Ayun Oh!

2.7K 95 70
                                        

mjespique this chapter is lovingly dedicated to you dear. Thanks for all the support on my stories.

Nagpatawag ng assembly meeting ang billionaire shipping magnate na si Emmanuel Guevarra. Nakulong ang nag-iisang anak ng bilyonaryo na si Emmanuel Guevarra II, self defense ang plea ng nag-iisang anak ng shipping magnate. Nakagalit nito ang manager ng isang branch ng kanilang kompanya at nabaril ng kanyang anak ang nasabing manager dead on arrival ang kanilang empleyado ng dumating sa hospital. Nang gabi ding iyon ay dinampot ng mga pulis si Emmanuel Guevarra II.

Ang assembly meeting ay kinabibilangan ng anim na may-ari ng Gladiators law firm at syempre ang Winchester & Sons. Gustong i-hire ni Emmanuel Guevarra ang dalawang magagaling na law firm para masiguro na makakalaya at malilinis ang pangalan ng kanyang unico hijo.

Sa isang lamesang mahaba sa loob mismo ng conference room ng main branch ng shipping company ni Emmanuel Guevarra ginanap ang assembly. Nagkamay ang magigiting na abogado bago naupo sa mahabang lamesa. Magkatapat sa upuan sina Jensen at Charley, katabi ni Charley si Bobby na katapat naman ni Sebastian. Magkatabi ang dalawang batikang abogado ng Gladiators na sina John at Brad sa hilera nila Jensen at Sebastian samantalang sila Collin at Angel naman ay nasa hilera ni Bobby at Charley. Nakatayo ang bilyonaryong si Emmanuel Guevarra sa may kabisera ng lamesa.

"I think you all know why we are all here." Authoritative ang boses ni Emmanuel Guevarra ng magsalita.

"We heard the news" magalang na sabi ni John "And it's safe to say we assumed that this meeting has got something to do with your only son Emmanuel Guevarra II." Malumanay ang pagsasalita ni John pero dignified ito at karespe-respeto.

"My son, yes." Nanghihinang napaupo ang shipping magnate billionaire sa kanyang upuan. "You can call him Emma." Sabi ni Emmanuel Guevarra.

Bahagyang nangiti si Charley sa nickname ng nag-iisang anak ng bilyonaryo, pinilit ni Charley na huwag magtanong pero hindi nakatiis ang magandang abogada.

"With all due respect Mr. Guevarra, Sir." Alanganing itinaas ni Charley ang kaliwang kamay na may hawak na ballpen "Out of curiosity, why did you nickname your son Emma?"

Bahagyang siniko ni Bobby si Charley, impit na tawa naman ang pinakawalan ng ibang abogado sa loob ng conference room. Amused na nakatingin ang mag-amang Winchester kay Charley. Both of them know Charley and she's really the kind of girl na hindi pwedeng hindi sasabihin kung ano ang nasa isip.

"And you are?" bumalik ang pagiging authoritative ni Emmanuel Guevarra.

"Atty. Charley Mendoza, Sir, at your service." Magalang na sabi ni Charley.

"The famous Charley Mendoza..." mas tamang sa sarili lang ng bilyonaryo sinasabi ang pangalan ng kaakit-akit na abogada. "I've had heard of you, at alam ko na rin na may kataliman ang dila mo."

"No disrespect Sir." Magalang pa ring sabi ni Charley "I'm just curious and I think everyone here on this table are also curious why did you nickname your only son Emma except you Sir of course." Confident na nagpaliwanag si Charley.

Hanga naman si Emmanuel Guevarra sa pagiging prangka ni Charley, amused sya sa tapang at lakas ng loob nito na sabihin kung ano ang iniisip. Talaga namang nakakatawa ang nickname na ibinigay ni Emmanuel Guevarra sa kanyang nag-iisang anak, lalake ito pero pinili nyang tawagin itong Emma at walang kahit na sinong naglakas ng loob na magtanong sa kanya kung bakit ganun ang nickname ng kanyang anak. Charley is the first person who had the courage na magtanung kung bakit.

"Emma was very special to me and still is and will always be special to me." paliwanag ng bilyonaryo "She's the only woman I love and she died giving birth to our only son, sa tuwing tatawagin ko ang pangalang Emma pakiramdam ko ay andyan pa rin ang aking asawa."

"That's so sweet of you Sir." Nakangiting sabi ni Charley "Does everybody called your son Emma?" magalang pa ring tanong ni Charley.

"I'm the only one who called him that." nangiti na si Emmanuel Guevarra and his assistant is really surprised, even Mr. Guevarra himself... ever since mamatay ang kanyang asawa ay naging istrikto at masungit na sya. Pero ngayon ay napapangiti sya ng magandang abogada na si Charley. "Emmy ang tawag ng mga kaibigan at kamag-anak sa aking anak, I guess he would prefer if you will call him the same."

Nangiti ulit si Charley, Emmy is not really a boy's name.

"Stop being naughty Atty. Mendoza" sabi ni Emmanuel Guevarra, as usual may authority ang boses nito pero hindi ito galit kay Charley at maski ang matandang bilyonaryo ay naa-amused sa ikinikilos nya "You're a woman yet your name is Charley."

"It's kind of normal for woman to have a boy's name, again no offense Sir." Paumanhin ni Charley.

"None taken." Nakangiti si Emmanuel Guevarra "I like this woman." Sabi ng shipping magnate billionaire sa mga abogadong kaharap.

Ipinaliwanag ni Emmanuel Guevarra ang kaso ng anak, ang pakay lamang daw ng nag-iisang anak nya ay kausapin ang manager ng isa nilang branch na naka-dispalko ng pera pero parang napahiya ang manager dahil sa harap ng accountant ng branch at ilang tauhan ng manager nangyari ang pag-uusap.

Hiniling ni Emmanuel Guevarra II na magbitiw ang naturang manager, at walang makukuhang separation pay ang manager dahil kung tutuusin ay kulang pang pambayad ang separation pay nito sa nadispalkong salapi. At nilinaw din ni Emmanuel Gueverra II na hindi magbibigay ng recommendation ang kanilang kompanya, iyon ang magiging kaparusahan ng manager at hindi sila magsasampa ng kaso laban dito.

Pero hindi matanggap ng manager ang pagkapahiya, sinundan nito si Emmanuel Guevarra sa parking lot para makiusap na patuloy pa rin syang maging trabahador ng shipping company at babayaran nya ang nadispalko pero tumanggi si Emmanuel Guevarra II. Nauwi sa pagtatalo ang usapan at naglabas ng kutsilyo ang manager, nang undayan ng saksak ang nag-iisang anak ng may-ari ng shipping company ay naka-ilag ito kasabay ng isang malakas na suntok sa panga ng manager. Pagkakataon ni Emmanuel Guevarra II para kuhanin ang lisensyadong baril sa may glove compartment ng kotse nito. Binantaan ni Emmanuel Guevarra ang manager na kung itutuloy nito ang pananaksak sa kanya ay wala syang choice kundi ang paputukan ito ng baril.

Pero hindi nag-paawat ang manager, inundayan muli ng saksak si Emmanuel Guevarra II naka-ilag na muli ang nag-iisang anak ng shipping magnate at kaagad na nagpaputok ng baril, bulagta ang manager sa semento sa puso ang tama nito. Ang problema, dalawa ang tama ng bala at sa likod ang naging tama. Kapag magaling ang hahawak ng kaso ng kanilang manager ay baka matalo ang nag-iisang anak ni Emmanuel Guevarra.

Nakikinig ang lahat at engrossed sa statement ng matandang bilyonaryo, pero si Charley ay hindi masyado. If Emmanuel Guevarra wants the best of both law firms he will hire either John and Sebastian or Sebastian and Brad. Kampante lang si Charley, pasimple nyang tiningnan si Jensen, nagsusulat ito sa notepad at halatang intresado ang binata at seryoso sa paghawak ng kaso ni Emmanuel Guevarra II.

Charley played with her left shoe habang panaka-naka'y sumusulyap kay Jensen. Naka-dekwatro sya at nakahubad na sa may gawing sakong nya ang kanyang heels pero nananatiling nakasuot ito sa mga daliri nya. Suot-hubad ang ginagawa ni Charley sa kanyang heels at nang mag-sawa ay ikinuya-kuyakoy nya ang kaliwang paa. Nakasuot pa rin sa mga daliri nya ang heels and Charley didn't expect na malalaglag iyon. Pasimpleng inabot ng isang paa ni Charley ang sapatos pero the more she reached for her other shoe the more namang lumalayo ito. Nakayupyop na sa upuan si Charley at sa kakakapa nya ng sapatos ay nawala na ito sa ilalim ng lamesa.

Pasimpleng hinanap ni Charley ang sapatos and to her dismay nasa pagitan nila ni Jensen ang hinahanap na kabiyak na sapatos. Dahan-dahang ini-asog ni Charley ang de-gulong na upuan, hindi sya pwedeng tumayo para kuhanin ang sapatos nakakahiya kay Emmanuel Guevarra. Nagpadausdos ng bahagya si Charley sa kanyang upuan, she tried to reach for her shoes pero bigo pa rin sya.

She secretly looked at her co-lawyers and Emmanuel Guevarra to check kung may nakakapansin ba sa ginagawa nya, Charley felt a relief ng makitang engrossed pa rin ang lahat sa pagsasalita ng bilyonaryo.

Yumupyop na muli si Charley, dahan-dahan ang kanyang pagkilos to avoid attention, maabot na sana nya ang kabyak ng kanyang sapatos na makitang amused na nakatingin sa kanya si Jensen. 

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon