa’t isa, eh parang nito nga lang namin na-realize. Ibang klase talaga. Sinabi nila Tita Leigh na napansin na raw nila iyon no’ng unang beses palang nila akong nakilala. Saka, parang iba raw ang dating kapag nag-aasaran kaming dalawa ni Cheska. Parang hindi raw iyon asaran ng dalawang taong gustong inisin ang isa’t isa. Si Karl naman, matagal na raw niya iyon napansin dahil hindi niya raw inakalang didibdibin ko ang pagiging keeper ni Cheska. What he meant is parang hindi raw ako nagtrabaho sa kanya dahil sa pera.

                Hindi naman nila ako pinaupo sa hot-seat. Nagtanong lang sila kung kailan ako umamin kay Cheska at kung kailan umamin si Cheska sa akin. Syempre, sinabi na namin ang totoo. Ito namang si Karl, alam naman pala ang nangyari sa St. Claire, hindi man lang nagsasalita. Mas gusto raw niya kasi na sa amin talaga manggaling. Alam niyang alam na rin ni Kuya Froi, kaya nagtaka nga siya kung bakit walang binanggit sa kanya ang kapatid ko. Siguro ayaw lang din ni Kuya Froi na sa kanya manggaling ang magandang balita. Maganda nga ba? Joke.

                Tinanong ako ni Tito Shawn kung paano ko raw niligawan si Cheska. Nagsabi naman ako ng totoo. Sabi ko, si Cheska ang nanligaw at naniwala naman sila. Syempre, mga labing-limang hampas ang natanggap ko muna sa anak nila. Sinabi ko sa kanila na hindi ako nanliligaw. Naintindihan naman nila ang nais kong iparating dahil wala naman daw sa itsura ko ang naghahabol sa babae. Ako raw kasi ang hinahabol.

Tinanong din nila ako kung ano ang nagustuhan ko kay Cheska. Sabi ko, hindi ko alam. Hindi ko naman kasi talaga alam. Basta, nalang tumibok itong puso ko sa kanya. Naks. Cheesy much. Alam naman kasi ng lahat kung gaano ko ka-hate si Cheska noon. Nakakabwisit naman kasi talaga ang pagiging maldita niya. Alam naman nila Tito Shawn ang bagay na iyon. Kaya nga nagtaka sila kung paano ko nagustuhan ang anak nila. Kung magsalita sila ay parang imposibleng may magkaroon ng gusto sa anak nila. Sinabi ko na lang na hindi ko naman talaga hate na hate si Cheska. Siguro naiinis lang ako kasi kahit gano’n ang pag-uugali niya ay hindi ko pa rin siya matiis. Siya kasi 'yung tipo ng tao na mahihirapan kang hindi-an.

Nauwi lang din naman sa love advices ang pag-uusap namin. Kesyo, alam naman daw namin ang limitations namin. Kesyo, alam na raw namin ang tama at mali. Hindi nila alam, lumagpas na kami sa limitations at puro mali na ang ginawa namin. Panay oo na lang kaming dalawa ni Cheska. Ayaw naman naming ma-disappoint sa aming dalawa ang parents niya. Lalo na kay Karl. Baka kung saan ako pulutin kapag nalaman niya ang tungkol sa pinaggagagawa namin ng kapatid niya. Kung makapagsalita naman ako ay parang matindi na talaga ang nagawa namin ni Cheska. Hindi pa naman. Papunta palang do’n. Joke.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin ako. Sinabi kong kailangan ko nang umuwi dahil may inuutos pa sa akin ang kapatid ko. Gustuhin ko mang mag-stay nang matagal para makapag-bonding pa kami, hindi ko na magagawa. Marami pa naman akong natitirang time para mas makilala pa ang pamilya ni Cheska. Matagal pa naman daw bago lumipag ulit palabas ng bansa sila Tita Leigh.

“Thank you for today.” Nilapitan ako ni Cheska para yakapin. “Malaking bagay sa akin ang pakikipag-usap mo sa family ko,” sabi niya.

“Wala naman akong ibang choice, eh,” biro ko. Alam ko naman kasing pangseryosohang relasyon na ito. Kahit sobrang kinabahan ako, kinaya ko naman.

“They love you,” bulong niya.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. “I know. Mas mahal nga nila ako kaysa sayo, eh.” Sabay hampas niya sa likod ko. “Napakasadista mo. Akala mo ba hindi ako gumaganti sa babae?”

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon