Third Meeting (part 5)

2.8K 95 68
                                    

Sino si Carmen?

Ang babaeng pinagseselosan ni Charley nuong nagsisimula na silang magkalabuan. Tanda pa ni Jensen na galit na galit si Charley nang mabasa nito ang text ni Carmen. Simpleng 'see you later' lang naman ang text pero warrior mode na si Charley. Nangiti si Jensen ng maalala ang dialogue ni Charley "sigurado kang busy ka sa trabaho at hindi sa Carmen na yan, ha?" natutuwa si Jensen na makitang nagseselos si Charley dahil  ibig sabihin ay mahal sya nito talaga.

'Hindi ako nagseselos' sabi ng isip ni Charley. Kung ang Carmen na naiisip nya ang Carmen na sinasabi ni Jensen ay mas tamang naiinis sya. Hindi pa nya nakikita si Carmen basta ang alam lang nya kaibigan ito ng kaibigan ni Jensen na hindi pa nya name-meet at panay ang text nito sa boyfriend nya at may palagay syang kaya nanlamig si Jensen sa kanya nuon ay dahil sa malanding Carmen na yun.

"Carmen?" Natigil sa nostalgia sina Jensen at Charley ng magsalita si Jared. "Your live-in partner Carmen?" paniniguro ni Jared sa kanyang Kuya.

"She's not my live-in partner." Parang napipikon ng sagot ni Jensen, ilang ulit na kasi nyang ipinaliwanag sa kapatid ang sitwasyon ni Carmen. "I told you before and I will tell you again, Carmen lost her job, that's why I offered her to stay at my place but once she gets back on her feet again she will be gone."

"Riiigght..." tumatango-tangong sabi ni Jared "And it's been what..." ikinunot pa ni Jared ang kilay at pinasingkit ang mata para lalong asarin ang kapatid "almost a year and she had a job like 5 months ago and she's not back on his feet yet?"

"She's not my live-in partner alright!" may gigil na sa boses ni Jensen bakit ba sya biniyayaan ng makulit na kapatid.

"Alright." Itinaas ni Jared ang palad "And you're bringing her to our dinner on Saturday?"

"Yes Jared!" pabiglang sagot ni Jensen "I'm bringing Carmen to our dinner." Confident si Jensen sa sagot. "What is wrong with that?"

"I'm just saying man." Alanganin ang ngiti ni Jared "Carmen might get the wrong message." Parang nananakot na sabi ni Jared.

"Your brother is right" ayuda naman ni Sebastian "pag isinama mo si Carmen sa dinner baka akalain nun nag-level up na kayo. Considering your brother will be with his serious girl friend, and Charley and Bobby, not to mention me and your Mom in a very private and intimate dinner, it's like an advertisement that you are ready for the big commit."

"Charley and Bobby are just best friend, alright..." parang natatamad ng makipagtalo si Jensen "It will ruin the advertisement and Carmen will understand why I am bringing her."

Hindi napigilan ni Charley na tumaas ang kaliwang kilay 'at ako hindi understanding ganon, kaya ni minsan kahit maki-ihi lang sa bahay nyo di mo ko dinala?' sabi ng isip ni Charley.

"Do you know this Carmen?" nanunukso ang paraan ng pagtatanong ni Bobby kay Charley. Kitang-kita nyang tumaas ang kaliwang kilay ng best friend ng sabihin ni Jensen ang mga word na 'Carmen will understand.'

"And why should I?" mataray na sagot ni Charley.

"Do you really want me to answer your question?" may supil na ngiti sa labi ni Bobby habang iminostra ng mga mata nya ang kaliwang kilay ni Charley.

Hindi na sumagot ulit si Charley. When Charley turn her look at Jensen, nakatitig ito sa kanya. Titig na nanunuot, looking through her. Inayos ni Charley ang sarili dahil baka isipin pa ng hambog na ex boyfriend nya na apektado sya sa Carmen na tinutukoy nito.

"So it's a date then?" masiglang tanong ni Sebastian.

Nag-OK sign ang magkapatid na Winchester, itinaas naman ni Bobby ang kanyang champagne glass bilang pag-oo. Si Charley ay walang reaction.

"Hindi ka mang-i-indian ngayon right?" paniniguro ni Sebastian kay Charley.

"Akong bahala sa babaeng ito Sebastian." Sagot ni Bobby at ikinawit ulit ang isang braso sa leeg ni Charley. "Kahit may LBM pa ito darating kami, pagsusuutin ko na lang ng diaper." Biro pa ni Bobby.

"Good" tatawa-tawang sabi ni Sebastian.

ANNOUNCEMENT:

Magiging medyo masidhi po ang update ng story na ito. Gusto ko na po kasing ma-complete para makapag-concentrate tayo sa ibang series ng kilig, luha at saya ng umiibig. How often is sometimes (kilig, luha at saya ng umiibig book 2), Young heart, sweet love (kilig, luha at saya ng umiibig book 4) and Her butler...his princess (kilig, luha at saya ng umiibig book 5) will be on hold. Pero malamang sa hindi naman masyadong on hold. Magupdate pa rin po ako ng book 3,4&5 pero hindi kasing sidhi ng book nila Jensen/Charley.

Show me the way to your heart (pentagon series book III) will have constant update and so does my book "Is there a God?"

Thank you guys for the support, love and understanding.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon