Dedicated sa'yo ganda ang chapter na ito pati na rin yung Case Study (part 4) & Case Study (part 5) which i will also publish today, HAPPY READING!
******
"I don't wanna be a kill joy or something but I can't have that beer." malumanay na sabi ni Charley ng iabot sa kanya ni Jared ang bote ng ice cold san mig light "But you can drink yours." Ngumiti ulit si Charley "You guys deserve that ice cold after what we've been through today." Sincere si Charley sa pagpayag na uminom ang magkapatid na Winchester.
"And you don't deserve this ice cold?" sabi ni Jensen habang itinataas ang bote ng kanyang san mig light "Come on, we all went through the same day right?" kumbinsi pa ni Jensen kay Charley.
"I know." May gentleness pa rin sa tono ng boses ni Charley "But I don't drink anymore." Tiningnan ni Charley si Jensen na parang sinasabi nyang 'please respect that.'
Gusto na sanang itanong ni Jensen kung bakit ayaw ng uminom ni Charley pero wrong timing. Kahit alam na ng kapatid nyang si Jared ang nakaraan nila ni Charley ay hindi naman alam ni Charley na nai-kwento na nya hindi lang kay Jared kundi pati sa mga magulang ang nakaraan nila. At ayaw naman nyang maging awkward si Charley at syempre pa parang lilitaw na pinagtsi-tsismisan nilang mag-anak ang dalaga.
Naramdaman naman ni Jared ang tumatakbo sa isip ng kuya nya, mabilis nyang sinalo ang ooportunity para maitanong ang nasa isip nito "That Charley..." nakangiting sabi ni Jared "hindi ka ba talaga umiinom o tumigil ka na lang uminom?" bago pa makasagot si Charley ay itinaas ni Jared ang hintuturo at saka nagpatuloy "And would you care to give us your reason on why you're not drinking or why did you stop drinking?"
"I...used...to drink." Parang tinatantya pa ni Charley kung mag-oopen-up ba sya sa magkapatid pero halata ang sincere na curiosity ng mga ito lalo na si Jensen and these two had been a great company the whole time habang gumagawa sila ng case study, they all deserve to have a nice conversation pagkatapos ng pressure ng maghapong batuhan nila ng talino at idea para sa project ng bunso ng mga Winchester. "I don't drink now..." dagdag ni Charley sa kanyang statement. She's willing to tell the story kung magtatanung ang kahit sino sa magkapatid kung bakit hindi na sya umiinom.
"Any particular reason why you stopped drinking?" Sinamantala ni Jensen ang pagkakataon para masagot ang kanyang curiousity dama nyang nasa mood si Charley para magkwento and he's hoping na magpatuloy ang magandang mood nito.
"Five years ago I went on a date..." biglang tumigil sa pagsasalita si Charley, parang ayaw na nyang ituloy ang kwento. Yes, they all deserve a nice conversation tonight pero dapat bang ang kwento ng kanyang buhay ang maging topic ng conversation nila.
"Five years ago..." biglang sabi ni Jensen ng tumigil si Charley ng pagsasalita "You mean...one year after you graduated from law school, pass the bar and... you know start being busy practicing... and yeah..." Iminomosyon pa ni Jensen ang isang kamay habang nagsasalita. "One year...after... I mean... before you become this very good lawyer." Halos mabulol si Jensen sa pagtatanong.
Hindi maiwasan ni Charley ang mapangiti "Yeah, one year after that." may kilig na dulot sa kanya ang tanong ni Jensen dahil tanda pa pala nito ang mga araw at panahon ng nakaraan nila, and it brings joy to her heart na parang gustong makasigurado ni Jensen na isang taon muna ang kanyang hinintay bago sya nakipag-date ulit.
"One year huh?" sumilay ang ngiti sa labi ni Jensen, hindi sya makapaniwalang nag-intay muna ng isang taon si Charley bago muling binuksan ang puso sa bagong pag-ibig and he felt good with that thought, maski papano ay may halaga rin pala sya sa dalaga or maybe Charley was too busy kaya hindi muna nakipag-date, parang nalungkot naman si Jensen sa huling naisip "So what happened?" dagdag na tanong nya sa dalaga bago pa sumama at pumangit ang mga ideyang pumapasok sa isip nya.
"Well... it wasn't really a date, like date-date!" bahagyang sumigla si Charley sa pagkukwento "This guy asked me to escort him sa isang birthday party, his Mom's birthday party." Alanganing tumingin si Charley kay Jensen, iyon ang dahilan kaya sya nakipag-break nuon dito, Jensen didn't invite her to his Mom's birthday.
Para namang bumara ang alak na nilagok ni Jensen sa kanyang lalamunan, buti pa ang mokong na yun at naisama si Charley sa birthday ng nanay nya, samantalang sya ay ginawang broken hearted ni Charley isang birthday ng Mommy nya. Gustong umiling ni Jensen sa naiisip pero pinigil nya ang sarili tumingin sya kay Charley para ipagpatuloy ng dalaga ang kanyang kwento.
"I find that really strange." Pagpapatuloy ni Charley "I barely knew this guy and I met him because he was my opponent in one of my case five years ago and..."
"So, he's also a lawyer huh?" putol ni Jensen sa pagsasalita ni Charley.
"Yes" naramdaman ni Charley ang bahagyang sarcasm sa boses ni Jensen pero hindi nya pinansin iyon. "But he's not really that good." Dagdag ni Charley "Last time I've heard he's somewhere in Visaya's now practicing his profession." Iwinasiwas pa ni Charley ang isang kamay "Anyway... he invited me to be his date sa birthday party ng Mommy nya and I said yes, it was great... the introduction and everything. After dinner we mingle with his cousins and I have this glass of champagne na iniinom ko habang nakiki-mingle." Tumingin si Charley sa magkapatid and she likes the idea that not only Jensen but also Jared is paying attention to her talking.
Huminga muna ng malalim si Charley saka nagpatuloy "I finished my first glass of champagne habang nagkukwentuhan and my date offered me that if I want another glass it would be his pleasure na ikuha ako, ako naman si gaga kinikilig pang umoo kasi for the first time pakiramdam ko eh isa akong prinsesa at pinagsisilbihan ng isang knight in shining armour."
"Hey!" pabiglang sabi ni Jensen "I get you your drinks myself, parang di ka naman sanay na..." natigil sa pagsasalita si Jensen dahil nakita nya ang warning look sa mukha ni Charley na parang sinasabi ng dalaga na 'will you shut up, Jared doesn't know our past.' And when Jensen look at his brother ang tingin naman nito ay parang nagsasabing 'Charley have no idea that you told me about your "before" so shut the hell up.' Alanganin ang ginawang ngiti ni Jensen ng marealized ang sitwasyon at kumambyong bigla "I mean... I will do the same to you if I was your date." Pinanindigan na nya ang paglusot sa sitwasyon "Di ka dapat kinilig kasi style ng lahat ng lalaki yun especially on your first date." Kunwari ay nagbibigay sya ng advice sa isang naïve na babae.
"Will you shut up and let her finished her story." Kunwari naman ay naiinis na sabi ni Jared, it will help at parang patay malisya na may alam sya sa nakaraan ng dalawa. "Please continue." Nakangiti pang sabi ni Jared kay Charley.
"To make the story short, he gets me another glass of champagne at ako naman kilig na kilig." Tumingin sya kay Jensen ng may warning na wag kang iimik "so iniinom ko yung kinuha nyang champagne while we continue to mingle with the cousins... nung halos mauubos ko na ulit yung champagne sa baso parang nag-iba ang pakiramdam ko, para akong nahihilo na nasusuka na hindi ko maintindihan. At imposibleng tinamaan na ako kasi champagne lang yun tapos pangalawang baso pa lang, I'm a very good drinker you know." Nakita ni Charley ang pagsang-ayon sa mata ni Jensen sa huli nyang sinabi, buti na lang at nakalihis ang mukha nito sa kapatid na si Jared hindi makikita nito ang pagsangayon ni Jensen na good drinker sya.
Iwinaksi ni Charley ang reaksyon ni Jensen at sa halip ay itinuon ang atensyon kay Jared. "Then I realized... baka lang naman..." ikinibit ni Charley ang balikat "Maybe my date put something on my drink."
"He drugged you?" halata ang galit sa tono ng boses at mukha ni Jensen.
"Shhh!" sabi naman ni Jared.
Amused na amused naman si Charley sa reaksyon ng kanyang ex-boyfriend.
"Should I continue the story or..." isinenyas ni Charley ang isang kamay na parang sinasabing 'itutuloy ko pa ba o dadaldal ka na lang at magagalit?' at nang-iinis pang ngumiti ang dalaga.
"Continue!" parang napipikon na sabi ni Jensen, kaylangan nyang magtimpi pinagtatawanan na sya ni Charley at lalo syang naiinis.
BINABASA MO ANG
When Will You Start Bending Your Own Rule (kilig luha at saya ng umiibig book 2)
Literatura FemininaWhen Jensen met Charley, he bend his one and only rule, "Do not date any woman twice." When Charley met Jensen she broke her own rule, "Never take any men seriously." So they both come up with one rule for themselves, "No Commitment!" Will they both...