One week later pagkatapos ng 'Separate Lives' performance. Muling nagtagpo ang landas nila Jensen at Charley sa bar ni Elias. As usual Jensen is with Jared at si Charley naman ay together with her bestfriend na si Bobby. Nagpalitan ng batian sina Bobby, Jared at Jensen ganun din sina Charley at Jared, pero walang pansinan sa pagitan nila Jensen at Charley.
Nang ookupahin ni Charley ang upuan na may pagitan na isa pang upuan para huwag makatabi si Jensen ay nagmamadaling kumilos si Bobby at inokupa ang bangkuan, ngumiti sya ng matamis kay Charley, aapat lang ang upuan sa bar ng Professional Den ang dalawa ay okupado na nang magkapatid na Winchester ang isa ay okupado ni Bobby na sya sanang gustong okupahin ni Charley kanina, at ngayon ay wala na syang ibang choice kundi ang maupo sa upuang katabi mismo ni Jensen o mag-walk out na lang. Pinili ni Charley ang una, maupo sa tabi ni Jensen and totally ignore the handsome ex-boyfriend he had on the other chair.
Nagserve ng shot ng whiskey si Elias para kay Bobby, nang tanungin ng Professional Den owner si Charley kung ano ang iinumin ay na-shock silang lahat.
"Bourbon, double" kaswal lang na order ni Charley sa iinumin.
Bigla ang biling ng tingin ni Jensen kay Charley, gusto nyang sabihin sa dalaga na 'I thought you stopped drinking?' pero nagtimpi si Jensen, "separate lives" wala na syang karapatang magtanong. Sumenyas sya ng isa pang shot kay Elias.
"Kelan ka pa natutong uminom babae?" halata ang inis sa boses ni Bobby.
"Stop acting like my brother." Nakikiusap ang tono sa boses ni Charley "You're my best friend Bobby for Pete's sake." Disappointed na si Charley.
"Alam nyo dapat siguro mag-heart to heart talk kayong dalawa." Sabat ni Elias sabay turo kay Jensen at Charley habang isini-serve nya ang order na inumin ng mga ito.
"I think that's a good idea." Ayon naman ni Jared sa sinabi ni Elias sabay tingin kay Bobby.
Nagkibit ng mga balikat si Bobby at saka sinabing "I'm not gonna object."
"There's nothing to talk about." Nagpakawala pa ng mahinang tawa si Charley pagkatapos ay tinungga ang unang shot ng Bourbon.
Napailing naman si Jensen ng makitang parang balewala lang sa kanyang ex-girlfriend ang tinungga nitong alak. Bahagya syang uminom sa sariling shot, nakapatong ang isang braso nya sa bar at pinapaikot naman ng isang kamay nya ang baso kung saan ay kayayari lang nyang uminom ng bahagya. Inalis na nya ang tingin kay Charley, walang mababasang reaksyon sa mukha ni Jensen, parang isang estranghero si Charley sa kanya.
"Para kayong mga bata!" naiinis na sabi ni Elias.
"Tell that to her." Mabilis na sagot ni Jensen at iminostra ang baso kay Charley.
"Huh!" naniningkit ang mga mata ni Charley na humarap kay Jensen "What is your problem!" galit ang paraan ng pagtatanong ni Charley.
"You are my problem!" intimidating naman ang tono ni Jensen ng harapin si Charley.
"Ako!... Hah!" sarcastic na naman si Charley "Ako pa talaga ang problema ganun?"
"Hep!" awat ni Bobby "Parehas kayong problema, tama si Elias para kayong mga bata." Seryoso si Bobby sa pagsasalita.
"Guys." Sabi ni Jared "You know this is stupid, you get along pretty well almost a month ago sa condo ko..."
"What are they doing in your condo?" putol ni Bobby sa sinasabi ni Jared.
"Silang dalawa?" nagtatakang turo ni Elias kay Jensen at Charley "Silang dalawa sa condo mo?" ulit pa ni Elias. "Anong ginagawa nyong dalawa sa condo nya?" tinuro ni Elias sina Jensen at Charley pati si Jared.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Literatura KobiecaWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...
