Josef
Nakakadismaya. Pinaasa ako ni Ate Faye. Grabeng pagmamadali ang ginawa ko no’n sinabi niya sa aking may lakad kami ngayong gabi. Akala ko pa naman kiktiain namin si Pris An, hindi pala. Mamamatay talaga ako sa maling akala, eh. Kung alam ko lang na ngayon sila lalabas ni Cheska, sana sinabi ko na lang na pagod ako at gusto kong magpahinga na lang sa bahay.
Hindi nga kasi pumasok si Cheska kanina kaya naisipan niyang ayain na lang lumabas si Ate Faye. Hindi ko alam kung tuloy pa ba 'yung ‘Boy Hunting’ nila kaya sumama na rin ako. Alam kong kailangan nila ng kasamang lalaki para sa safety nila. Ayaw ko namang makunsensya kapag may nangyaring hindi maganda sa kanila. Baka mapatay pa ako ni Kuya Froi at ni Karl. Hindi pa nga ako handang mamatay. Alam ni Lord 'yun.
Isa pa sa mga reason kung bakit pumayag akong sumama sa kanila ay dahil maida-drive ko na naman ang pinakamamahal kong kotse ni Kuya Ian. Buti na lang at pumayag na siya na i-drive ko 'yung paminsan-minsan. Close na nga kami ngayon, eh. Ang cool talaga ng Kuya ni Ate Faye. Kapag yumaman talaga ako, ililibre ko siya ng kape. Joke.
Nailabas ko na ng bahay nila Ate Faye ang kotse ni Kuya Ian, pero hindi pa rin siya lumalabas. Dadaanan pa namin si Cheska sa kanila dahil hindi siya p’wedeng magdala ng kotse. Malamang sa kuwestiyonin ni Karl ang pag-alis niya ngayong gabi kapag nagdala siya ng kotse. Ang hirap talaga kapag overprotective ang kapatid. Buti na lang lalaki ako dahil baka gano’n din ka-protective si Kuya Froi sa akin.
Hindi ko pa pala naitatanong kay Ate Faye kung alam ba ni Kuya Froi na aalis siya ngayon. Ayaw ko namang sirain ang gabi nilang magkaibigan kung hindi alam ni Kuya. Malamang kasi na sa akin magalit si Kuya kapag nalaman niya ang tungkol dito. Medyo marami-rami na rin ang mga bagay na sinisikreto ko sa kapatid ko. Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw, palayasin na niya ako.
Nagsuot lang ako ng pants at muscle tee dahil sa isang bar lang naman kami pupunta. Hindi na ako masyadong nagpa-gwapo dahil hindi naman ako maghahanap ng chiks. Priority ko ang safety no’ng dalawa, hindi itong kalandian ko. Marami pa akong time para sa mga babae na 'yan. Alam kong marami ang naghihintay sa akin.
Speaking of muscle tee... Makikita na naman ni Cheska ang biceps ko. Magwawala na naman ang inner-goddess niya. Oo, binasa ko ang Fifty Shades of Grey. Na-curious ako kung bakit gano’n na lang ang pagkahumaling ng mga babae kay Christian Grey kaya binasa ko. At ngayon, alam ko na kung bakit. Anyways, hindi ko naman talaga alam kung natutuwa si Cheska sa tuwing nakikita niya ang muscles ko, pero alam ko namang wala siyang reason para hindi titigan ang katawan ko. Alam kong malaki ang galit niya sa akin, pero walang babae ang aayaw sa katawang ganito. Okay, ang hangin. Muntik na akong tangayin. Hindi ako narcissistic, ha.
Nahinto lang ako sa pag-iisip nang pumasok na sa passenger seat si Ate Faye. “Let’s go,” nakangiting sabi niya sa akin.
Bigla akong napatingin sa damit niya. Ang sexy niya sa suot niyang shorts at t-shirt. Simple lang, pero dalang-dala niya ang sarili niya. Ang galing talaga ni Kuya. “Wait. Alam ba ni Kuya ang tungkol dito?” tanong ko dahil ayaw kong pumasok sa mapanganib na misyon.
“Alam niyang aalis kami ni Cheska, but I didn’t tell him the exact place. Don’t worry about him, okay?”
Dahil sinabi naman niyang 'wag ako mag-alala, sige, pipilitin kong 'wag mag-aalala. “Okay.” At nag-drive na ako.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...