Josef
Buti na lang at hindi nagpasundo ngayon si Cheska. Kay Kaizer daw kasi siya sasabay pagpasok. Syempre, pinaalam ko kay Karl ang tungkol do’n. Wala na kami kasi kaming pinag-usapan na kailangan kong pilitin si Cheska na sa akin magpahatid. Basta, ang alam ko, kailangan ko lang i-report ang mga ginagawa o gagawin ni Cheska sa kapatid niya. Alam ko naman ang schedule ni Cheska at inalam ko na rin 'yung kay Kaizer. Malayong-malayo ang schedule nila sa isa’t isa kaya alam ko kung anong araw lang sila magkakasabay.
Last day na ng School Fair bukas. Kailangan kong maglibot sa buong St. Claire dahil maraming outsiders ang pumupunta. At saka hindi ko pa napi-feel ang event dahil naging busy ako sa game at sa birthday ni Kuya Froi. For now, I have to celebrate. Hindi ko kasama si Cheska ngayon at may sariling kotse na ako. Ililibre ko talaga ng kape si Lenard. Speaking of Lenard, bakit kaya ang tagal niyang lumabas ng building namin? Maaga ko siyang pinapasok dahil susurpresahin ko nga siya. Sinabi niya sa akin na aakyat lang siya sandali, pero 'yung sandali niya ang inabot na ng kalahating oras.
Bababa na sana ako ng kotse nang makita ko ang anino ni Lenard. Bigla tuloy akong sinaniban ng demonyo. Hinintay kong makalabas ng building si Lenard bago ko pinaandar ng mabilis ang kotse ko. Huminto lang ako nang malaman kong kaunti na lang ay masasagasaan ko na siya. Kitang-kita ko kung paano namutla si Lenard dahil sa takot. Natatawang bumaba na ako ng kotse para pagtawanan pa siya lalo.
“Josef?!” sigaw niya sa akin.
“You should’ve seen your reaction.” Tuloy pa rin ako sa pagtawa. Nakakatawa naman kasi talaga kahit na alam kong hindi magandang biro ang ginawa ko. “Sorry. Sorry. Hindi ko pa kasi masyadong gamay itong kotse ko,” palusot ko.
“Kotse mo?” Mas lalo pa siyang nagulat dahil sa sinabi ko. “'Di nga?” Akmang lalapitan niya ang kotse ko, pero hinarangan ko siya.
“Hindi ka naman gaganti, 'di ba?” paninigurado ko. Alam ko namang hindi lang ako ang maloko dito. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya no’ng narinig niyang sa akin 'yong kotse.
“Hindi. Hindi ngayon.” Tinulak niya ako para malapitan ang kotse ko. “God, a Focus RS. She’s so gorgeous. Saang parking lot mo naman ito kinuha?” pang-aasar niya.
“Gago. Regalo 'yan sa akin.”
“Ng Daddy mo?”
“Sino pa ba?” Sino pa ba ang p’wedeng magbigay sa akin ng kotse? Hindi naman gano’n kalaki ang kinikita ni Kuya Froi sa pagmo-modeling at bartending niya para makabili kami ng kotse.
“Akala ko may sugar-mommy ka na, eh. I bet your brother has too.”
“Yes. A Mustang.”
“Hmm. Smells like fav—”
“Don’t you dare,” saway ko sa kanya bago pa niya matapos ang sasabihin niya.
Ayaw ko nang patagalin pa ang pag-uusap namin tungkol sa sasakyan ko kaya pinasakay ko na siya kaagad dahil ililibre ko nga siya ng kape. Wala pa akong pera kaya mumurahing kape muna ang bibilhin ko para sa napakabait kong kaibigan. Kapag binigay na ni Karl ang sweldo ko, saka ko siya ililibre sa Starbucks.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...