Ayun Oh! (part 2)

2.6K 86 85
                                    

mjespique, tinkerhookelydiareyes, yourseverlasting, micheilockz eto na angels, 

meilimcastillo lot's of catching up to do. skyliereyes hope you will have time for this anak. 

jomarshmallowlogisticians Thank you sa support.

Now with the story...

******

Parang napahiya naman si Charley, pero saglit lang at binigyan nya ng warning look si Jensen na huwag gagawa ng kahit ano para mahalata ng mga kasama nila sa loob ng conference room ang kanyang ginagawa.

Jensen looked at Charley's shoes, anduon pa rin ang amusement sa kanyang mukha. When he noticed Charley is slowly moving at unti-unti itong parang lumiliit sa upuan ay nagtaka na sya. At first ang akala nya ay kung napapano na ang dalaga, then at the corner of his eyes ay nakita nya ang pag-asog ng kabyak ng sapatos ni Charley.

Nang igala ni Charley ang mata sa paligid to checked if someone noticed her ay ibinalik ni Jensen ang mata sa nagsasalitang si Emmanuel Guevarra. But he continue to watch Charley when she slowly moved her rolling chair at nang unti-unti na namang gumalaw si Charley na parang nagmumukha itong maliit ng dahil sa pagda-usdos mula sa upuan para abutin ng kaliwang paa nito ang nahubad na heels ay gusto ng matawa ni Jensen.

Ang cute kasing panuorin ng dalaga, one more thing he loved about this woman ay ang pagkilos nito ng parang bata. Not the childish kind of way kundi yung naïve or there's innocence in her, mga kilos na nagpapa-amused sa kanya tulad na lang nang ginagawa nito ngayon. Pwede namang tumayo na lang si Charley para kuhanin ang sapatos... sa talino at galing nitong mangatwiran considering undefeated lawyer din si Charley ay kayang-kaya nitong palusutan kung bakit nahubad ang sapatos.

Pero sa halip na maging matured ito ay pinili nitong umasta na parang bata na mapapagalitan kung tatayo ang dalaga para kunin ang sapatos. And Jensen find that cute, as he watched Charley, he can't help but be amused dahil after six years, after being a successful lawyer and being undefeated ay hindi pa rin pala nababago ang ibang traits ng kanyang ex-girlfriend. Charley's trait that he adored, and that looked she gave at him, the kind of warning look pero parang nagmamaka-awa na huwag syang isusumbong... Jensen loved that. Madalas nyang tingnan ng ganun si Charley pag sinusutil nya ito nung sila pa.

Jensen look at his co-lawyers also, when he saw na engrossed ang lahat kay Emmanuel Guevarra ay pasimpleng inilaglag ni Jensen ang hawak na ballpen. Nagtataka namang tumingin si Charley sa binata. When everybody turns their heads and look sa ingay na nilikha ng nalaglag na ballpen ay pasimpleng ibinalik ni Charley ang upuang de-gulong pero hindi sya masyadong nakabalik sa dating pwesto nya kanina. May pagtataka sa mukha ng best friend nyang si Bobby ng tingnan nya ito.

"I'm sorry, my ballpen slipped my hand" mahinang sabi ni Jensen. Nagpatuloy sa pagsasalita si Emmanuel Guevarra, sinamantala ni Jensen ang pagkakataon para tumayo at kunin ang ballpen. But at Charley's surprise sa halip na ang ballpen ng binata ay ang kabyak ng sapatos nya ang unang dinampot nito.

Naka-upong inihakbang ni Jensen ang mga paa, sumilip pa ito sa gilid ng lamesa to check if someone is looking at them, at ganun din ang ginawa ni Charley. Nang matantiya ni Jensen na walang nakakahalata sa ginagawa nya ay hinawakan ni Jensen ang kaliwang paa ni Charley, napa-igtad naman ang dalaga sa kina-uupuan.

Takang napatingin si Bobby sa best friend na si Charley, when he moves para i-check kung bakit napa-igtad ang kaibigan ay hindi napigilan ni Bobby ang di mapangiti sa nakita.

Jensen is on bended knee at bahagyang hinahaplos ang talampakan ni Charley na para bang pinapagpag nito ang kung ano mang dumi meron sa talampakan ng kanyang best friend na si Charley pagkatapos ay dahan-dahan nitong isinuot sa paa ng dalaga ang sapatos. When Bobby turn his eyes at Charley lalo pang lumuwang ang kanyang pagkaka-ngiti, from her shocked look ay unti-unting  nabago ang ekspresyon ng mukha ng kanyang best friend and Bobby is familiar with that kind of expression from Charley.

Sebastian is also watching his son and Charley and he liked what he's seeing, pasimple nyang kinalabit si John na katabi sa upuan at bahagyang dumasog si Sebastian so John can move his chair para mabistahan din ng batikang abogado ang nagaganap.

At si Charley, when Jensen took her shoes she went anxious at first. Kabisado nya ang kasutilan ng ex-boyfriend and she honestly thought na ipapakita ni Jensen sa mga kasama ang sapatos nya. She already brace herself sa humiliation na mangyayari, ipinikit pa nya ang mga mata hoping na sana ay huwag namang gawin ni Jensen ang ganun. And he didn't... pero mas na-shock sya sa ginawa ng ex-boyfriend, hindi nya inaasahan na hahawakan ni Jensen ang kanyang paa kaya ganun na lang ang pagkaka-igtad nya sa kinauupuan.

Kung tutuusin ay split seconds lang naman simula sa pagkakahawak ni Jensen sa paa nya hanggang sa paghaplos nito sa kanyang talampakan, pero may kung anong kakaibang physical sensation ang dulot sa kanya ng mainit na palad ni Jensen. And when she looked at him ng isuot ni Jensen ang kanyang sapatos ay para bang huminto ang oras kay Charley. Ramdam ng kanyang paa ang paglapat ng kanyang sapatos sa kanyang talampakan in a very slow motion at nang ikawit ni Jensen ang strap ng kanyang heels sa kanyang sakong ay parang mas lalong bumagal ang mga segundo.

Sapat ang pakiramdam ni Charley sa mabagal na time loop para makita ang tenderness sa mga mata ni Jensen habang isinusuot nito sa paa nya ang kanyang sapatos, sapat ang mabagal na time loop para madama ni Charley ang init ng palad ni Jensen ng haplusin nito ang ibabaw ng kanyang paa matapos na maisuot ang strap ng kanyang heels sa kanyang sakong.

And those eyes looking at her during the whole duration while Jensen put her shoes into her left foot na may kasamang supil na ngiti mula sa mga labi ni Jensen ay unti-unting napalitan ng warmth ang pagka-gulat na naramdaman nya. 'how can he still be so darn cute!' sabi ng isip ni Charley, and after that thought ay hindi na napigil ni Charley ang magpakawala ng nahihiyang ngiti para sa binata.

'That's another trait I love from this woman!' sabi naman ng isip ni Jensen. Charley gave him the same smile ng punasan nya ang damit nito na natapunan nya ng beer sa bar na pinag-dausan ng birthday party ng kaibigan nya nung college pa lang sila. The kind of smile na nagpakabog sa kanyang dibdib at nagpawala sa pwesto ng kanyang puso more than six years ago.

Nawala ang momentum nila Jensen at Charley ng marinig ang malakas na pag-ubo ni Bobby, just one cough from Bobby para lang bumalik ang ulirat ng kanyang best-friend at ng gwapong ex nito. Ayaw sanang gawin ni Bobby ang ganun pero kailangan nyang sirain ang moment ng dalawa dahil kung hindi ay makakahalata na ang matandang Guevarra. Bobby saw both Sebastian and John is also watching Jensen and Charley, ilang saglit pa at kukuha na ng atensyon ang panunuod nilang tatlo kina Jensen at Charley.

"I got it!" mabilis na tumayo si Jensen hawak ang ballpen, parang naka-agaw ng candy sa batang kalaro ang klase ng ngiting pinakawalan ni Jensen habang iginagalaw-galaw ang kunwari ay pinulot na ballpen. Naka-plaster pa rin ang cute na ngiti ni Jensen habang inookupa ang kanyang upuan. Sumimple naman si Sebastian at John ng dasog at umayos na rin sina Charley at Bobby ng upo.

When Charley look at Jensen again huling-huli nyang nakatingin pa rin ang binata sa kanya, the kind of look she love the most from Jensen yung parang hinuhubaran sya, then he smile at her, isang napakalanding smile pagkatapos ay ang saglit na pagkindat ng kaliwang mata nito.

"Please don't!" pakiusap ni Charley "Please don't do that." sabi nya kay Jensen na ang intensyon sana ay pabulong lamang at sapat para marinig ng binata but to her dismay, lahat ng nasa lamesa ay narinig ang kanyang sinabi.

And it creates a bit of commotion sa ekspresyon ng mga kasama nyang abogado dahil sinabi nya ang salitang 'please don't! please don't do that' matapos sabihin ni Emmanuel Guevarra na babayaran ng shipping magnate ang lahat ng lawyers na naka-punch clock sa Gladiators at Winchester & Sons and by 'lahat' it means lahat ng empleyadong lawyers ng parehong firm kahit na hindi hahawak sa kaso ng nag-iisang anak ng bilyonaryo.

When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon