Nag-iimpake pa ng ilang gamit si Jensen, katulong nya si Carmen. Sa condo nya natulog ang bestfriend kagabi kasama ng kapatid nyang si Jared at ang fiancée nitong si Jess, pati mga magulang nya ay sa condo rin nya natulog. Kung tutuusin ay halos hindi naman sila natulog. Kagabi lang sya nagsimulang mag-empake at katulong nya ang mga magulang, magkasintahang Jared at Jess at ang bestfriend nyang si Carmen sa pagiimpake at habang nagkakahon ng sila ng kanyang mga gamit ay masaya silang nagkukwentuhan.
Hanggang sa mapadako ang usapan sa kung hindi na ba magbabago ang isip ni Jensen papuntang Boston. At hanggang kaninang umaga sa almusal ay yun pa rin ang topic na nauwi sa pag-iyak ni Ellen para pigilan si Jensen sa pag-alis. Dahil duon ay napilitan ang binata na sabihing si Carmen na lang ang maghahatid sa kanya sa airport dahil nahihirapan syang makitang umiiyak ang ina.
Pagkatapos ng almusal ay magalang na ipinagtabuyan ni Jensen ang pamilya. Ayaw nyang makita ang lungkot sa mga ito. Kahit napipilitan ay umalis na din sina Sebastian, Ellen, Jared at Jess. Inabot ng halos isang oras ang paalaman. Ipinilit ng pamilya ni Jensen na sasama silang maghatid pero nag-insist ang binata na huwag na lang. Nang ipaliwanag ni Jensen na masakit sa kanyang makitang malungkot ang pamilya ay napapayag na din nya ang mga ito at kahit na nga ayaw pa sanang umalis ng mga ito ay napilitan na rin dahil parang maiiyak na rin si Jensen.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo lalakeng maliban sa pagiging lalake eh wala na!" nag gagalit-galitang tanong ni Carmen habang tinutulungan si Jensen sa paglalagay ng ibang gamit ng binata sa maleta nito.
"Zip it, Carmen!" may warning na sagot ni Jensen, hindi sya tumingin sa bestfriend nagpatuloy sya sa paglalagay ng gamit sa maleta.
"Alam mo, magsisi ka!" nanakot na sabi ni Carmen sa bestfriend.
"Carmen please!" tumingin ng diretso si Jensen sa mga mata ni Carmen. May warning ang mga tingin ng binata sa dalagang kaibigan.
"Don't give me that warning look lalake!" nagbabantang sabi ni Carmen "Alalahanin mo ako na lang ang naiiwan dito at pag pinalayas mo ako dahil napipikon ka eh walang maghahatid sa'yo sa airport."
"Kaya kong mag-taxi." Mayabang na sagot naman ni Jensen at muling naglagay ng gamit sa kanyang maleta.
"Taxi my foot! Huh!" may sarcasm sa tono ni Carmen. "Dalawang 50 kilos na kahon, dalawang maleta saka hand carry at isang bag magta-taxi ka?"
"O eh ano naman ang kaibahan ng taxi sa kotse mo." Nakasimangot na sagot naman ni Jensen.
"Malamang sa wala nga, pero mas convenient sa kotse ko kesa sa taxi." Sagot naman ni Carmen.
"Convenient sa'yo." Naiiritang sagot ni Jensen "Convenient na kulitin ako na parang mommy ko."
"Excuse me." Itinaas ni Carmen ang kilay "hindi ako nangungulit, isinasaksak ko lang dyan sa kukote mo na mali ang desisyon mong umalis at iwan si Charley."
"Carmen we had this conversation already." Walang ganang putol ni Jensen sa sasabihin pa ng bestfriend.
"No, we didn't!" mabilis na sagot naman ng dalaga "In order to have a conversation you need to talk, at wala kang sinasabi, so... we never had this conversation yet."
"Can we just finish packing my stuff!" nakikiusap na sabi ni Jensen.
"Ang sinasabi ko lang, si Charley naman talaga." Patuloy sa pagsasalita si Carmen habang tinutulungan ulit magempake si Jensen. "E di ba nga sa dinami-dami ng babaeng nai-date mo at naikama mo hindi mo pa rin nakakalimutan si Charley, at ng magkita kayo ulit ano ginawa mo? Humige ka ulit, kunwari ka pa sa no commitment-no commitment ek-ek pero ang totoo... utug na utug ka ng seryosohin ulit si Charley."
"Ano yung utug na utug?" nagtatakang tanong ni Jensen.
"Atat na atat!" mulagat ang matang sagot ni Carmen.
"Atat na atat hah!" natatawang sabi naman ni Jensen.
"Lubayan mo ko ng kasinungalingan mo Jensen Winchester." Dinuro ni Carmen ang bestfriend "Wala akong hindi alam sa kwento nyo ni Charley and you can't deny the fact na kaya ka aalis papuntang Boston e dahil hindi ka mahal ni Charley."
"I wanna try my luck there; Charles has got nothing to do with my decision." Sagot naman ni Jensen.
"Charles hah! Sabi ko na eh, inlababo ka pa din talaga, hmmm... alam mo, madadapa ka paglakad mo dahil puro kasinungalingan ang sinasabi mo na hindi sya ang dahilan ng paglayo mo." Seryosong sabi ni Carmen, and to her surprise ay napatid nga ang isang paa ni Jensen sa strap ng isang maleta nito ng maglakad para kuhanin ang isang polo nito sa may center table. "Kitam! Sinungaling!"
"Tigilan mo na nga ako!" lukot na lukot ang mukha ni Jensen "Kaya walang tumatagal na lalaki sa buhay mo eh, napakabungangera mo!"
"Ayun oh!" nang-aasar na sagot ni Carmen "Hiyang-hiya naman ako sa'yo bestfriend, may tumagal na babae sa'yo? Si Charley nga iniwan ka mahal ka pa nun."
Bigla namang tumingin ng may pagdaramdam si Jensen sa kaibigan. Medyo below the belt ang huling sinabi ni Carmen sa kanya.
"I am not so going to apologize." Malumanay na sabi naman ni Carmen "Below the belt din yung tira mo sa akin kanina, alam mong lagi akong iniiwan at niloloko ng mga nagiging lalake sa buhay ko and it has got nothing to do with my pagiging bungangera and just so we could set the record strainght hindi ako bungangera sinasabi ko lang ang nasa isip ko at opinion ko sa mga bagay-bagay."
"Yeah, I know." Lumapit si Jensen sa kaibigan at kinabig ito ng yakap "I'm sorry."
Yumakap na rin si Carmen kay Jensen sabay sabing "mamimiss kita bugok!"
Bahagyang natawa si Jensen, yun ang endearment ni Carmen sa kanya 'bugok' "Mamimiss din kita bugak!"
Bahagya silang nagkatawanan. Pinakawalan ni Jensen si Carmen at hinawakan ang dalawang balikat.
"Bakit di ka na lang sumama sa akin sa Boston para di natin mamiss ang isa't-isa."
Para namang tinarakan sa puso si Charley sa narinig, nakapasok na sya sa loob ng condo ni Jensen ng hindi nararamdaman nila Jensen at Carmen.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
ChickLitWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
