Chapter 61: Seems So Right

149 8 0
                                    

Cheska

                “You’re so mean!” bulyaw ko sa kanya nang maibaba na niya ako. “Ang sama-sama nito.” Sabay hampas ko sa balikat niya. Nakakainis. Sabihan daw ba akong feeler. Hindi naman, ha.

                “Do’n nga kayo maglambingan. Hindi ako makatapos, eh,” sabi ni Froi.

                Nagulat naman ako sa sinabi niya. Lambingan? Ano naman kaya ang pumasok sa isip niya at tingin niya ay naglalambingan kami. Teka. Hindi kaya sinabi na ni Josef sa Kuya niya? OMG. Ano na ang gagawin ko? Baka alam na rin ni Karl. Napakadaldal talaga nitong si Josef. Hindi man lang sinarili muna 'yung tungkol sa amin. 'Yung tungkol talaga sa amin 'yung term ko?

                “Don’t worry. Walang nagsabi sa akin. Nagkataon lang na nasa St. Claire pa ako no’ng nag-confess ang magaling kong kapatid. And if you don’t want to talk about it, that’s fine with me. Just take it slow, okay?” paliwanag ni Froi. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa ganitong sitwasyon. Hindi ako prepared. To think na si Froi ang nag-invite sa akin dito. Ano ba ang pinaplano niya? Nakakatakot, ha.

                “Take slow... of what?” Napatingin kaming lahat sa likod nang makarinig kami ng isang boses. “Oh, bakit parang nakakita kayo ng multo?” tanong ni Karl.

                Shit. Wrong timing naman talaga. 'Wag lang sabihin ni Froi na pinapunta rin niya ang kapatid ko. Gusto ba niyang magkaroon ng World War III? So, may balak siyang ipaalam sa kapatid ko? Agad-agad? Hindi ba p’wedeng ako na lang ang magsabi kapag ready na ako? Kapag sure na ako?

                “'Yung pagkain. Minamadali kasi ni Kuya ang pagluluto, eh,” palusot ni Josef. Buti naman at gumana nang mabilis ang utak niya ngayon.

                “Oh? Sakto pala. Nagugutom na ako. Bilisan mo sa pagluluto, Froi,” nakangiting sabi ng kapatid ko kay Froi na biglang naging abala sa pagluluto. Ang galing talaga. Magkapatid talaga silang dalawa ni Josef. Hindi na talaga ako magtataka.

                “What are you doing here?” tanong ko kay Karl.

                “Wow. You’re talking as if I’m not welcome here,” sagot niya. “We need to talk.” Biglang sumeryoso ang mukha niya kaya bigla akong kinabahan. 'Di kaya alam na niya?

                Naglakad na siya papunta sa salas kaya wala na rin akong nagawa, kung 'di ang sundan siya. Bago pa man din ako makahakbang ay naramdaman ko na kaagad ang paghawak ni Josef sa braso ko. Binigyan niya ako ng tingin na parang gusto niyang tanungin kung okay lang ako. Now, he really cares. Tumango na lang ako dahil hindi rin naman ako sigurado kung tungkol saan ang sasabihin ng kapatid ko.

                Kinausap lang ako ni Karl tungkol sa pina-set kong appointment. Pumayag naman ang lawyer ni Kaizer at lawyer ni Millicent. Alam naman kasi nilang somehow involve ako sa nangyari. Hindi maiwasang hindi mag-alala ni Karl dahil kikitain ko si Kaizer nang hindi nalalaman ng parents namin. Sinabi ko naman sa kanya na wala siyang dapat ipag-alala. Hindi ko naman sa labas kikitain si Kaizer kaya alam kong safe ko. Binanggit ko rin sa kanya na si Josef ang makakasama ko. Iyon ang naging reason para mabawasan ang pag-aalala niya. Inisip niya sigurong safe ako kapag si Josef ang kasama ko.

                Hindi ko muna sasabihin kay Josef ang tungkol sa lakad namin bukas dahil baka hindi lang siya tumanggi, baka pigilan niya rin ako. Sasabihin ko sa kanya kapag paalis na talaga kami at 'yung parang wala na siyang magagawa. Siya lang din naman ang gusto kong makasama bukas dahil tulad ni Karl, mas kampante ako kapag si Josef ang kasama ko. Nasanay na ako na siya ang laging kasama. Nasanay na ako na siya ang laging nand’yan kapag may kailangan ako at siya rin ang nand’yan tuwing kailangan ko ng makakausap o masasandalan. No wonder my feelings grow.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon