Chapter 35: I Love Him

187 8 2
                                    

Cheska

                Nagkaayan kaming dumaan muna sa isang cafè para makapagkwentuhan manlang. Celebration yata ito para kay Josef. I’d say he did great earlier. I was impressed. Looked like he didn’t put so much effort in what he did. Whose brother he is anyways. Hindi na siguro nagtaka ang mga nanood kanina kung bakit gano’n ang dating ni Josef. Narinig naman siguro nila kung kanino siyang kapatid. Alam kong marami ang nagulat. Sino ba kasi ang mag-aakalang may kapatid pala si Froi. Kung ako ngang kaibigan, wala lang alam, paano pa kaya ang mga taong hindi naman konektado sa kanya.

                “Ches.” Napatingin ako kay Froi nang tawagin niya ako. “Where the hell is your brother?” tanong niya.

                Napahinga na lang ako nang malalim. “He’s MIA,” sagot ko. Ako pa talaga ang tinanong nila kung nasaan ang kapatid ko? Wish ko lang mag-report sa akin 'yon kung nasaan man siya.

                “Text him,” utos ni Millicent kay Froi at kaagad naman itong sumunod. Pag-ibig nga naman.

                Malapit nang maggabi, pero hindi pa rin nagpaparamdam si Kaizer. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Ayaw ko naman siyang kulitin dahil baka busy nga siya. Mamayang gabi na lang siguro ako magte-text sa kanya para malaman niyang nasa bahay na ako. Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi ko lang talaga alam kung paanong approach ba ang dapat kong gawin dahil hindi ko nga alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Girlfriend niya ako, yes, I get it. I have the rights to text and call, but I’m afraid he’d get annoyed.

                “He said he just dealt with something important,” sabi ni Froi habang binabasa ang reply ng kapatid ko.

                Important? Ano naman kaya iyon? Hindi naman siguro family matter iyon dahil baka batukan ko siya kapag hindi na naman niya ako sinali sa importanteng bagay na iyon. Alam kong bata pa ako sa mata ng magulang ko, pero malaki na ako para makatulong sa kanila. Hindi naman ako gagawa ng bagay na ikakasakit lang ng ulo nila. Sana lang talaga ay sabihin ni Karl mamaya kung saan siya galing at ano ang ginawa niya.

                “How about Kaizer, Cheska?” tanong ni Millicent. “T-in-ext ka na ba niya?”

                “Tinawagan ko siya kanina and he said he still got something to do with his father,” sagot ko. “Don’t worry. Hindi naman kami katulad niyo ni Froi na hindi mapaghiwalay.” Hindi ko na alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. I don’t want to be rude, pero mukhang iba ang pagkakaintindi nila sa sinabi ko. Hindi ko na rin siguro napigilan ang sarili ko dahil puro si Kaizer ang nasa isip ko.

                “Is it wrong, Ches?” tanong ni Froi. Sinubukan siyang pigilan ni Millicent, pero hindi niya ito pinansin. “Do you get sick of us sticking together all the time? Because I’m afraid it’s not your business. Scratch that. Honestly, it is your business because you’re my friend and you’re my girlfriend’s best friend. I really hoped that you’re one of the people who undertands us. Ano naman kung hindi namin matiis ang mahiwalay sa isa’t isa? Damn, Cheska. We’re in a relationship and it is obvious that we’re very very very much in love with each other. I’m sorry that I can’t keep my eyes off of her. You can’t blame me for being possessive. I am like this because finally, I get to be happy with the girl of my dreams, the one I really love. I’m sorry but things won’t change just bacause you get tired of us.” Tumayo si Froi at saka nagmartsa palabas ng cafè.

                “I’m sorry. Pagod lang siguro siya,” sabi ni Millicent. Hinawakan niya muna ako sa kamay bago niya sinundan ang boyfriend niya.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon