Cheska
Ang aga kong gumising at nag-ayos ng sarili dahil biglang tumawag si Kaizer para sabihing pupunta siya dito sa bahay. Buti na lang din talaga at wala si Karl. Nagpunta kasi siya sa St. Claire dahil last day na ng School Fair at ibig-sabihin lang no’n ay kailangan na niyang maghanap ng lalandiin. Mag-iikot-ikot lang naman siya sa campus para magpa-cute sa mga babaeng outsider.
Inabot na ako ng antok kagabi kakaayos ng gamit ko. Hindi ko naman kasi inakalang mae-enjoy ko ang ginawa ko kay Josef. Hindi ko naman kasi alam na papayag siya. Nawala nga kaagad 'yung nararamdaman ko no’ng naisip kong gawing babae si Josef. Kahit papaano, nakalimutan ko 'yung nangyari. Hindi ko naman ginawa kay Josef 'yon para pagtawanan siya. Gusto ko lang talagang malibang at medyo makalimot. Masyado kasing marami ang nangyari kahapon.
Pasalamat na lang talaga ako at hindi sinabi ni Josef sa kapatid ko ang nangyari. Sinabi ko naman na kay Josef kung ano ang reason kung bakit hindi p’wedeng malaman ni Karl. Lalo lang akong mapag-iinitan kapag nalaman pa ng iba. Baka isipin nilang nagsumbong ako kay Karl. Hindi ko naman gawain iyon. Lagi ko ngang iniiwasan na ma-involve ang kapatid ko sa mga bagay na nangyayari sa akin.
Dati pa man ay overprotective na si Karl. Pre-school palang ay madalas na niyang awayin ang mga kaklase kong palihim na binu-bully ako. Kahit ang mga lalaking kaklase ko na lumalapit sa akin ay pinapatulan niya. Isang taon lang ang tanda sa akin ni Karl kaya bantay-sarado niya ako sa school. Kung dati, natutuwa ako sa pagiging overprotective niya, ngayon hindi na. Parang ang OA na kasi. Hindi ko na lang siguro siya masisisi dahil iyon na ang nakasanayan niya. Iyon din naman kasi ang tinuro ni Daddy sa kanya.
Paakyat na sana ako ulit para i-check ang phone ko sa kwarto ko nang biglang may kumatok sa pinto. Nae-excite na naglakad ako palapit sa pinto. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko iyon binuksan. Nawala ang ngiti ko nang magkasalubong na kilay ni Kaizer ang sumalubong sa akin. Walang anu-ano ay pumasok sa siya loob at saka ako hinarap. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin nito.
“What were you doing, Cheska?” Sa tono palang ng pananalita niya ay alam ko nang galit siya. “Isang araw lang ako nawala.”
“What are you saying?” Kasi wala talaga akong idea kung ano ang pinaglalaban niya sa mga oras na ito. Wala naman akong maalala na may ginawa akong masama, bagay na ikagagalit niya.
“Oh, please. Don’t act innocent. Nakita ko 'yung mga pictures niyo,” sabi niya.
Napaisip ako. “Pictures? Namin?” nagtatakang tanong ko. Biglang pumasok sa isip ko si Josef. “I didn’t do anything wrong.” Dahil iyon naman talaga ang totoo.
“That’s bullshit, Ches! Ano ba ang pumasok sa isip mo at naisipan mong maglakad sa kalsada at kasama mo pa si Josef? Take note, topless ang kasama mo. Topless.”
“Will you please listen to my explanation first? Walang patutunguhan ang pag-uusap na 'to kung uunahan mo lang ng galit,” iritadong sagot ko sa kanya. Naiinis ako dahil alam ko namang wala akong ginagawang masama, pero heto siya, parang gusto na niya akong kainin ng buo dahil sa mga picture na nakita mo.
Hinintay ko muna siyang kumalma at saka ko siya pinaupo sa sofa. Sinabi ko sa kanya ang lahat, pero hindi ang nangyari no’ng gabi. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang tungkol do’n. Gustuhin ko mang ipaalam sa kanya, nagdadalawang-isip pa rin ako dahil hindi ko rin alam ang p’wede niyang gawin. Hindi ko p’wedeng sabihin sa kanya na may mga babaeng nagsabi sa akin na nasa kwartong iyon si Kaizer. Pagkapasok ko do’n ay saka nila ako ni-lock sa loob. Takot na takot ako no’ng mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...