Luha (part 2)

2.3K 75 34
                                        

  hindi ka pa umaabot dito anak pero dedicated ang chapter na ito para sa'yo. Salamat sa support. Luvluv.


"Talaga ba?" natatawang sabi ni Elias, may suot na mouth piece si Elias, mallit na microphone ito at umeecho ang tawa ng dalaga dahil sa napiling kanta ni Charley. "Lakas ng amats mo ganda!" dagdag na sabi pa ni Elias.

Lumitaw sa screen ang awiting Halik. Itinaas pa ni Charley ang isang kamay at pabirit na sinimulan ang kanta. "Ayoko sana...na ikaw ay mawawala...mawawasak lamang ang aking mundo...ngunit anong magagawa...kung talagang ayaw mo na...sino ba naman ako para pigilin ka."

Hiyawan at palakpakan ang magkakaibigan, tumayo pa ang mga ito. Para namang isang rakista si Charley ng kumilos dahil medyo bumilis na ang tyempo ng kanta.

"Lumayo ka man ay maiiwan...ang bakas ng ating pagmamahalan...ang awiting ito ay ala-ala...na hindi kita malilimutan..." gumagalaw ang katawan ni Charley sa tempo ng musika pero nakapako ang mga paa nya sa stage. bahagyang nakayuko si Charley na para talagang rock and roll ang awitin nya. "Pagkat ikaw ang tanging laman ng aking mundo...ng aking puso...ng aking buhay..." isinipa ni Charley ang isang paa para sa isang birit.

"Ang halik mo...namimiss ko...ang halik mo...namimiss ko...bakit iniwan mo ako.." isinuntok ni Charley ang kamay sa hangin "nasasaktan ako o baby...sa tuwing nakikita ka..."gumagalaw ang isang kamay ni Charley pati ang isa nyang paa na sakto sa tempo "naninibugho ako o baby...pag may kasama kang iba."

Iminostra ni Charley ang dalawang kamay sa instrumental na para syang nagda-drums. "Nasasaktan ako o baby sa tuwing nakikita ka...naninibugho ako o baby pag may kasama kang iba..pagkat ikaw ang tanging laman ng aking mundo...ng aking puso...ng aking buhay...ang halik mo... namimiss ko...ang halik mo...namimiss ko...bakit iniwan mo ako..."

Ibinuka ni Charley ang mga paa para sa isang mas malupit na birit. "Ayoko sana...na ikaw ay mawawala..." nakapikit ang mga mata ni Charley "mawawasak lamang ang aking mundo...ngunit anong magagawa kung talagang ayaw mo na...sino ba naman ako para pigilin ka..."

Palakpakan at hiyawan ang kanyang mga kaibigan. Aliw na aliw sila sa performance ni Charley dahil to the highest level talaga ang dalaga.

"Ang halik mo... namimiss ko... ang halik mo... namimiss ko..." huminga ng malalim si Charley para sa mas mataas pang birit "bakit iniwan mo ako... oh..oh..ohhh...ang halik mo... namimiss ko... bakit iniwan mo ako oooohhh,ahhh..." mas mataas pa sa boses ng Aegis ang ginawang birit ni Charley lalong naghiyawan ang mga kaibigan nya.

At sa finale ng awitin ay tumingin sa kawalan si Charley "Ang halik mo namimiss ko bakit iniwan mo akooo..."

Palakpakan at hiyawan ang mga kaibigan ni Charley, hindi maputol-putol ang kantyaw na hiyaw ng mga ito sa kanya habang paulit-ulit syang nagba-vow. "You want moooore!" sigaw ni Charley sa microphone.

"Mooore! Whooo!" sigaw naman ng mga kaibigan nya.

"Please, stop!" umeechong salita ng baritonong tinig sa speaker. Natahimik ang lahat

"Is that your son?" nagulat na sabi ni Ellen kay Sebastian.

Kinabahan naman si Charley, kung hindi nagsalita si Ellen at nagtanong kay Sebastian ay iisipin ng dalaga na hallucination grandeur sya. Naririnig nya ang boses ni Jensen kahit wala naman ito.

"Jensen?" nanginginig ang boses na sabi ni Charley sa mikropono. Luminga ang lahat sa kabuuan ng Professional Den. Isinindi na muli ni Elias ang maliwanag na ilaw pero hindi nila nakita si Jensen.

"What is going on?" nalilitong sabi ni Charley. Makikita rin ang pagkalito sa mukha ng mag-anak na Winchester.

Then lights out...

t":falVU{

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon