Josef
“I went to Lenard’s.” Napatingin ako kay Ate Faye. “And played Xbox,” sagot ko.
“Oh. 'Cause I got a call from him asking for you.”
Shit. Shit. Shit. I need to think. Think, Josef. Hindi manlang ba ako tutulungan nila Ate Faye? Halata rin naman kasi sa itsura nila na kinakabahan sila. Ano na nga ba ang sasabihin ko? Wala naman na akong ibang kaibigan, bukod kay Lenard. Hindi naman siya maniniwala kung nag-stay ako sa labas para gumawa ng project. Alam niyang hindi ako gano’n kabait.
“Ah, that’s when he thought I’d ditch him. Na-late kasi ako sa pagpunta sa bahay nila,” palusot ko pa. Push ko 'to. Baka bumenta sa kapatid kong matalino.
“Nasaan ka bago ka nagpunta kila Lenard?” tanong pa niya.
Can’t he just drop it? Kalalaki kong tao, daig ko pa ang babaeng tinatanong ng tatay niya kung saan nanggaling kagabi. Saan nga ba ako p’wedeng magpunta nang hindi siya nag-iisip ng masama? Ni hindi ko nga alam kung anong oras siya umuwi. Baka kapag may sinagot ako sa kanya, sumablay pa.
“P’wede bang tanggalin mo muna 'yan facemask mo? I’m talking to you.” May inis na sa tono ng pananalita ni Kuya Froi. “Stop being childish, Josef.”
“I’m not.” Kapag tinanggal ko 'tong facemask, katapusan na naming tatlo nila Ate Faye. I got bruises in my lips and cheeks. It’s too obvious that I got into a fight.
“He can’t take that off, Froi. Baka mahawa pa ako sa kung anong sakit ang mayro’n siya ngayon.” Sa wakas, nagsalita na rin si Cheska. “Keep it on, Josef,” nakangiting sabi niya sa akin, pero alam ko namang pina-plastic niya lang ako.
Dahil ayaw ko nang matanong pa ni Kuya Froi, tumayo na ako kaagad kahit hindi pa ako nakakakain. Mamaya na lang ako babawi sa lunch at kapag wala na si Kuya. Hindi nga kasi niya p’wedeng makita ang mukha ko. Manghihiram muna ako ng concealer sa mga babaeng 'to para naman matulungan nila ako.
At dahil kumakain pa naman sila, magkakamot muna ako ng mukha dahil ang kati talaga. Tinanggal ko muna at facemask at saka ko hinipo ang mga pasa. Masakit pa rin. P’wedeng magmura? Tangina. Kapag nakita ko ulit 'yung mga gumawa nito, manghihiram talaga sila ng mukha sa aso. Promise 'yan.
Sasandal palang sana ako sa sofa nang marinig ko na ang tawanan nila Kuya kaya naman madali kong pineke ang ubo ko at saka ako tumayo para lumabas ng bahay. 'Yung ubo ko, parang kaunti na lang, matatanggal na lalamunan ko. Hindi ko nga alam kung naniniwala pa ba si Kuya na may ubo ako, eh.
Kakalakad ko, napunta ako sa likod-bahay. Bago pa man din ako makahanap ng p’westo ay nakatanggap na ako ng isang batok sa hindi ko malamang elemento sa paligid. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Cheska. Mukhang galit na galit siya sa akin. Ano na naman ba ang problema nito? Hindi na naman siya matae. Dinamay na naman niya ako. Juice ko naman talaga.
Hindi pa ako nakakapagsalita ay sinimulan na niya akong palu-paluin. “Woah. Woah. Woah!” At nahuli ko ang dalawang kamay niya. “Ano ba ang problema mo?” inis na tanong ko sa kanya.
“Ikaw ang problema ko!” sigaw niya at nilapitan na naman niya ako para saktan. “Fuck you, Josef!”
“Oh, well, come on. Fuck me,” natatawang sagot ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang pinaglalaban nitong babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...