Chapter 10: Unlucky Guy

208 16 1
                                    

Cheska

                Nakakainis! Nakakainis! Ang sarap mag-tumbling sabay split. Paano na lang kung may nakakita sa akin na kasama ko si Josef? Kahit na driver ko lang siya o keeper, iba pa rin sa mata ng ibang tao 'yun. Makakapalag pa sana ako kay Karl kung siya lang ang nag-decide no’n, pero pati sila Mommy pala. Tsk. Bakit gano’n sila? Wala ba silang tiwala sa akin? Nakaraos na nga ako ng dalawang taon sa college, ngayon pa sila maghihigpit? Bakit? Dahil na naman kay Kaizer?

                Hindi ako nagbibiro sa sinabi kong magse-set ako ng rules. Baka kung ibang tao pa 'yan, hayaan ko lang. Pero, si Josef? Uh. A big no for him. Unang beses palang niya akong pinag-drive kanina, pero nainis na kaagad niya ako. Bakit kasi ang hilig niyang mambara? Bading ba siya? Dinaig niya pa si Vice Ganda. Malaman ko lang kung magkano ang offer sa kanya ni Karl, handa akong doblehin. Kahit maghirap pa ako. 'Wag lang talaga akong matali kay Josef. I mean, 'wag ko lang siya laging makasama dahil lagi lang iinit ang ulo ko.

                Hindi lang nakakainis, eh. Nakakahiya pa. Iniwan ko na nga 'yung binigay niya kanina, pinadala pa niya. Ang galing lang umeksena no’ng inutusan niya. Sinakto pang pagkarating ng prof namin. Kapag ako na-issue, gagawan ko rin siya ng issue. Tama ba kasing magpadala ng flowers at chocolate? Sana ba kung kinilig ako, eh. Lalo lang akong nainis sa kanya. May note pa siyang nalalaman.

                Cheska,

                Ang ganda mo sana. Kung hindi ka lang naging pangit. Naubos allowance ko dahil dito. Ibenta mo kay Ate Faye. Balik mo sa akin 'yung pagbebentahan. Thanks! <3

                Josef

               

                Mabait pa nga ako dahil hindi ko siya tuluyang minura sa text. Ang lakas ng loob niyang sabihin na ibenta ko kay Millicent 'yung bigay niya. Ginawa pa niya akong tindera. Saka, hindi ko naman sinabi na ayaw kong tanggapin 'yung bigay niya. Ayaw ko lang dalhin dahil baka kung ano ang isipin ng iba. Hindi ba niya naisip 'yon? Ang sakit mo sa bangs, Josef!

                Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa mga kaklase ko dahil sa ginawa ni Josef. Si Millicent, alam ko namang patago niya akong pinagtatawanan. Hindi ko naman maipakita sa kanya 'yung note dahil baka mas lalo pa siyang maintriga. Hindi yata p’wedeng malaman ni Froi na nagtatrabaho si Josef kay Karl kaya hindi ko muna ipapaalam sa best friend ko ang sitwasyon ko ngayon.

                Nakayuko lang ako habang nagpipigil na tawagan si Josef para murahin. Dinampot ko na lang ang phone ko nang may nag-text.

                Josef Maloko: Arte mo.

                Ako? Ayos 'to, ha. Alam kong maarte ako. 'Wag na niyang sabihin at ulitin pa sa akin. Kung wala lang akong klase ngayon, baka bumaba na ako para sikmuraan siya.

                Me: Don’t you dare!

                Josef Maloko: Nakatingin sayo prof mo.

                Bigla naman akong napatingin sa harap dahil kinabahan ako na baka mahuli akong nagte-text sa klase. Uso pa naman ang kuhanan ng phone. Tsk. Pero, gago si Josef, hindi naman pala nakatingin sa akin. Oo nga pala. Paano naman niya malalaman kung nakatingin sa akin, eh wala naman siya dito. Bigla akong napatingin sa paligid. Nakahinga ako ng malalim nang wala akong nakitang Josef.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon