Chapter 42: Figured It Out

121 8 1
                                    

Josef

                “Si Ate Faye?” tanong ko pa kahit na narinig ko naman siya nang maayos. “No’ng umalis ako kaninang umaga ay nasa bahay pa siya.” Kaninang umaga pa talaga 'yon. Anong oras na ngayon? Gabi na.

                “I know. We’ve eaten lunch together. After no’n, nagpaalam na siya na uuwi muna siya. Nagpunta ako sa kanila pagkatapos kong maligo dahil balak ko nga siyang ayaing magpunta dito. Pero, si Ian lang ang naabutan ko at sinabi niyang umalis din kaagad ang kapatid niya,” paliwanag ni Kuya. “Hindi ko siya makita sa buong campus. I’ve been looking for hours. Cannot be reached ang phone niya.”

                Pati ako ay nagpa-panic na. Hindi ako sanay na makitang nagkakaganito ang kapatid ko. Halata naman sa itsura niyang alalang-alala na siya sa girlfriend niya. Wait. Bago nag-hysterical itong kapatid ko, naisip pa niyang alamin kung magkasama ni Ate Faye si Cheska? Nabanggit sa akin ni Ate Faye na may lakad sila, pero gabi pa yata iyon. Hindi kaya napaaga ang pagkikita nilang dalawa?

                “How about Cheska?” tanong ko. “Nabanggit niya sa akin kaninang umaga na magkikita sila, pero hindi ako sure kung anong oras.”

                “Panay ring lang ang phone ni Cheska. Hindi niya sinasagot ang tawag ko,” sagot niya.

                “But that doesn’t mean na hindi sila magkasama.” Nilapitan ko siya at saka tinapik sa balikat. “Bro, relax. Malamang sa magkasama na silang dalawa.”

                “I can’t relax. Kinakabahan talaga ako at ngayon lang ako kinabahan ng ganito.”

                “Para mabawasan 'yang kaba mo, puntahan natin si Cheska sa bahay nila. Kung wala siya sa bahay, tanong natin kay Karl. Okay?”

                “Okay,” mahinang sagot niya. Napansin kong napatingin siya sa taong nasa likod ko. “You’re here,” sabi niya kay Pris An.

                “I was having a dinner with your brother,” sagot ni Pris An. “I hope you get in touch with Millicent as soon as possible. Nag-aalala na rin ako.”

                “Sorry. Na-witnessed mo pa ang pagpa-panic ko. Sorry kung naabala ko kayo ng kapatid ko.”

                “No. No. It’s alright,” nakangiting sabi ni Pris An.

                Pinaupo ko muna si Kuya para mapakalma. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng kabog sa dibdib 'yung naramdaman ko kanina. Akala ko ay may nalaman na si Kuya na hindi niya dapat malaman. Akala ko ay ilalayo niya ako kay Pris An. Lintik. Nami-miss lang pala niya ang girlfriend niya. Grabe talaga itong kapatid ko. Matindi ang naidulot ng pag-ibig sa kanya.

                “Pris An, okay lang ba kung ipahatid na lang kita kay Lenard pauwi?” tanong ko sa kanya. Nahihiya ako dahil unang-una, ako ang nag-aya sa kanya dito. Wala naman kasi akong magagawa, kung 'di unahin ang kapatid ko. Alam ko namang maiintindihan niya ako.

                “Sure,” sagot niya.

                Kinuha ko na ang phone ko at saka ko tinawagan si Lenard. Narinig ko pa ang pagkilig niya nang sabihin ko kung bakit ko siya pinapunta sa cafeteria. Alam naman niya ang mangyayari sa kanya kapag nag-isip siya nang masama tungkol kay Pris An. Baka gusto niyang makipagpalit ng mukha sa aso nilang Bulldog. Walang anu-ano ay dumating na si Lenard. Nagpaalam na ako nang maayos kay Pris An. Binilinan ko naman si Lenard na kailangan niya akong tawagan the moment na makatuntong sa loob ng bahay nila si Pris An. Hindi ko siya pinaalis hangga’t hindi siya ngangako sa akin.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon