Chapter 33: I'm Melting

168 8 0
                                    

Josef

                “Ano?!” gulat na tanong ko sa kapatid ko dahil parang ayaw mag-sink-in sa utak ko no’ng sinabi niya. Hindi masyadong narinig ang pag-uusap  nila ni Pris An kaya nagtanong pa ako kung ano ba 'yun.

                Gusto raw ng organizer nitong event na rumampa si Kuya Froi sa fashion runway. Hindi naman sa ayaw ni Kuya, hindi lang siya prepared kaya kung anu-anong pagtanggi na ang ginawa niya. Sinubukan pa niyang gamitin si Ate Faye,. Kesyo baka magselos daw si Ate Faye kapag marami ang tumili kay Kuya. Eh, sanay naman na ang girlfriend niya sa gano’ng bagay. Hindi ko na lang talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ni Kuya at nasabi niyang ako na lang ang rarampa.

                Syempre, nagulat ako. Wala naman talaga akong hilig sa modeling. Joke lang naman 'yung mga sinasabi ko no’n, na naiinggit ako sa kapatid ko. Makapal ang mukha ko, pero may pagkamahiyain pa rin ako sa harap ng maraming tao, lalo na kung hindi ko naman mga kakilala. Siguro kung nasa St. Claire kami baka mag-volunteer pa ako, pero nasa AE-U kami, eh. Baka mamaya pagtawanan lang ako ng mga estudyante. Ayaw ko namang umuwing luhaan.

                “Ikaw na lang kasi,” pilit ko kay Kuya. Iniwan muna kami ni Pris An para makapag-usap kami ng kapatid ko. Buti nga at hindi siya nag-stay dahil ayaw ko namang makita niya kung paano ako makipagtalo sa kapatid ko.

                “Pagod ako, Josef. Puyat ako dahil nag-overtime ako sa Underrated kagabi. Hindi kaya ng katawan ko. Saka, hindi ako prepared. Baka mapagalitan ako ni Sir Ben,” sagot niya. Alam ko namang madaling-araw na siyang umuwi kaya naiintindihan ko ang sinabi niya. Wala nga naman si Sir Ben dito kaya baka magkaroon pa ng issue. Hindi kasi p’wedeng rumampa na lang basta-basta si Kuya. Kailangang present ang handler niya.

                “Pagod din ako.”

                “At paano ka napagod?”

                “Napagod ako kakasukat ng damit kanina.” Valid ba 'yun? Pero, totoo, nahilo nga ako kakapalit ng damit kanina sa mall, eh.

                “Josef naman.” 'Yung boses niya ay parang gusto na niyang magmakaawa sa akin. “Kailangan ko pa bang magpa-cute?”

                “Oh, no. Please, don’t.” Ako na ang nagmakaawa ngayon. Baka kapag nagpa-cute siya ay hindi ako ma-cute-an sa kanya, baka ma-bad trip lang ako. “Can I think about it?” tanong ko dahil hindi ako makakapag-decide kaagad kung nanganganib ang buhay ko.

                “You have ten minutes,” sagot niya.

                “Ten minutes? Are you serious?” Dahil kailangan ko ng mga ilang oras para makapag-isip nang maayos. Hindi ako magpapakita sa madla nang basta-basta. “I need hours,” sabi ko pa.

                “Josef, all you have to do is walk. Walk like you’re impressing someone.”

                Impressing someone. Damn. Sinasabi ba niyang maglakad lang ako ng normal? Sabi kasi sa akin ni Lenard, malakas daw ang dating ko kapag naglalakad ako. Kaya nga nabadingan na naman ako sa kanya, eh. Pero, 'di lang naman daw siya ang nagsabi no’n, pati raw ang iba naming kaklase ay napansin ang paglalakad ko. Ang gwapo ko raw maglakad, sana nga raw naging paa na lang ako. Joke. Ang gwapo ko namang paa. Joke lang ulit.

                “Anong klase pamimilit ba ang kailangan kong gawin?” tanong ni Kuya.

                “Hindi mo naman ako kailangang kulitin. Gusto ko lang mag-isip. Nakakahiya kasi 'yung pinapagawa niyo. Hindi naman kasi ako model, katulad mo.” Sige, baka maiyak pa ako dito. Totoo naman kasi, eh. Sa fashion runway nga yata ipinanganak ang kapatid ko dahil minamani-mani lang niya ang paglakad sa harap ng maraming tao.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon