Jensen's Condo

2.8K 88 92
                                        

Umuwi ng maaga si Jensen para mag-grocery, may mga pagkain naman sya sa kanyany condo pero special ang hapunan mamaya. Kahit nalulungkot na nakalimutan na pala ni Charley kung saan sya nakatira ay bumalik ang sigla ng gwapong binata ng namimili na sya ng ilulutong hapunan.

He remembers Charley's favorite, adobong liempo na medyo natutuyo na ang sabaw at nagmamantika na may kasamang siling kulay green. And Jensen still remember na gusto ni Charley ang kanin na maligat ang pagkakasaing. Charley like rice na maputi, mabango ang usok at buo ang butil and he didn't change his rice grains sa condo nya kahit nag-break na sila ng dalaga at confident syang magugustuhan ng kanyang ex-girlfriend ang igagayak nyang hapunan ngayong gabi.

At para sa dessert ay bumili si Jensen ng especial na leche flan, tanda nyang kayang ubusin ni Charley ang isang lyanera ng leche flan sa isang upuan lang. Paborito din ni Charley ang fruit salad kaya lang ay wala ng panahon para gumawa si Jensen ng salad. Biglaan ang dinner, masyado naman kasi syang na-excite dapat pala ay sinabi nyang bukas na lang gabi.

Naiiling si Jensen habang namimili, pinagtitinginan sya ng mga babae sa loob ng grocery, dahil madiwara nyang pinipili ang liempo, kaylangan ay pantay-pantay ang laman at taba ng pork liempo at hindi magandang tingnan kung hindi pantay ang pagkakapagitan ng taba at laman. Lahat pa naman ng babaeng nakatingin sa kanya ay pasado sa kanyang standard. Baka isipin pa ng mga ito na bakla sya pero hindi importante kay Jensen ang iisipin ng mga ito sa ngayon ang importante ay ang magiging impression ni Charley sa kanya mamayang dinner.

Hindi nakatiis ang nag-aassits kay Jensen at nagtanong "Sir, chef po ba kayo?"

Ngumiti si Jensen sabay iling "I just learn how to cook." Kaswal na sagot ni Jensen.

Lumapit ang isang sexy at magandang chick kay Jensen at nakisawsaw sa usapan "Ang swerte naman ng ipagluluto mo." Ngumiti pa ng matamis ang babae sa kanya.

"Actually ako ang swerte hindi sya." Nag-flash na naman ng conceited look sa buong mukha ni Jensen.

Para namang kinilig ang lahat ng kababaihan na nanunuod sa pamimili nya ng pork liempo kanina, parang mga pusa ang mga ito na sabay-sabay sinabing "awww." Matamis na ngiti kasabay ng pagkibit ng dalawang balikat lamang ang naging sagot ni Jensen.

Alas syete y media enpunto ay nakatayo na sa pintuan ng condo ni Jensen si Charley. Pipindutin na sana nya ang doorbell ng biglang may sutil na ideyang pumasok sa kanyang isipan. Sinubukan nyang pihitin ang doodrknob at natuwa syang malaman na naka-lock iyon. 'Typical Jensen' sabi ng kanyang isip, laging naka-lock ang pinto.

Jensen gave her own key sa condo nito nuong sila pa, ewan ni Charley pero gusto nyang subukan kung gumagana pa ang susing ibinigay ni Jensen. Hindi nya itinapon ang susi na yun, in fact, she made another copy. Ang susing ibinigay ni Jensen ay kasama ng kanyang car keys, ang duplicate naman ay kasama ng kanyang house keys. Mabilis na inalis ni Charley ang susi ni Jensen sa kanyang car key, kung gagana ang susi ay nakakahiyang makita ni Jensen na kasama iyon sa susi ng kanyang kotse.

Pigil ang hininga ni Charley ng isuot ang susi sa doorknob. Nang gumana ang susi ay ngumiti ng may katagumpayan si Charley. 'He never changed his lock' parang umaawit ang isipan ng dalaga sa idea na yun. Dahan-dahang pumasok si Charley at isinarado ang pintuan. Amoy na nya ang adobo, napapikit pa ang dalaga ng langhapin ang lutong ulam. 'tama ang timpla' sabi ng isip ni Charley. 'sino kaya ang nagluto?' dagdag pang tanong ni Charley sa isip.

Iginala ng dalaga ang paningin sa kabuuan ng unit, nothing has changed maliban sa table setting sa four seater na round dining table. Very romantic ang pagkaka-ayos ng lamesa na para bang sa isang five star hotel and Charley can't help but wonder kung umupa ba ng magluluto at mag-aayos si Jensen para sa dinner nila ngayong gabi.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon