Josef
“Excuse me?” nagtatakang tanong niya.
“Bingi lang?”
“Yes. I’ve heard you. Nagtatanong ka ba kasi may gusto ka sa akin?” Nakataas ang kilay niya kaya hindi ko alam kung ano na ang iniisip niya ngayon. “Answer me,” panggagaya niya sa akin.
“Hindi. Tinatanong ko lang kung may gusto ka rin sa akin kasi ang dami niyo na. Maglilista na ako mamaya,” sagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nasabi ko pa 'yon.
“Josef!”
“Bakit ba kasi ang slow mo?” Slow naman talaga siya kahit kailan. Mas mabilis pa ang internet ng pocket-wifi ko kaysa sa kanya. Hiyang-hiya 'yung pagong.
“I’m not! Ayaw ko lang na nag-a-assume ako sa mga bagay-bagay.”
“Bakit? Ano ba ang ina-assume mo ngayon? Na may gusto talaga ako sayo?”
Oo. Totoo namang sinundan ko siya. Iniwan ko nga si Pris An para sundan siya. Kailangan pa ba niyang malaman 'yon? Hindi naman iyon ang importante ngayon. Sinipa niya pa 'yung gulong ng kotse ko. Obvious naman na hindi niya nagustuhan kung ano ang nasaksihan niya sa Starbucks. Nagseselos kaya siya? Hindi naman niya sasabihin na bumalik na ako sa ka-date ko kung hindi siya nagseselos, 'di ba?
“Can we have a decent conversation once and for all, can’t we, Josef?”
“Okay,” tanging sagot ko. Kahit hindi ko alam kung ano ang depinisyon niya ng ‘decent’.
“Okay.” Huminga siya nang malalim. “You’re the one who brought up the topic, you should talk first.”
“I like you,” mabilis na sabi ko at nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Napansin ko rin ang pagpula ng magkabilang pisngi niya.
Siguro nga’t tama si Pris An. May gusto talaga ako kay Cheska, pero hindi ko lang maamin dahil naguguluhan ako sa sarili ko. Pero, ngayong nakaharap ko na si Cheska, parang siguradong-sigurado na ako sa nararamdaman ko. Ayaw akong payagan ni Pris An na sundan si Cheska dahil mas lalo ko lang pinapatunayan sa sarili ko na may gusto nga ako sa kanya. Gustuhin ko mang i-deny, wala na akong nagawa. Ito na 'yun, eh.
Lalo ko pang nakumpirma ang nararamdaman ko nang maabutan kong nakaupo sa sahig si Cheska. Akala ko talaga may ginawa sa kanya si Lenard dahil kung hindi pa sila nagsalita kaagad, baka nasaktan ko na ang kaibigan ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina dahil kung anu-ano kaagad ang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko iyon. Parang natakot ako. Natatakot ako sa tuwing may nangyayaring masama sa kanya.
“You like me?” tanong pa niya.
“You heard it right, Cheska.” Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung paulit-ulit, eh. Nahihiya na nga ako dito. Sana nga lamunin na ako ng lupa.
“But how?” At talagang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Kailangan pa talaga niyang marinig ang explanation. Ang mga babae talaga, oh. Hindi na lang makuntento sa pag-amin naming mga lalaki.
“Kasi nakakainis ka. Pinapasakit mo ang ulo ko. You’re such a pain in the ass, Cheska. Ayaw mong magpatalo sa tuwing nag-uusap tayo. Napakasama ng ugali mo. Ikaw na ang pinaka-mean na babaeng nakilala ko. Ang lakas mo pang mang-irap. Kaya wala kang kaibigang iba, eh. Ang sarap-sarap dukutin niyang dalawang mata mo. Alam mo ba 'yon? Nakakaasar ka. Kung hindi ka lang babae, baka sinapak na kita. Kasi sa ugali mong 'yan, wala talagang tatagal sayo. Ewan ko ba, kaya siguro hindi rin ako naniwalang may gusto talaga sayo si Kaizer. Kaya lagi kang pinagsasabihan ni Karl kasi wala siyang tiwala sa mga ginagawa mo. Wala ka kasing pakialam sa mga tao at bagay na nasa paligid mo. Sa sobrang inis ng mga tao sayo, nakakapag-isip at nakakagawa na sila ng masama sayo. Gumaganti na sila dahil sa tingin nila ay deserve mong masaktan.”
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...