Second Meeting (part 2)

4.5K 140 233
                                    


"Lubayan mo na nga ako Bobby," sabi ni Charley pagkatapos ay humigop sa straw ng kanyang pineapple juice. Tiningnan nya si Bobby pagkatapos sumipsip sa straw. "Alam ko naman yung ka-desperaduhan mo pagdating sa pag-ibig. Pero yung pati ako, e, idamay mo at pagsuutin ng damit na akala mo comfort woman sa mga Congressman at Senador, that is too much. Ang promise mo, eh, iti-treat ako ng dinner dahil naipanalo mo ang kaso mo at hindi kasama sa usapan na pupunta tayo dito para makapang-harbat ako ng lalake sa bar."

"Hep!" Awat ni Bobby sa kaibigan. "I treated you to dinner, hindi ko nga maintindihan kung saan mo inilagay yung isang Crispy Pata, Kare-Kare, whole friend chicken at Sisig na kinain natin sa Max's kanina, at may dalawang rice ka pa, hindi ka ba nasusuka sa busog?" Kunot ang noo ni Bobby habang nagtatanung.

"Ayun o!" Irap ni Charley kay Bobby. "Hiyang-hiya naman ako sa iyo my friend, naka-tatlong rice ka kaya! Kung hindi ko lang kabisado ang net worth mo sasabihin kong patay-gutom ka sa dinami ng ni-lafang mo kanina."

"Lalake ako, Charley." Mulagat na mulagat ang mga mata ni Bobby, "Ikaw babae ka, dapat sa'yo Caesar Salad lang ang order."

"Caesar Salad my foot."  Umirap ulit si Charley, "gutom ako hano? Caesar salad ka dyan." Sumipsip ulit ng Pineapple juice sa straw nya si Charley.

"E, teka mabalik tayo sa usapan natin kanina." Sabi ni Bobby kay Charley. "Bakit mo naman naisip na mukha kang comfort woman? Sa maniwala ka at sa hindi you look beautiful and elegant."

"Elegant ka dyan, best friend kita kaya hindi carried yang compliment mo." Sagot naman ni Charley.

"Ah, ganon, sandali lang." Tinawag ni Bobby ang bartender na si Elias.

Hindi naman talaga ito Bartender lang, si Elias ang may may-ari ng bar na pinuntahan nila. "Professional Den" ang pangalan ng bar. Tambayan ito ng mga lawyers at professionals sa kalakhang Maynila. May restaurant ito para sa mga gustong kumain, may bar naman sa kaliwang bahagi at sa kanang bahagi naman ay elevated para sa mga lovers na gusto ng romantic ambiance.

Sa second floor ay may mga private rooms para sa mga private meetings and functions. May live band na tumutugtog sa maliit na stage, depende sa araw ang klase ng musikang sumasaliw sa kabuuan ng establisyimento. 

May araw para sa alterative music, may acoustic, may orchestra para sa romantic evening na ginaganap tuwing Biyernes at meron ding piano lang na sinasabayan ng singer tulad ngayong gabi. At pag Sabado nights maingay na live band ang nagpi-perform sa stage at open mike ito para sa mga gustong mag-perform.

Karaniwang puno ang establisimyento after office hours, hangang alas nueve ng gabi. Dito tumatambay ang karamihan ng mga Lawyers at iba pang Professionals to avoid rush hour at traffic sa kalakhang Maynila.

"Anong problema, mga igan?" Tanong ni Elias sa kanila, babae si Elias, nagkataon lang na gustong magka-anak ng lalaki ng mga magulang nito kaya Elias ang ipinangalan dito. Naging kaibigan na nila ito dahil sa pagtambay-tambay nila sa bar nito. At maganda din si Elias, dalaga pa rin ito at may pagka-hopeless romantic, nagka-taon lang na hindi pa natatagpuan ni Elias ang tunay na pag-ibig. Pinupunasan nito ang isang baso sa kamay gamit ang malinis na puting bimpo habang kausap sila.

"Ikaw nga ang humusga mare ko'y, anong masasabi mo sa kaibigan nating si Charley?" Itinapat pa ni Bobby ang palad sa tapat ng baba ni Charley.

"You look perfect," sagot naman ni Elias.

"Perfect ka dyan." Ingos ni Charley. "E, kung binabatukan ko kaya kayong dalawa." Banta ni Charley kay Bobby at Elias.

Sabay na tumawa nang malakas sina Bobby at Elias, pagkuwa'y nagsalita si Elias. "E bakit ba kasi nagmamaktol ka, ha Charley?"

"E, pa'no itong kaibigan natin, ibinubugaw ako." Parang naiiritang sabi ni Charley habang nakaturo kay Bobby.

"Ibinubugaw!" Kontra ni Bobby, "napaka-harsh naman ng choice of words mo iha, bugaw talaga?"

Nangingiti naman si Elias, hindi umimik si Charley, nagpatuloy ito sa pag-inom ng kanyang pineapple juice.

"Alam mo babaeng maganda," sabi ni Elias habang sinasalinan ulit ng isa pang shot ng Bourbon si Bobby. "Tama naman itong si Bobby ," sabay turo ni Elias kay Bobby. "You need a man." Sabi ni Elias kay Charley.

"At bakit naman?" taas ang kilay na sabi ni Charley. "Come on guys, humor me, ipaliwanag ninyo sa akin kung bakit kailangan ko ng lalaki sa buhay?"

"Dahil ayon sa matatanda, eh, nag-sasara daw yan kapag hindi nagagamit." Sabay turo ni Elias sa ibabang bahagi ng katawan ni Charley. Bahagya pa itong dumukwang para maituro ang maselang parte na iyon ng kanyang katawan.

"Alin ang magsasara?" Nalilitong tanong ni Charley kay Elias.

"Yang flower mo!" Medyo mahinang sagot ni Elias. "Alam mo ba? Nagsara din kaya yung sa akin, kaya nga hindi ko pinapabayaan na ma-zero ako." Kumindat si Elias kay Charley habang si Bobby naman ay sutil ang pagkakangiti.

"Totoo ba?" Inosenteng sabi ni Charley.

Sabay na bumunghalit ng tawa sina Bobby at Elias, at kasabay ng malakas ng tawa ng dalawa ay ang pagdampi ng likido sa mga braso ni Charley. Naibuga ng isang lalaking customer na nakaupo sa may tabi nya ang iniinom nitong whiskey.

"What the..." Galit na sabi ni Charley sabay lingon sa naka-buga ng alak sa kanya.

"I'm sorry," sabi ng lalake habang pinupunasan ng isang kamay ang sarili nitong bibig. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang braso ni Charley na nabasa ng alak. "I didn't mean to do that, I overheard your conversation and I didn't mean to eavesdrop also but---" natigilan sa pagsasalita ang binata ng makilala nya si Charley.

Naka- titig lang sa kanya ang dalaga, and he's not surprised with that. He knew Charley, he knew her dahil sya si Jensen Winchester, ang nobyo ni Charley six years ago.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dan-da-nanan! Ano ang nangyari kay Jensen at kay Charley? Bakit sila naghiwalay? Bakit nawala at gumuho ang binuo nilang mga pangarap?

Keep on reading para sa susunod na kabanata ng ating kwento, please vote, comment and share this to your friends.

I would like to thank my daughter Joe Marce Llewellyn for the "professional den" idea po nya yun, I get ideas from my one & only daughter sa mga kwentuhan namin. She wished to open up her own bar just like 'professional den' kaya naman thank you iha mia. Love you so much kid. Hindi ka nagbabasa ng kwento ni Mommy kaya di mo makikita ito, bwa,ha,ha!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon